Nagising ako sa pamilyar na amoy ng paligid. Hindi ko man imulat ang aking mata ay alam kong nasa ospital ako dahil iyon ng lugar na aking pinagtratrabahuhan noon. I slowly opened my eyes at saka nilibot ng tingin ang paligid. Napaawang ang aking labi nang tumama ang aking paningin sa lalaking prenteng nakaupo sa may gilid ng higaan ko. Nakapikit ito habang nakasandal sa kanyang inuupuan at magkakrus naman ang kanyang braso. Paano niya nagagawang umidlip sa ganoong posisyon? Sinubukan kong bumagon pero napaigik nalang ako sa sakit ng aking katawan. Pinagsisihan ko ang ginawa kong galaw dahil nagising ang lalaki sa tabi ko. "Hey" usal niya saka tumayo at inalalayan akong bumangon. Isinandal niya ako sa headboard ng higaan at nilagyan ng unan ang likuran ko. Mabilis niyang kinuha ang