(WARNING: SEVERE VIOLENCE AHEAD) Tinanghali na ako ng gising kinabukasan. Ganun nalang ang pagmamadali ko nang tawagan ako ni Andrei upang kunin ang anak at biyenan nito dahil nabaril ang kaibigan kong si Cassandra. Lutang ang isip ko habang nagmamaneho. Hindi ako lubusang makapaniwala na magkasunod na may nangyaring insidente sa mga kaibigan ko. Hindi ko tuloy maiwasang matakot sa isipin na ako na ang susunod. Napabuga nalang ako ng hininga at pilit na kinalma ang aking sarili. Eto talaga ang hirap sa isip ko, hindi ko maiwasang kontrolin na palalain ang mga scenario sa utak ko. Chill Azaia. Wala namang ex si Bjorn na maghihigante kuno sayo. Tuluyan na nga akong nakarating sa lugar. Mabilis kong dinala si Adrian at Tita sa bahay ni Ayesha upang doon tumigil sandali. Sabay naman kam