Naging maayos na ang sumunod na mga araw, tila naman nahinto na ang banta sa buhay ng maglolo at sa mga kasama nila sa bahay. Kasabay noon ay ang unti-unting pagbalik ng kasiyahan at sigla ng lahat, lalo pa at excited ang lahat sa pagdating ng magiging bagong membro ng pamilya Herbosa. "O, bakit naman nagmumukmok ka diyan, eh, birthday na birthday ni Tita Minda at babalik na sa Japan si Ate Demi bukas," turan ni Gail sa kaibigang tila naghimala ang langit dahil hindi ito bumabangka sa usapan lalong-lalo na sa kainan. "Exactly, bakz, aalis na naman si ate, taon na naman bago namin siya makasama ni inay at si inay naman," anito sana bumuntonghininga. "O, ano'ng meron kay Tita Minda?" susog na tanong sa kaibigan dahil parang binitin pa siya sa ere nito. "Kasi naman, friend, feeling ko lan