Sa pagbabalik ni Don Julio ay naging masiglang muli ang mansiyon ng mga Herbosa lalo pa at tila mas sumigla pa ito nang malamang magkakaroon na ito ng apo sa tuhod. "Sinasabi ko na nga ba, hindi pa ako mamamatay dahil alam kong marami pa akong aalagahang apo sa tuhod," tila pagyayabang nito habang nasa sala silang lahat. "Sus! Sabihin mo, matigas lang talaga ang ulo mo, sinabi na sa 'yong huwag kang aalis tapos may pasulat-sulat ka pang haharapin ang multo ng kahapon," sita naman ni Aling Minda sa don sabay irap pa kuno dito na mas lalo nitong kinatawa. "Kung inatake ako sa pag-aalala sa 'yo, talagang mumultuhin talaga kita," dagdag pang palatak na turan ni Aling Minda sa don. "Si inay talaga, kung anu-anong pinagsasabi. Kung namatay ka, saan ako kukuha ng pambili ng kabaong mo," bara n