Chapter 6
Tatlong araw naging abala si Karen sa kanyang singapore Karhoppie branch. Kaya naman tatlong araw rin niyang hindi nakita si Nathan simula ng magpunta sila sa mansyon ni donya corazon sa Laguna.
Ilang beses niyang tinawagan si Pia upang kamustahin si Nathan o kung hinahanap ba siya nito ngunit ang palaging sagot lamang ni Pia ay hindi daw.
Katulad nalang ngayon kahit pagod siya sa kanyang flight mula Singapore ay ito agad ang tinawagan niya upang kamustahin ang lalakeng laman ng kanyang isipan mula pa ng makilala niya ito
"I'm home Pia.. Kamusta?" Tanong niya kay Pia sa kabilang linya habang kausap niya ito sa kanyang kulay pink na Iphone 14 pro max. Latest version iyon ng iphone na iniregalo lamang sakanya ng kanyang kapatid na si Cody.
Pahiga siyang humilata sa kanyang malaking kama. Pagod na pagod siya ngunit mas pagod yata siya kakaisip kay Nathan at sa lungkot na nararamdaman niya
"Hi sis! So your back in the Philippines?" Tanong naman ni Pia sa kabilang linya
"Yeah. Kakabalik ko lang. K-Kamusta si papi Nathan?" Nahihiya pang tanong niya sa kanyang kaibigan dahil naka-ilang beses na niya itong tinanong
"Ganon parin. Dedmakels" Sagot ni Pia
"Ganon ba? Hindi man lang ba ako hinanap man lang sayo? Hindi niya ba ako namiss?" Malungkot na tanong niya
Napabuntong hininga si Pia.
"Hey Nathan, Namiss mo ba ang kaibigan ko?" Rinig niyang tanong ni Pia kay Nathan! Magkasama pala ang mga ito
Narinig niya pa sa kabilang linya na tumawa ang asawa ni Pia sa tabi nito
Napatayo tuloy siya sa pagkakahiga sa kanyang kama dahil bigla siyang nakaramdam ng pagkasabik! Ibig sabihin ay kasama nito si Nathan?! Ngunit agad rin nawala ang pagkasabik niya dahil sa sinagot ni Nathan narinig niya iyon
"No. Why should I?" Supladong sagot ni Nathan na rinig na rinig naman niya
Napalunok tuloy siya dahil may kung anong kirot iyon sa kanyang puso
"He said no bestfriend. Narinig mo ba? Sorry mag move on kana nga dito kay Nathan. Hindi ka talaga type ng lalakeng to eh."
Hindi siya nakasagot dahil nasaktan siya. Ngayon lang siya nakaramdam ng matinding rejection mula pa sa nag-iisang lalakeng nagugustuhan niya
Masakit pala iyon.
"A-Ah ayos lang" Mahinang sagot niya
"Oh.. Don't be sad bestfriend. Mayroon akong bagong blind-date for you. Free ka ba bukas ng gabi?"
Wala sa loob na napatango nalang siya kahit hindi naman siya nakikita nito. Tama nga naman ang kaibigan niya. Bakit hindi nalang siya makipag blind date muli para naman makalimutan niya ang damdamin niya para kay Nathan bago pa man iyon lumalim at malugmok siya sa lungkot.
Ngayon pa nga lang ay nalulungkot na siya. Paano pa kaya kung mas lumalim pa ang damdamin niya para sa gwapong binatang iyon?
Mukhang delikado ang puso niya. Walang sasalo at paniguradong mababasag sa maliliit na piraso ang kanyang kawawang puso.
"Hey Karen? Still there?"
"O-Oo sige free naman ako bukas" Sagot nalang niya kay Karen. Sa totoo lang napapagod na siyang makipagdate kung kani-kanino ngunit kailangan niya muna sigurong makipagkilala sa iba para malimutan si Nathan
Ilang araw na kasi siyang lutang at hindi na rin siya nakaka-kain ng maayos.
First time niya kasing makatangap ng rejection.
"Shoot! Sige i will call Bryan and set up your date with him. Matagal ka ng crush ng lalakeng iyon eh"
"S-Sige" Walang ganang sagot niya
"Para naman magkaboyfriend kana." Segunda pa ng kaibigan niya
"Oo nga tumatanda na rin kasi ako.." Pabiro niyang sabi kahit napakalungkot ng tono ng kanyang boses
"Alright bestfriend"
"Honey iseset-up mo nanaman si Karen sa date?" Rinig niyang tanong ng asawa ni Pia na si Peter
"Yes honey. Paano nagkagusto siya dito kay Nathan kaso hindi siya gusto ni Nathan eh. Right Nathan?" Tanong pa ni Pia muli kay Nathan
"Y-Yes. Wala po akong oras sa pakikipagrelasyon" Sagot ni Nathan na mas lalong nagpadurog sa puso niya
"See? Narinig mo ba iyon bestfriend? So move on na kay papi Nathan ah?" Paalala pa ni Pia sakanya
"S-Sige" Halos mapapiyok pa niyang sagot bago niya pinatay ang kanyang cellphone. Napapahikbi na kasi siya dahil mababaw lamang ang kanyang luha at mabilis siya maiyak.
Sabi nga ng kapatid niya ay iyakin daw siya mula pa noong bata sila.
Ipinatong niya sa bedside table ang kanyang cellphone bago siya nagtalukbong ng kumot at tahimik na umiyak doon.
Sana ay hindi nalang niya pinagmasdan ang kagwapuhan ni Nathan o dikaya ay hindi nalang niya ito nakilala para hindi siya nagkakaganito ngayon
Imbis na nag-iisip siya ng mga bagong design ng kanyang mga dresses ay heto siya at nagmumukmok sa kanyang kwarto.
Kinabukasan ay busy siya sa kanyang Karhoppie dress shop. Naroon ang kanyang kapatid at ang girlfriend nitong buntis. Ipinamimili ni Cody ang nobya nito ng mga damit pang buntis sa kanyang dress shop
Hindi niya maiwasan maingit sa mga ito habang pinagmamasdan ang sweetness ng dalawa dahil mabuti pa ang kapatid niyang si Cody ay nakahanap na ng taong mamahalin at magmamahal dito ng panghabang buhay
Masarap siguro sa pakiramdam ang mahalin ng taong mahal na mahal mo.
Ano kayang pakiramdam ng ganoon? Bakit kaya sa edad niyang trenta anyos ay hindi niya pa naranasan ang ganoong klaseng kaligayahan?
"Hey. Bakit parang pang biyernesanto ang mukha mo?"
Napapilig siya sa kanyang ulo ng tapikin siya ni Cody sa kanyang balikat. Napapatulala nanaman pala siya. Ganito ba ang mga sawi sa pag-ibig? Palagi nalang natutulala ng hindi mo namamalayan?
"M-May iniisip lang ako. Anyway nakapili na ba kayo ni Elle ng mga damit?" Pinasigla niya kunwari ang kanyang boses upang hindi na magtanong pa ang makulit na kapatid niya.
Si Elle ang babaeng naka-abistre sa braso ng kanyang kapatid. Ito ang nobya nito ngayon. Medyo malaki na ang tiyan nito kaya naman nasasabik na rin siyang makilala ang kanyang pamangkin sa mga susunod na buwan kapag nakapanganak na ito
"Opo ate Karen." Masayang sagot naman ni Elle sakanya. Magaan ang loob nila sa isat-isa simula pa noong unang beses niya itong makilala. Gustong gusto niya ito para sakanyang kapatid
"Good. Kahit ilan pwede kang mamili ng gusto mo Elle. Marami pa akong maternity dresses sa kabilang branch ng Karhoppie--"
"Naku huwag na po ate Karen. Sapat na po ito" Nakangiting pigil nito sa kanyang pagsasalita. Marahil nahihiya lamang ito sakanya
"Huwag kang mahiya Elle. Itong kapatid ko naman ang bahala sakin kapag nalugi ang negosyo ko someday" Biro niya pa sa mga ito kahit hindi yata umabot sa kanyang mga mata ang kanyang ngiti
Masayang umalis ang mga ito sa Karhoppie dress shop niya ng araw na iyon pagkatapos mamili ng mga maternity dress.
Napabuntong hininga siya.
Siya kaya ay kailan makakasuot ng maternity dress? Mangyayari pa kaya sakanya ang pagkakataong iyon?
Hindi nanaman niya mapigilan malungkot sa isiping iyon.
Sa edad niyang trente ay nararapat lamang na mayroon na siyang kahit isang supling ngunit heto at wala parin siyang nagiging nobyo kahit isa man lang
Muli niyang naalala si Nathan.
The man of her dreams. Narito na lahat ng hinahanap niya sa isang lalake. Kahit pa saksakan ito ng sungit. Pero anong magagawa niya kung hindi talaga siya gusto nito?
Naputol ang pag-iisip niya ng tumunog ang kanyang cellphone. Si Pia ang nakarehistrong pangalan sa screen ng cellphone niya kaya agad niyang sinagot ang tawag nito
"Hello my lovely bestfriend?" Masiglang tanong nito sa kabilang linya
"Hey" walang ganang sagot niya
"Tumawag ako para ipaalala sayo ang date niyo ni Bryan tonight okay? Doon na kayo magkita sa restaurant. I-tetext ko sayo ang address"
"Okay" Walang gana paring tugon niya bago ito nagpaalam sa kabilang linya.
Ito na rin ang nag-ayos ng blindate niya para sa gabing iyon katulad ng madalas nitong gawin. Nahihiya na nga siya sa kanyang bestfriend dahil sa walang sawa nitong pagtulong sakanya na mahanap niya ang lalakeng maaari niyang maging katuwang sa buhay
Labis ang effort ni Pia para lamang sakanya.
Kinagabihan ay nag-paayos si Karen sa salon ng kanyang mga gay lola's. May sariling salon ang mga ito. Doon siya madalas magpa-salon at kung minsan pa nga ay kasama niya doon si Pia.
Ang mommy Casandra niya kasi ay ulilang lubos na at ang mga gay lola's niya ang tumayong parents nito. Kaya naman kinikilala rin niyang mga tunay na gay lola's ang mga ito.
"Apo lalo ka yatang gumaganda ah!" Bati nito sakanya pagkatapos siya nitong ayusan ng kanyang buhok. Kinulot nito iyon dahil palagi daw straight ang buhok niya. Para maiba naman daw ang get up niya tonight.
"Salamat po lola ganda" Pasasalamat niya dito
Napansin naman nitong walang kangiti-ngiti ang kanyang mga mata.
"Something wrong apo? Bakit parang ang lungkot lungkot mo?"
Umiling siya "Pagod lang po ako lola.. Sige po mauna nako sainyo ha? Baka kasi malate na po ako sa date ko.."
Humalik siya sa pisngi ng kanyang mga baklang lola. Mahal na mahal niya ang mga ito at panigurado siyang mahal na mahal rin naman siya ng mga ito
"Osiya sige apo. Mag-iingat ka ha? Pang isang milyong date mo na yata iyan apo eh." Biro pa nito sakanya
Lalo tuloy bumigat ang puso niya. Kahit pa biro lang iyon ay tila tumagos iyon sa puso niya. Pakiramdam niya rin kasi ay pang-isang milyong blind dates na niya ito at napapagod na rin siya.
Baka nga sumuko nalang siyang hanapin si Mr.right at tangapin nalang na tatanda siyang dalaga.
Late siya ng ten minutes sa restaurant na pagkikitaan nila ng kanyang ka-blind date na si Bryan.
Itinext na sakanya ni Pia ang address ng restaurant at kung anong table ang pinareserve nito para sakanila
Nakita niya sa table number seven ang lalakeng naghihintay para sakanya. Mula sa kinatatayuan niya ay masasabi niyang gwapo ito.
Ngunit tila bigla niyang ikinumpara ang kagwapuhan nito kay Nathan kaya tuloy parang nailampaso ni Nathan ang kagwapuhan nito.
Bakit niya ba iniisip si Nathan gayong nandito nga siya upang makipagdate kay Bryan?
Ipinilig niya ang kanyang ulo at naglakad na papunta sa table number seven matamis siyang ngumiti ng makarating siya sa harapan nito
Napansin niyang napatulala ito sa kanyang kagandahan katulad ng mga lalakeng naka-blind date niya noon. Halos mapanganga ang mga ito at halatang halata ang pagkahanga sakanya
"Hi Bryan right?" Nakangiting tanong niya sa lalake
Agad naman itong tumayo at parang nataranta sa kagandahan niya
"O-Oh sorry hindi ko kasi inaasahan na mas maganda ka sa personal. Y-Yeah I'm Bryan. Nice to finally meet you Karen Hoffman" Nakipagkamay ito sakanya na parang nakakita ng isang diyosa
"Nice to meet you too" Simpleng tugon niya
Hindi niya inaasahan na hahalikan nito ang likod ng kanyang palad. Major turn off iyon sa kanya. Ayaw niya kasi sa lahat ay iyong kakakilala palang niya at nanananching na.
Binawi niya agad ang kamay niya.
"I'm sorry hindi ko lang mapigilan. Napakaganda mo Karen.." Napapantastikuhang sambit nito
Nais niya sanang mag back out na sa date na iyon dahil naturn off na siya sa lalake ngunit parang narinig niya ang boses ni Nathan sa kanyang isip ng sinabi nito noon na mataas raw ang standards niya sa mga lalake kaya hangang ngayon ay wala parin daw siyang nagiging nobyo
Para iyong nag- echo ng paulit ulit sa utak niya kaya imbis na umalis sa restaurant ay ngumiti siya kay Bryan
"I-It's okay" Nakangiting sagot niya
Pinaghila siya nito ng upuan kaya natuwa naman siya kahit papano.
Not bad.. Mukhang kailangan ko nga talagang ibaba ng kaunti ang standards ko
"Teka tatawagin ko muna ang waiter para naman makapag-order na tayo" Nakangiting sabi ni Bryan sakanya bago ito nagtaas ng kamay upang tawagin ang isang waiter na nasa likod niya
Maya maya pa ay may lumapit na sakanilang matangkad na lalakeng waiter.
"What's your order ma'am and sir?" medyo galit na tanong nito. Parang pamilyar ang boses nito kay Karen kaya naman tinignan niya ito
Napaangat ang tingin niya sa lalakeng waiter na padabog na inilapag ang menu sa tapat niya at sa tapat ni Bryan
Para siyang nawalan ng dugo sa kanyang katawan ng makilala niya kung sino ang lalakeng waiter na iyon. Halos napatalon rin ang kanyang puso ng makita ito!
Ang madilim na gwapong mukha ni Nathan ang nabungaran niya! Anong ginagawa nito dito?? Bakit ito nakasuot pang-waiter at may hawak pa itong maliit na papel at ballpen
Ito ba ang waiter na tinawag ni Bryan?
"A-Anong ginagawa mo dito Nathan?" Hindi mapigilang tanong niya ng makabawi siya
Nakita niyang sumimangot ito lalo at parang naiirita ito.
"Nagtatrabaho" Maiksing sagot nito
"Oh Karen magkakilala kayo ng waiter?" Kunot nuong tanong naman ni Bryan
Napalunok muna siya bago siya sumagot kay Bryan
"Y-Yes."
"Oh i see. Papagalitan ko sana kasi medyo bastos eh. Pero dahil magkaibigan naman pala kayo baka nagbibiro lang siya" Sabi ni Bryan dahil hindi nito nagustuhan ang walang modong pag lapag ni Nathan ng menu sa harap nito kanina.
"Mag oorder ba kayo o mag-uusap? Tawagin niyo nalang ako pag may gusto na kayong orderin" Masungit na sabi ni Nathan at para bang may nagawa siyang malaking kasalanan nanaman dito kung makatingin ito sakanya
Napanganga siya ng umalis sa kanilang harapan si Nathan. Parang badtrip na badtrip ito.
"Anong problema ng isang iyon?" Kunot nuong tanong ni Bryan dahil napansin agad nito ang hindi normal na pagtrato sakanila ni Nathan
"N-Nako ganoon lang talaga iyon mag-biro. M-Maghanap kana ng oorderin mo." Palusot nalang niya upang huwag nang magalit si Bryan kay Nathan. Baka kasi mawalan pa ito ng trabaho.
Pasimple niyang tinext si Pia. Dahil panigurado siyang sinadya talaga nitong dito sila ipabook ng restaurant sa mismong pinagtatrabahuhan ni Nathan
To Pia
Pia bakit nandito si Nathan? --Sent!
Wala pang ilang segundo ay nagreply na ito.
From Pia
Ahahah. Enjoy your night! Diyan siya nagtatrabaho para magselos!
Napabuntong hininga nalang siya sa kapilyahan ng kanyang kaibigan.
"Nakahanap ka na ba ng order mo Karen?" Malambing na tanong ni Bryan sakanya.
"Ah-Ah oo sige meron na" Sabi nalang niya bago tumawag si Bryan ng waiter.
Ibang waiter na ang tinawag ni Bryan dahil hindi nito gusto ang masamang pagtingin ni Nathan dito.
Ngunit si Nathan parin ang lumapit sa table nila habang nakakunot parin ang nuo nito