Naging mas masaya ang naging selebrasyon ng pagpo-propose ni Chris kay Lindsey. Kahit papaano rin naman ay naiintindihan na ni Dinky na hindi pa iyon ang panahon upang mag-propose ang kasintahan si Drew kahit pa makailang ulit niyang pinaringgan ito. Itinatawa na lamang ni Drew ang bawat parinig ng kasintahan nito. Batid niyang nadadala lamang si Dinky ng emosyon nito lalo pa bukas ma bukas ay ikakasal na ang kaibigab nitong si Gail. "O, bakit ganyan ka makatingin, hindi na nga ako nahirit hindi ba?" untag ni Dinky kay Drew. Ngumiti na lamang si Drew dahil ayaw niyang patulan ang kasintahan, alam niyang masama pa rin ang loob nito kahit sinabing ayos na siya lalo pa at kanina pa tingin nang tingin sa kumikinang na singsing sa mga daliri nina Lindsey at Gail. "Mukhang may LQ na naman ka