Pagdating nila sa opisina ng asawa ay agad silang sinalubong ni Gretta na puno ng sigla sa mukha nito. "Good morning, how was your honeymoon? Anyways, nasa conference room na ang ilang client natin. May ilang hinihintay pa tayo at ang lolo mo bago magsimula," pagbibigay-alam nito saka mabilis na nagpaalam dahil ibibigay raw nito ang tubig at kape. "Tutulungan na kita," mabilis na boluntaryo ni Gail upang tulungan ang babae. "No need, kaya ko na ito. Babalikan ko na lang ang iba," saad nito pero talagang mapilit siya. "Okay lang ako, tutulungan na kita," pinal na turan ni Gail kay Gretta at nakitang tumingin ito sa asawang si Liam na tumango na lamang. "Okay, mapilit ka, eh," anito na nakangiti na. Hawak nito ang tray ng coffee habang siya naman ay ang tubig. Pagbukas ng conference ro