Na-excite siya sa surprise nito kaya mabilis na tinanggal ang takip at nakita ang fried rice roon, biglang nawala ang excitement na kanina ay naramdaman. Nadismaya siya sa surprise ng lalaki, akala niya kung ano na iyon pala ay friend rice lang. 'May patakip-takip ka pang nalalaman, fried rice lang pala,' may inis na turan sa isipan. Hindi na niya pinahalata sa lalaki ang pagkadismaya kundi ibinuhos na lang sa paglantak ng pagkaing inihanda nito. Masarap naman kasi kahit papaano ang niluto ng lalaki kaya hindi niya inaasahan na napalakas pala ang kanyang kain. Nakamata lang naman si Liam kay Gail, iniisip kung sa takaw nitong kumain ay saan nito dinadala ang nilalamon nito. Hanggang sa pabilis na nang pabilis ang subo nito at halos maimpatso ito. Nang maubo ito ay agad niyang inalalayan