Chapter 5

1777 Words
Chapter 5 "Lola Corazon!" Mahigpit na yakap ang sinalubong ng matandang abuela sakaniya. Nakahiga lamang ito sa kama at hindi na ito nakakatayo mula doon Sampung nurses ang nasa loob ng kwarto nito na pawang mga private nurses nito. Mayaman ang donya kaya naman napakaraming pera nito para ipasweldo sa mga nurses na iyon "Karen apo ko! Namiss kita apo!" Tuwang tuwang sambit ng matandang babae sakanya at mahigpit ang pagyakap nito sakanya Samantalang nakatayo lamang si Nathan sa gilid ng kwarto habang nakatingin sakanila. Hindi niya napansin ang pamumula ng mga mata nito ng makita nito ang matandang babaeng nakaratay sa higaan nito "Lola pasensya na po kung ngayon lang ako nakadalaw. Miss na miss ko po kayo lola" Naiiyak niyang tugon habang hinahalikan niya ulo ng matandang babae. Minamahal niya ito katulad ng pagmamahal niya sa kanyang lola Abeng. Magkasing edad lamang ang lola corazon niya at ang kanyang lola abeng. Ngunit mas mahina ang katawan ng lola Corazon ni Pia dahil hindi na ito makalakad ng maayos dala ng katandaan nito Samantalang ang lola abeng naman niya ay nag zuzumba pa palagi at sexing-sexy parin kahit medyo kumukulubot na ang balat nito. Panay kasi masusustansyang pagkain ang kinakain nito at higit sa lahat masaya ito sa piling ng kanyang lolo Jerome. "It's okay darling. Namiss rin kita apo. Kasama mo ba si Pia?" Pinunasan ni donya corazon ang kanyang luha Mabilis kasi siyang maluha lalo na kapag nakakalungkot ang mga nangyayari sa kanyang paligid. Mababaw lamang ang luha niya. Nalungkot kasi siya dahil parang mas lalo pang nanghihina si donya corazon kaysa noong huli niya itong dinalaw noong nakaraang buwan "May lakad po sila ng asawa niya lola kaya ako lang po mag-isa ngayon pinasamahan niya lang po ako kay Nathan" "Sino naman si Nathan apo? Nobyo mo ba?" Napabuntong hininga siya bago siya ngumiti kay donya corazon. Pang-ilang tao na ba itong nagtanong sakanya kung nobyo niya si Nathan ngayong araw na ito? How she wished na nobyo niya nga ang gwapong lalakeng iyon ngunit alam niyang hinding hindi na iyon mangyayari dahil unang date palang nila ay binusted na siya nito. "Hindi ko ho siya nobyo lola. He is right there.." Itinuro niya ang kinakatayuan ni Nathan at napadako doon ang tingin ni donya corazon Nagbulungan naman ang mga nurses na kanina pa tinitignan si Nathan at kinikilig ang mga ito ng marinig ng mga ito na hindi sila magkarelasyon. Pasimpleng nagngitian ang mga nurse at nagsundutan pa ng tagiliran. Marahil gwapong gwapo rin ang mga ito kay Nathan dahil malakas naman talaga ang taglay na karisma ng lalakeng ito Kahit nga tumayo lang ito doon ay paniguradong may mga babaeng maiinlove agad dito. Sa kamalas-malasan ay isa pa siya sa mga babaeng nainlove agad sa lalakeng ito. "Hector?" Kunot nuong tanong ni donya corazon ng mapatingin ito kay Nathan Napalunok naman si Nathan at parang huminga pa ito ng malalim habang tinititigan ito ni donya corazon. May kakaibang emosyon rin na naglalaro sa mga mata nito habang nakatingin ito sa donya "Lola hindi po Hector ang pangalan niya. Si Nathan po iyan.." "Ganoon ba? K-Kamukha niya kasi ang anak kong si Hector. Sabagay impossible namang bumalik sa pagkabinata ang anak ko eh may edad na iyon ngayon" Napakamot pa sa ulo nito si donya corazon at bahagya pa itong natawa sa sarili Napangiti nalang si Karen dahil sa sinabi ng donya. Madalas talaga ay napagkakamalan nito ang ibang mga tao na kung sino sino dahil madalas itong atakihin ng pagka-ulyanin nito Kaya naman binalewala niya lang ang pagkumpara nito sa ama ni Pia na si senator.Hector Ventâcourt. "Ang mabuti pa lola gagawan ko po kayo ng paborito niyong oatmeal cookies. Sounds good po ba lola?" Nakangiting tanong niya sa donya "Oh! I love that darling. Matutulog muna ako dahil parang hinahapo na agad ang paghinga ko at pagkagising ko kakainin ko agad ang oatmeal cookies na gagawin mo para sakin apo." Hinaplos niya ang buhok ng matandang donya "Osige po lola. Matulog po muna kayo at magpahinga." Hinalikan niya ang nuo at pisngi ng matanda kaya naman napangiti ito bago pumikit ng mga mata Pagkatapos niyang gawin iyon ay lumabas na sila ni Nathan sa loob ng kwarto ng donya "Nathan igagawa ko lang cookies si lola corazon. Ayos lang ba?" Tahimik lang itong tumango sakanya at para bang malungkot ang gwapong mukha nito Napapangiti naman si Karen dahil sinundan siya ni Nathan hangang sa kusina ng mansyon. Kilala na siya ng mga tauhan ng donya kaya hinahayaan lang siya ng mga itong gumamit ng mga kagamitan sa kusina "How long has donya corazon been sick?" Mayamaya tanong ni Nathan sakanya habang inilalabas niya ang mga gagamitin niya sa pag-bake ng oatmeal cookies para sa donya "Matagal na rin. Sabi ng doctor dahil daw sa rayuma ni lola at sa katandaan kaya madaling manghina ang katawan niya" Seryoso lang itong nakikinig sakanya "Alam mo ba dati masigla yan si donya. Kaso nga lang wala naman siyang kasama sa buhay kaya naging malungkutin siya madali tuloy siyang nanghina" Isinalin niya ang oatmeal sa isang malaking bowl at nilagyan niya iyon ng all purpose flour, butter at itlog pagkatapos ay hinalo-halo niya iyon. Kaunting asukal lang ang inilagay niya dahil nakakasama sa matanda ang masyadong matamis "Nakakapanghina ba ang lungkot?" Kunot nuong tanong ni Nathan sakanya habang nakasandal ito sa kitchen table na nasa harap niya. "Aba oo naman no! Ako nga nanghina ako dahil nalungkot ako na hindi mo ako gusto eh.." Pasimpleng banat niya kaya napakunot lalo ang nuo nito habang nakatingin sakanya "Hindi rin naman lahat ng nagkagusto sayo nagustuhan mo diba?" Balik tanong nito sakanya kaya napahinto tuloy ang pag-halo niya ng mga ingredients ng oatmeal cookies "Ha?" "Balita ko marami kang tinangihan sa mga nagkagusto sayo" Seryoso paring sambit ni Nathan Napalabi siya "Saan mo naman nabalitaan yan?" Tumitig lang ito sakanya at hindi sinagot ang tanong niya Napabuntong hininga tuloy siya "Mahirap naman kasing gustuhin yung mga taong ayaw talaga natin diba?" Tanong niya kay Nathan Napansin niyang napatiim bagang ito ng kaunti dahil sa tanong niya "You don't even give them a single chance to prove how much they like you. Totoo ba iyon?" Tanong parin ni Nathan sakanya "Kalerky naman yan Nathan. Hindi naman sa ganoon. Pero kasi magsasayang lang sila ng oras sakin kung hindi ko naman sila gusto--" "See? Hindi mo nga sila binigyan ng chance.." Kumuha ng isang mansanas si Nathan na nandoon lamang sa ibabaw ng lamesa. Maraming prutas kasi ang naroon. Kinagat nito ang mansanas habang nakatingin ito sakanya. Napapabilis tuloy ang pagtibok ng kanyang puso sa simpleng pagtitig lamang nito sakanya "Mahirap maging babae. Kung binigyan ko ng chance lahat ng nanligaw sakin baka maaga palang nag-asawa nako" Napapa-iling na sabi nalang ni Karen bago niya pinagpatuloy ang pag-halo ng cookies Naghugas siya ng kamay dahil kailangan na niyang lamasin ang dough upang mas maging malambot iyon kapag inilagay niya sa oven Samantalang tahimik lamang si Nathan at hindi na nagkomento pa sa sinabi niya "Nathan pwede mo bang ipusod yung buhok ko? Nangangati kasi ako eh hinahangin yung buhok ko sa mukha ko" Hiling niya kay Nathan dahil kanina pa hinahangin ang buhok niya papunta sa kanyang mukha Tumingin muna ito sakanya at nagtama ang kanilang paningin ng kaunting segundo bago ito sumagot "Ayoko nga" Supladong sabi nito kaya naman napasimangot siya. Nag-tapon pa ito ng buto ng mansanas sa basuran na para bang binabalewala ang inutos niya "Sungit mo talaga. Kung hindi lang kita crush nakuu!" Bubulong bulong nalang niyang sabi habang pinang-gigigilan niya ang minamasa niyang dough Inirapan nalang niya ito dahil hindi ito mapaki-usapan. Mamadaliin nalang niya ang pagmasa at paglamas sa dough para makamot na niya ang gilid ng kanyang pisngi "Nasaan ang pantali mo?" Napatalon yata ang puso niya ng marinig ang boses ni Nathan na nasa likuran niya! Napatigil tuloy siya sa pagmamasa ng dough dahil sa sobrang lapit nito sakanya "N-Nasa bulsa ko" Nauutal pang sagot niya dahil hindi niya inaasahan na susundin nito ang hiling niya "Right or left pocket?" Tanong nito na bahagyang yumuko pa yata dahil mas rinig na niya ang boses nito Muli siyang napalunok at para bang mapapapiyok pa siya sa pagsagot dito "N-Nasa left pocket ko" Napahugot ng hininga si Karen ng maramdaman niyang ipinasok ni Nathan ang kamay nito sa bulsa ng kanyang suot na pantalon. Kakaibang init ang dumaloy sakanyang katawan sa simpleng pag kuha lamang nito ng pantali ng kanyang buhok sa loob ng kanyang bulsa Parang hindi siya makahinga sa kakaibang pakiramdam na lumukob sakanyang pagkatao Pinakikiramdaman niya ang bawat galaw ng kamay ni Nathan. Para pa ngang nanghinayang siya ng makuha agad nito ang itim na pantali ng kanyang buhok. Pinagsisihan niyang hindi niya inilalim ng husto ang pantali para mas matagal sana nitong kinuha iyon at mas malalim pa Stop it Karen! Kailan ka pa natuto lumandi ng ganyan. Kalerky! -- Saway niya sa kanyang sariling isip Muling napalunok si Karen ng maramdaman niyang hinawakan ni Nathan ang kanyang buhok. Kinagat niya ang kanyang ibabang labi upang hindi siya mapaungol sa simpleng pag-tali nito sa kanyang buhok. Parang slow motion nitong pinagsama-sama ang kanyang buhok sa iisang pusod upang maitali nito iyon. Dahan dahan ang paghagod nito sa buhok niya na para bang ingat na ingat ito. Naka-ilang lunok siya habang pinupusod nito ang buhok niya. Bakit tila nasasarapan siya? Maaari palang masarapan siya sa simpleng paghagod lamang nito sa buhok niya? "Namumula na tuloy ang gilid ng pisngi mo.." Puna ni Nathan ng makita nitong namumula na ang gilid ng kanyang makinis na pisngi Hindi parin siya makapagsalita dahil sa ginawa nitong pagtali sa kanyang buhok. Ang hirap makapag-adjust kung kasing gwapo lang naman nito ang magtatali ng buhok mo paniguradong panghihinaan ng katawan "S-Salamat Nathan.." Iyon lang ang nasabi niya dahil nanghihina ang kanyang mga tuhod Saglit na napatingin si Nathan sa makinis at maputi niyang leeg at batok na nakalitaw na ngayon dahil sa pagtali nito sa buhok niya. Napalunok pa ito bago ito nag iwas ng tingin sa kanyang mapanuksong batok. Hindi naman niya nakita iyon dahil nakatalikod siya sa binata Agad naman itong lumayo sakanya habang nakakunot ang nuo nito. Para bang naiinis ito sa sarili nito "Bilisan mo na diyan para makauwi na tayo.." Masungit nitong sabi sakanya bago ito lumabas ng kusina Doon palang siya nakahinga ng maluwag nang makalabas na ng kusina si Nathan. Napakagat labi siya dahil sa nangyari. Hindi niya maiwasan kiligin dahil itinali lang naman ni Nathan ang kanyang buhok. Parang gusto niyang tumili sa kilig at tuwa. Kahit papaano pala ay masunurin rin ang supladong crush niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD