Chapter 91:

1508 Words

Hindi na napigilan pa ni Don Julio ang sarili habang nakasilip sa pinagtataguan niya, apo man o hindi ang babae ay hindi kaya ng konsensiyang makitang may gagahasain sa kanyang harapan. Kaya upang makuha ang pansin ng mga ito ay mabilis na itinulak ang kumpol ng kawayan sa kanyang pinagtataguan saka inihanda ang sarili sa pagtakbo. Naging matagumpay naman ang kanyang ginawa dahil mukhang nakuha niya ang pansin ng mga ito at hinabol siya ng dalawang tauhan nito kasunod ng malakas na utos ng kanyang empleyado na si Fred. Habang mabilis ang takbo ay wala siyang ibang naisip kundi siya lamang ang tanging pag-asa upang mailigtas ang mga ito. Ngunit agad siyang napahinto nang paputukan siya ng mga ito, mabilis pa sa alas-kuwatro na itinaas ang kamay bilang pagsuko para hindi siya muling barili

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD