"A-ano bang ginagawa mo?! Bitawan mo ako?!" pabulong na angal ni Crisma kay Erik pero ang totoo gustong-gusto niya ang mahigpit na pagyakap na iyon sa kanya ng binata. 'Yong paglalapat ng kanilang mga katawan, parang 'heaven' ang pakiramdam! OMG! Feeling niya pa ay safe na safe siya sa malapad at matiponong dibdib na iyon na kumukulong sa kanya. Mayamaya pa'y dinig na niya ang masagabong palakpakan mula sa kapwa nila studyante. Sunod ay ang bulungan ng mga ito. Parang ending ng isang kwento sa pocketbook o sa pelikula kasi ang nasaksihan ng mga ito. "OMG! Sila na nga talaga?!" komento ng isa. "Ang sweet nila noh?" sabi rin ng isa. "Kahit hindi bagay ang sweet naman nila!" sabi pa ng isa. "Swerte ni negra!" tili naman ng isang bakla. Doon na unti-unting lumuwang ang pagkakakayap ni Er