Chapter 7

2074 Words
Chapter 7 "Pesto alfredo for me" Nakasimangot na isinulat ni Nathan ang order ni Bryan habang nakamasid lamang siya dito. Kahit naka-uniporme ito ng pang-waiter ay mapagkakamalan parin itong mas mayaman kaysa kay Bryan. The way he talked and the way he move. Mas may class ang galawan ni Nathan kaysa kay Bryan na isang CEO ng isang kumpanya. "How about you?" Masungit na tanong ni Nathan sakanya Napa-iwas tuloy siya ng tingin kay Nathan at nagkunwari siyang naghahanap ng kanyang kakainin. Ngunit parang nagrambulan ang mga letra ng menu list sa kanyang paningin kaya naman wala siyang maorder sa mga iyon. Apektado kasi siya ng pagsusungit ni Nathan sakanilang dalawa ni Bryan. Maaaring nagseselos kaya ito? Pero bakit naman ito magseselos? Hindi bat sinabi na nga nito sakanya na hindi siya nito gusto? "S-Same thing nalang rin kay Bryan ang order ko" Sabi nalang niya dahil wala siya sa kanyang sarili at hindi siya makapag isip ng maayos Nakita niyang napatiim ng panga ito. Para bang naiinis ito sakanya sa mga oras na iyon. "Karen do you want strawberry cake? Satingin ko masarap iyon at magugustuhan mo" Suhestiyon ni Bryan sakanya sa tonong naglalambing Ngumiti siya at tumango nalang sa sinabi nito. Napatingin naman siya kay Nathan ng sarkastikong natawa ito. "W-What?" Nagtatakang tanong niya kay Nathan dahil sa pagpalatak nito. "Straberry? Hindi ba ayaw mo nun?" Tanong ni Nathan sakanya kaya napakunot naman ang kanyang nuo Paano naman nalaman ni Nathan na hindi siya mahilig sa strawberry flavor? Marahil ay nabangit iyon ni Pia dito. "G-Gusto ko na ngayon. You know, people change" She nervously smiled at him Tinignan lang siya ng masama ni Nathan bago ito umalis nalang basta basta sa harap nila. Napabuga siya ng hangin dahil kanina pa pala siya hindi makahinga ng maayos dahil sa tindi ng epekto ni Nathan sakanya. Parang nangangatog rin kasi ang tuhod niya sa ginawa nitong pagsusungit sakanilang dalawa ni Bryan "Okay ka lang ba Karen? Medyo bastos ang kaibigan mong iyon--" "H-Hayaan mo na siya. Nag-away kasi kami noong nakaraang araw eh." "I see... Kaya naman pala kung makatingin ang sama eh. Anyway, Let's not talk about him." Ngumiti si Bryan upang baguhin nila ang kanilang pinag-uusapan "M-Mas mabuti pa nga" Ngumiti nalang rin siya ngunit kinakabahan parin siya ng hindi niya malamang dahilan "Can i sit beside you? Masyadong malaki itong table natin eh" Nahihiyang tanong ni Bryan sakanya "S-Sige" Pagpayag nalang niya dahil maluwang naman ang upuan na couch na inuupuan niya. Pang dalawang tao talaga iyon at baka nga kasya pa ang tatlong tao doon. Todo ngiti naman itong lumipat sa kanyang tabi. Medyo nailang siya ngunit hinayaan nalang niya ito. "Mas maganda ka pala sa malapitan" Pagpuri ni Bryan sakanya habang namumula pa ang mga pisngi nito. Tila kinikilig ito dahil nakatabi siya nito sa couch. "S-Salamat" Nahihiyang sagot nalang niya ngunit ang totoo niyan ay major turn off na talaga siya kay Bryan sa mga oras na iyon "Sabi sakin ni Pia, Mapili ka raw sa mga lalake. Totoo ba iyon Karen?" Malambing na tanong ni Bryan sakanya. Bahagya pa itong umusog sa kanyang tabi. "A-Ah eh. Medyo" Sagot niya Napatingin naman sila kay Nathan ng lumapit itong muli sa table nila. Halos hindi na maipinta ang gwapong mukha nito sa sobrang inis. Naiinis ba ito dahil dagdag pa siya sa trabaho nito? Nagsalin ito ng tubig sa mga baso nilang dalawa ni Bryan habang masama ang tingin sakanya. Samantalang dinedma naman ito ni Bryan at pinagpatuloy ang pag tatanong nito "Ano bang hinahanap mo sa isang lalake?" Napalunok muna siya bago sumagot sa tanong ni Bryan. Panigurado kasi siyang naririnig sila ni Nathan. "A-Ah eh.. Hindi ko rin alam eh." "Why don't you tell him that you like a good looking man at hindi siya pasok sa standards mo?" Singit ni Nathan sa usapan nilang dalawa ni Bryan kaya sabay silang napatingin sa binata "Ano bang problema mo?" Galit na tanong ni Bryan kay Nathan dahil kanina pa ito nagtitimpi sa binata. Tatayo sana ito ngunit pinigilan niya Hinawakan niya ang braso ni Bryan upang pigilan ito. Dumilim ang mukha ni Nathan ng makita nitong hinawakan niya ang braso ni Bryan. "Bryan. N-Nagbibiro lang yan si Nathan." Aniya upang pakalmahin si Bryan baka kasi mag-away pa ang mga ito "Eh parang nang-gagag* na tong kaibigan mo eh. Panira ng date natin eh" reklamo ni Bryan Ngumisi naman si Nathan ng nakakaloko kay Bryan dahil halatang napikon na nito ang kadate niya "Just kidding." Walang kangiti-ngiting sambit ni Nathan bago nito ipinatong ng malakas sa kanilang lamesa ang pitsel na hawak nito. Mabuti nalang at kaunting tubig lang ang natapon mula doon "Aba gag* to ah--" Tatayo sana muli si Bryan ngunit pinigilan niya ito "Please? Hayaan mo na siya. Huminahon ka" Paki-usap niya kay Bryan kaya naman huminga ito ng malalim upang kontrolin ang galit nito Nagpapasalamat naman siya dahil kumalma na ito. Nakita niyang pumasok na si Nathan sa loob ng kusina ng restaurant. Pabalibag pa nga nitong isinarado ang pinto. Nagtinginan ang mga kasamahan nitong waiter rin dahil sa inasal ni Nathan sa mga oras na iyon Mayamaya pa ay lumapit na sakanila ang dalawang waiter na lalake. Dala dala na ng mga ito ang mga pagkain na inorder nila. Nakahinga siya ng maluwang dahil hindi na si Nathan ang nagserve sakanila dahil baka mag-away na ito at si Bryan kung magkaka-initan ang mga ito Tahimik nalang silang kumain ni Bryan ng mga pagkain na inorder nila. Hindi niya halos nagalaw ang inorder niya dahil laman ng kanyang isip si Nathan. Bakit kaya ito nagkakaganoon? "Wala ka bang gana kumain Karen? Pasensya kana kung uminit ang ulo ko kanina." Tinignan niya si Bryan parang naiinis parin ito dahil sa nangyari kanina. "Ayos lang" Maiksing sagot niya "Sana may second date pa tayo pagkatapos ng gabing ito. I'm really into you. Lalo pa ngayong nakita na kita sa personal. Mas lalo kitang nagustuhan Karen" "S-Salamat" Natapos ang kanilang pag-kain na hindi na muling nagpakita si Nathan sakanilang dalawa. Hindi niya naubos ang pag-kain dahil wala talaga siyang ganang ubusin iyon. Hinatid siya ni Bryan hangang sa tapat ng kanyang kotse. Nalungkot nga ito dahil hindi daw pala siya nito mahahatid sa kanilang mansyon dahil may kotse siyang daladala. "M-may pag-asa ba ako sayo?" mayamaya tanong ni Bryan sakanya bago siya sumakay sa kanyang kotse "H-Ha?" "May pag-asa ba ako sayo Karen?" Humugot siya ng malalim na pag-hinga "S-Sa totoo lang Bryan hindi kita nagustuhan. Pasensiya kana kung ito na ang una at huling date natin" Gasgas na ang linyahan niyang iyon ngunit sa tuwing sinasabi niya iyon ay parang kinakabahan pa rin siya. Iyon ang mga salitang palagi niyang sinasabi sa mga lalakeng binabasted niya Bagsak ang balikat nito dahil sa kanyang sinabi "P-Pasenya kana talaga Bryan. Sana makahanap ka ng babaeng para saiyo.." Malungkot itong nag-paalam sakanya. Ito ang isa sa mga kinakapaguran ni Karen sa larangan ng pakikipag-date. Nakakasakit lamang siya ng mga damdamin ng ibang lalake sa tuwing nakikipagdate siya. Napabuntong hininga siya bago siya sumakay sa kanyang kotse. Nagpalipas pa siya ng ilang minuto bago niya pinagana ang kanyang kotse. Eksakto namang nakita niya si Nathan na papalabas ng restaurant. Naka-suot na ito ng itim na jacket at may hawak itong helmet. Sinundan niya ng tingin ang binata hangang sa lumapit ito sa isang motor na naka-park sa harap ng restaurant. Kahit nakasimangot ito ay tila napakagwapo parin! Isinuot nito ang helmet pagkatapos nitong sumakay sa motorsiklo nito "Nag-momotor pala siya.." Parang tanga siyang nakasubaybay sa bawat kilos nito Nataranta siya dahil nagmaneho na ito ng mabilis palayo sa restaurant. Nagmadali tuloy siyang sundan ito. Napaka-kaskasero pala nito kapag motorsiklo ang minamaneho! Mabuti nalang at kaskasera rin siya kaya nahahabol at nasusundan niya parin ito! Hindi niya rin maintindihan ang kanyang sarili kung bakit niya ba ito sinusundan. Marahil gusto lamang niyang malaman kung saan ito nakatira "Damn! I'm being stalker now! Biruin mo sa ganda kong ito magiging stalker pala ako someday" Natatawang sabi niya sa kanyang sarili habang sinusundan niya ang motorsiklo ni Nathan Medyo malayo na ang binabyahe nila. Lumiko ito sa isang eskenita kaya hindi na niya ito masundan. Hindi na kasi kasya ang kanyang kotse sa loob ng eskenitang iyon. Nagpasya parin siyang bumaba ng kanyang kotse at patakbong sinundan ang motorsiklo ni Nathan. Hinubad niya ang dalawang high heels na suot suot niya upang makatakbo siya. Maraming tao sa loob ng eskenita. May mga bata pang naglalaro sa kalsada kahit gabing gabi na. Tumakbo parin siya hangang sa lumiko nanaman ang motorsiklo ni Nathan sa pinakadulo ng eskenita. Mas masikip at mas maraming tao na roon. Maingay at magulo ang lugar na iyon Hindi naman siya natatakot dahil kahit mayaman siya ay hindi naman siya maarte. Oo nga't pihikan siya. Ngunit magkaiba ang taong pihikan sa taong maarte. May mga taong nagsusugal at nag-iinuman sa gilid niya. Napansin ng mga ito ang pag-takbo siya kaya pinigilan siya ng isa sa mga lalakeng laseng doon "Binibini mukhang naliligaw ka yata dito sa lugar namin ha?" Tanong ng laseng na humarang kay Karen "Magandang gabi po. Pasensya na po kayo may hinahabol po kasi akong tao." Magalang niyang sabi sa lalakeng laseng. Malaki ang tiyan nito dahil siguro sa kakainom nito ng alal. Hindi naman natatakot si Karen dahil marami namang tao sa paligid at hindi rin naman mukang masamang tao ang mga taga roon "Aba magalang ka naman pala at hindi matapobre. Tumagay ka muna samin para pang welcome namin sayo" "Tagay!" Masayang sabi pa ng mga lalakeng kainuman nito. May dalawang babae rin lasengera ang lumapit sakanya "Sino bang hinahabol mo ineng?" Tanong nito sakanya na inakbayan pa siya "S-Si Nathan po" Medyo naiilang na siya dahil amoy na amoy niya ang alak sa hininga ng matandang babae "Sinong Nathan? Wala namang Nathan ang nakatira dito sa lugar namin" Pagewang gewang naman na tanong ng isa pang babae "Tumagay ka muna bago mo habulin ang Nathan na iyon." Nag-salin ng isang basong alak ang lalakeng lasengo at ibinigay iyon sakanya Napilitan naman siyang inumin iyon. "Karen!" Napaubo siya ng mangalahati na niya ang alak sa basong iniinuman niya ng marinig niya ang pamilyar na boses ng binata. Natapunan pa tuloy siya sa kanyang damit ng alak dahil sa sobrang gulat niya. Basang basa tuloy ang dress na suot suot niya sa bandang dibdib niya "Nathan!" Napangiti siya ng makita ito. "Aba si Natnat pala ang tinutukoy mo ineng na Nathan? Hoy Natnat ang nobya mo bakit mo naman pinapahabol sayo?" Tanong ng babaeng lasengera kay Nathan ng lumapit ito sakaniya "What are you doing here?" Kunot nuong tanong ni Nathan sakanya. Ibinalik muna niya ang basong may kaunti pang laman na alak sa matandang lalakeng lasengero "Tay pasensya na nandito na yung sundo ko hindi ko na ho mauubos ang tagay niyo medyo mapait ho yang tinitira niyo eh" Hinawakan na ni Nathan ang pulsuhan ng kanyang kamay at hinila siya nito palayo sa mga nag-iinuman "Anong ginagawa mo dito?" Tanong ulit ni Nathan habang hawak nito ang kanyang kamay "Sinundan kita. Gusto ko lang naman malaman ang bahay mo. Kaso naiwan na doon sa kanto ang kotse ko dahil hindi naman pwedeng makapasok yung kotse ko sa eskenita. Tumakbo ako para maabutan kita. Kaso naharang naman ako ng mga nag-iinuman na kapitbahay mo" "Next time pag alam mong delikado ang lugar huwag kang pupunta mag-isa dito." Binuksan ni Nathan ang isang pintuan sa bandang dulo ng eskenita. Naroon nakaparada sa tapat niyon ang motorsiklo nito. Marahil iyon na nga ang bahay nito. Nag-alangan siya sa pag-pasok sa loob ng bahay ni Nathan dahil kahit maliit lamang iyon ay halatang napakalinis ng loob. Tiles na kulay puti pa ang sahig at para bang walang karumi-rumi sa loob ng bahay nito "Ayaw mong pumasok sa loob ng bahay ko?" Kunot nuong tanong ni Nathan sakanya dahil ayaw niyang pumasok sa loob ng bahay nito "M-Marumi yung paa ko. Marurumihan ko ang sahig mo" Nahihiyang sabi niya dahil nakatapak lamang siya at panay putik na ang kanyang paa Tila doon palang napansin ni Nathan na nakatapak siya at walang sapin ang kanyang mga paa Nawala naman unti unti ang pag-kunot ng nuo nito. "It's okay pupunasan ko nalang ang sahig mamaya. Come in" Pag-anyaya nito sakanya sa loob ng bahay nito Kahit nahihiya siya ay tumuloy parin siya sa loob ng maliit ngunit malinis na bahay nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD