Nagtaka silang apat nang marating ng bahay ng mga Herbosa, nakabukas kasi lahat ng ilaw roon at maging ang gate at mga pintuhan ay bukas din. Nasa labas pa lang sila ng gate nang tila iba na ang kutob ng magkaibigang Gail at Dinky. Mabilis silang umibis sa sasakyan ni Liam na hindi pa nagagawang iparada sa garahe dahil sa pagmamadali. Halos magkandadapa ang magkaibigan makapasok lamang sa malaking bahay ng mga Herbosa. "Ah! Ah! r**e! r**e! r**e!" malakas na tili ng kaibigang si Dinky. "Bakz bakit r**e, hindi ba dapat magnanakaw! Magnananakaw!" aniya para kumuha ng atensiyon sa kanilang mga kapit-bahay. "r**e!" sigaw pa rin ng kaibigang si Dinky dahilan para hindi mapigilang batukan ito, masyadong nakakaeskandalo ang bunganga nito baka pati ang magnanakaw ay maeskandalo ay biglang tuma