Sumisipol pa si Erik habang nagpapalit ng damit, katatapos lang ng practice game nila at susunduin niya si Crisma sa classroom nila para sabay na silang uuwi sa apartment niya. As usual paglilinisan niya ulit si Crisma roon. Kapalit ng pagtatanggol niya ulit dito. "Talagang nababaliw ka na, Pare!? Pati negra pinapatos mo na?! Ikaw nang gwapo!" Tukso ng team mate niyang si Arnel sa kanya. "May date yata sila ng negrang 'yon eh," biro rin ni James. Inirapan niya ang mga ito. "Kung wala kayong magandang sasabihin tumahimik na lang kayo pwede?!" "May payakap-yakap pa! Sikat ka na sa Youtube, P're!" Nakisama rin sa tuksuhan si Denver. Gusto niyang pagsasapakin ang mga team mates niya. Pero ayaw niyang padala sa init ng ulo. He's happy now and so what?! Ngayon lang siya ulit naging masaya n