Nang matapos sina Dinky at Gail sa kanilang kanta ay hindi naman nagpakabog sina Minda at Guada na kasama pa si Demi. "Kakanta ka rin ba, ate?" untag ni Dinky sa kapatid. "Hindi, back-up dancer namin siya," ang kanilang ina ang sumagot. "Ay, ang taray, may pa-back-up dancer," gilalas ni Dinky sa ina na tila hindi papadaig sa kanila. "Of course, hindi naman kami magpapatalo nitong si Guada, 'di ba, mars?" untag nito kay Guada na noon ay handang-handa na. "Naku, mukhang hindi magpapatalo sina inay," ani Gail sa kawalan habang papalapit sa asawa. "Well, may kakabog pa ba sa performance ninyong magkaibigan," parinig ni Liam sa asawa. "Honeypie naman, hindi ba maganda?" busangot ni Gail. "May sinabi ba ako, hon, sabi ko, wala nang kakabog sa performance niyo kasi nandoon na lahat, stage