"Ay kabayo!" Gulat si Crisma nang mabungaran niya si Erik sa likod ng bahay. Akala niya ay umuwi na 'to kagabi. Andito pa pa rin pala. At nag-iigib pa ng ng tubig? Eh? "Gising na pala ang senyorita?!" Sarcastic na ni Erik nang makita siya at maibaba ang dalawang baldeng puno ng mga tubig. Pawis na pawis ang binata, pero in fairness mas gumwapo pa ito! At ang macho, ha?! Inirapan niya lang ito at hindi pinansin. Kalma, Crisma! She whispered in herself. Jusko! Nakakapalunok kasi ng laway ang mga abs! Pumasok ulit siya sa bahay. Saka padabog na umupo sa may kusina, tutulungan na lang niya ang nanay niya na magluto. Nevermind the freaking abs! Tss! "Jharace, ako na! Kaya ko na 'to" saway sa kanya ng ina nang hawakan niya ang sitaw at pinutol-putol iyon. "Hindi po. Okay lang po. I want to

