"Crismaaa!" Agad niyakap ni Miss Juliet ang dalagang bagong dating. "Ate Julieeettt!!" Ganting yakap ni Crisma sa mabait na Ate Juliet niya. "You look great! Ibang-iba na ang hitsura mo!" Pinagmasdan ng tingin ni Miss Juliet mula ulo hanggang paa si Crisma. Halos hindi na nito kasi makilala si Crisma sa bago nitong hitsura. Ang kulot na buhok ni Crisma ay unat na unat na. Halatang alagang-alaga. Pati ang kulay ng balat nito ay maputi na rin kahit paano, naging morena na, hindi na mababakas ang kaitiman nito dati. "Thanks to you Ate, and also kay Kuya Roman!" Ang tinutukoy ni Crisma ay ang mabait ding kapatid ni Miss Juliet na kumupkop sa kanya sa ibang bansa. Ang nag-iisa at panganay na kapatid ni Miss Juliet. Ginawa nito lahat mabago lang kanyang hitsura, sa tulong na rin ng seyensa ng