Napatda pareho sina Gail at Liam nang gambalain sila ng sunod-sunod na tunog ng door bell ang kanilang narinig. Tila walang kapaguran at ayaw lubayan ng kung sinumang napindot doon. Nagkatinginan na lamang silang dalawa dahil kapwa walang ideya kung sino ang kanilang bisita at dahil hanggang sa sandaling iyon ay nahiya pa rin si Gail sa mga nangyari sa kanila ni Liam ay agad na lumabas upang usisain kung sino ang nasa labas at walang habas kung pumindot ng door bell. Dalawang tao ang nakitang nakatayo sa labas ng gate nila, hindi niya mapagsino noong una ngunit habang papalapit siya sa kinaroroonan ng mga ito ay unti-unti niyang nakilala ang mga ito. "Dinky, Tita Minda? A-Ano'ng ginagawa niyo rito?" maang na tanong nang biglang umatungal ang kaibigan. "Ahhh! Grabe 'yong guard dito sa v