Matapos bumalik si Dinky matapos magpalit ay sinimulan na nilang mag-exercise. Wala pa man si Drew pero mas mainam na iyong magsimula na sila upang mabawasan naman ng taba sa katawan ang kaibigan. Tagaktak na ng pawis ang kaibigan nang mapansing wala pa rin ang sinasabi niyang guwapo. Hingal na napatigil ito habang pinupunasan ang kanyang mukha. "Nasaan na ang gwapong sinasabi mo?" singil nito sa kanya. Hanggang sandaling iyon ay natatak pa rin pawis ni Dinky nang mapatingin kay Liam. "Mata mo, bakz, he's mine," paalala ni Gail sa kaibigan. "Ay, taray, may he's mine pang nalalaman," anito sabay busangot. "Damot naman, kahit tingin, bawal," maktol nito nang makita ang lalaking paparating nang biglang tumili ito. "Ay!" malakas na tili ni Dinky na bumulabog sa buong kabahayan. "Itikom mo