Naging abala ang asawang si Liam sa kanyang trabaho kaya nang makaramdam ng gutom si Gail ay nagboluntaryo na siyang magtungo sa cafeteria. Ayaw pa sana siyang payagan nito at pasasamahan daw siya ni Gretta pero mukhang may iniutos ang don dito kaya mas lalong nagpursige si Gail na kaya pa naman niya mag-isa na magtungo sa cafeteria. "Naku, honeypie, kaya ko pa naman magpunta sa cafeteria, hindi pa naman malaki ang tiyan ko," giit niya sa asawa. "Baka kasi, hon, mapaano ka doon," saad naman ni Liam sa kanya. "Walang mangyayari sa akin, alam ko namang masyado kang busy diyan sa ginagawa mo kaya ako na ang pupunta dahil kaya ko na ito," hirit pang sambit ni Gail sa asawa na pilit nagsusumamo na payagan na siya nito. Isang matiim na tingin ang ibinigay ng asawa sa kanya saka ito pumayag.