Naging maayos naman sina Don Julio at anak na si Daniel, hindi man ganoon ka-close pero kahit papaano ay nagkapatawaran naman at pinipilit habulin ang mga taong nawalay sila sa isa't isa. May mga pagsisisi man sila sa mga nagawang pagkakamali noon handa naman silang kalimutan ang mga iyon para sa panibagong buhay na kanilang haharapin. "Naku, mukhang bumata kayo ng limang taon, ah, sir," puna ni Gretta sa big boss nang ipatawag siya nito. Natawa naman ng matanda. Matapos kasi ng dalawang linggong pamamahinga ay nakabalik rin siya sa kanyang opisina. "Aba'y limang taon lang ba? Bakit feeling ko ay sampung taon," pamamatol naman ng matanda kay Gretta. "Ganoon po ba? Sige po, pagbibigyan ko po kayo kasi kayo ang boss," natatawang saad ni Gretta na kinatawa na rin ni Don Julio. Maya-may