"Boyfriend niya ako pero iniwan niya ako. Pero alam ko babalik siya kaya lagi ako rito sa bahay nila," paliwanag ni Erik kahit 'di naman humihingi ng paliwanag si Crisma. Lalong napatanga si Crisma. Umawang ang kanyang mga labing napatitig sa binata. May parte ng kanyang puso na gustong matuwa at makilig pero pinipigilan niya ito.. and so?! Baka nakonsensya lang ang Erik na ito dahil sa mga ginawa sa kanya nito noon? Siguro 'di makatulog! Kaya ganyan! Hindi siya dapat agad-agad magpadala sa mga sinasabi nito! "If I know! Nagpapa-impress ka lang sa'kin kasi type niya ako bilang si Jharace! Neknek mo!!" sa loob-loob niya. "Oh, really? You're so sweet naman sa aking cousin? She’s lucky having you as her boyfriend," pambobola rin niya. “Sana malaman niya ‘yan,” mapait na sabi ni Erik. "O