Chapter 34:

2373 Words

Malakas na tawa ni Dinky ang pumaimbabaw sa bulwagang iyon matapos matumbas si Liam at bumagsak si Gail sa sahig. Hawak-hawak ni Gail ang baywang na tumayo nang kitang halos sapo-sapo ng kaibigan ang tiyan nito sa katatawa. "Ano'ng nakakatawa doon, bakz?" gagad agad sa kaibigan na mas inuna pa siyang tawanan kaysa tulungan. Halos hindi pa rin matigil-tigil ang kaibigan sa katatawa kahit inaawat na rin ito ni Drew dahil ito na lamang ang natawa sa lahat ng naroroon pero tila wala itong balak tumigil kaya hindi na niya napigilang batukan ito baka matauhan at hindi nga siya nagkamali. "Aray," mabilis nitong angil. "Bakz naman, bakit ka nangbabatok," mabilis nitong tanong. "Nagtatanong ka pa, halos hindi ka nga tumitigil diyan sa katatawa, eh, at kung makatawa ka parang wala nang bukas,"

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD