Chapter 8

1848 Words
Chapter 8 Her POV Inalis ko sa paningin ko ang package na binuksan ko at sinagot ang tumatawag sa cellphone ko “Hello” bungad na sagot ko sa tawag “Can you go down?” tanong nya sakin kaya kumunot ang noo ko “What happened?” tanong ko sa kanya “I’ll wait for you here” sabi nya sakin at pinatay ang tawag. Bumuntong hininga ako at inalis sa isipan ang mga alaalang bumabalik sa isip ko saka bumaba para puntahan si Paul na sa labas ng bahay namin. Nakita ko syang nakaupo sa may gilid ng gate kaya lumabas ako at nilapitan sya “Anong problema mo?” tanong ko sa kanya. Parang kanina lang masaya pa sya na pinuntahan si Faith pero ngayon ang lungkot na nya. “Wala na talaga kami” sabi nya sakin at sumandal sa balikat ko na ikinagulat ko kaya napaayos ako ng upo “Hindi oras ng biro ngayon Paul” sabi ko sa kanya at tiningnan sya pero may tumulong luha sa mga mata nya kaya napabuntong hininga ako. “Ano ba kasing nangyari?” tanong ko ulit sa kanya “Hindi ko na din alam, bigla na lang nya kong ipinagtulakan” sabi nya sakin. “Baka kasi asa bahay daddy nya kaya ganon alam mo naman na maiinit sayo ang daddy nya saka Paul mahal ka naman ni Faith” sabi ko sa kanya para naman kahit paano gumaan ang loob nya. “Thank you They sa pagpapalakas ng loob ko pero panahon na ata para talaga bitawan ko na sya.” Sabi nya sakin at bigla syang tumayo kaya napatayo na din ako. “Saan ka pupunta?” tanong ko sa kanya “Magpapawala ng sakit dito sa puso ko” sabi nya “Sasama ko sayo” sabi ko sa kanya “Hindi na They” sabi nya sakin pero umiling ako at sumakay sa kotse nya kaya wala syang nagawa “Hindi ako papayag na umalis ka ng ikaw lang at sa lagay mo na yan baka may mangyaring hindi maganda sayo kaya sasamahan kita” sabi ko sa kanya at ikinabit sa sarili ko ang seatbelt. Hindi pa gaanong magaling ung paa nya at alam kong pinilit nya lang maglaro kanina at sa sitawsyon nya ngayon baka mapahamak sya kapag hindi ko sya sinamahan. Asa loob lang din kami ng Village pero malayo sa bahay namin at tanaw ang mga ilaw na nagmumula sa mga bahay at sa ilang building. Nauna syang bumaba ng kotse nya kaya sinundan ko sya hanggang sa nakakuha sya ng beer sa likod at ininom yon “May training pa kayo bukas bakit umiinom ka” sabi ko sa kanya “Gusto ko lang makalimot sa sakit They” sabi nya at mabilis na inubos ang beer na hawak nya saka nagbukas pa ulit ng panibago. Tumabi ako sa kanya at tumingin sa magandang tanawin “Talk to Faith to sort things out and talk to her dad also” sabi ko sa kanya at bahagyang ngumiti “I tried but I can’t” sabi nya at umiling "Takot ka sa rejection?" sabi ko sa kanya at tiningnan sya "Sino ba ang hindi They?" sabi nya saka lumapit sakin kaya medyo umusog ako ng konti pero muntik na kong mahulog "Ayyy" sigaw ko kasi nga muntik na kong mahulog "Bat ba kasi atras ng atras" naiiling na sabi nya sakin "Wala" sabi ko sa kanya "Tara nga dito" sabay hila sakin papalapit sa kanya pero gumawa pa din ako ng distansya sa pagitan naming dalawa at nagsalita "You know what Paul hindi ka naman dapat matakot sa rejection because rejection teach us to be strong and move forward" sabi ko sa kanya "Nasasabi mo lang yan kasi hindi sayo mangyayari" sabi nya sakin kaya napangiti na lang ako. Hindi ko naman sasabihin to sa kanya kung hindi nangyari sakin "I was also rejected long time ago, but I move forward Paul. Hindi kasi porket na reject ka katapusan na, tandaan mo yan" sabi ko sa kanya. For the past year I’ve been moving forward and trying to forget everything. "I never know that. Bakit ngayon mo lang sinabi?" sabi nya saka hinawakan ang kamay ko "Because you never asked” sabi ko sa kanya. Wala naman nagtatanong bakit ko sasabihin. I tried to hide and forget it kaya hindi ko ipinapakita kung ano ung nararamdaman ko at kung ano ang nangyari noon. "But enough about me kaya tayo andito diba dahil may problema ka at gusto mong makalimot" sabi ko sa kanya at pilit na ngumiti "Oo pero They I have a question" sabi nya sakin “Ano naman yon?” tanong ko sa kanya "Paano pag na reject ka ulit ano gagawin mo?" he asked kaya natahimik ako saglit at nag-isip. "I don't know to be honest because I don't remember the feeling of being rejected and I don't want to feel it anymore. That is the reason why I stop having a feeling to someone. Because from what I experience and see. Love is too much to ask and too much to give." sabi ko sa kanya at unti unti ng nabubuksan ang matagal ko ng tinatago. "Sino ba yang taong nag reject sayo at nagkaganyan ka?” tanong nya sakin at inakbayan ako. "Try to open your They malay mo may tao pala na andyan lang sa tabi ko at nakalaan para sayo. You just need to see and believe again" sabi nya pa sakin. Should I believe him? Sya nga hindi nya pa naayos ang sitwasyon nila ni Faith eh. “Sabihin mo sakin yan pag nagkaayos kayo ni Faith o kaya naman pag nakamove on ka na” sabi ko sa kanya “Let see” sabi nya at nagkibit balikat kaya napailing na lang ako at akmang kukuha pa sana sya ng isang beer para inumin pero pinigilan ko na sya “Tama na yan! Uuwi ka pa at kailangan mong magdrive! Baka maaksidente ka” sabi ko sa kanya “If I got myself into an accident baka puntahan ako ni Faith” sabi nya kaya binatukan ko sya “Sira ka ba! Hindi porket na may problema kayo ni Faith papatayin mo na sarili mo para bumalik lang sya! Tandaan mo na may game pa kayo at alam kong importante yon sayo saka hindi pa naman katapusan para sayo!” sabi ko sa kanya kaya bahagya syang natawa kaya sinamaan ko sya ng tingin. “Wag mo kong tawanan dahil nag-aalala lang naman ako sayo!” sabi ko sa kanya at inirapan sya “Alam ko naman kaya wag kang mag-alala dahil walang mangyayari sakin” sabi nya at ngumiti “Good dahil alam kong hindi ka pa susuko para kay Faith!” sabi ko sa kanya at tinapiktapik sya sa muka saka ngumiti sa kanya at tumayo. “Tutulungan mo naman ako diba?” tanong nya “Oo naman, lagi naman akong asa tabi mo kaya kahit anong mangyari at kung ano man ang maging resulta as tabi mo ko” sabi ko sa kanya. Ilang oras pa kaming nanatili don bago napagdesisyonan na umuwi dahil gabi na. Bago kami umuwi palihim akong nag send ng message kay Faith “Let’s go?” tanong sakin ni Paul kaya tumango ako sa kanya at inihatid nya na ko pauwi samin “Ingat sa pagmamaneho” sabi ko sa kanya at bumaba na ng sasakyan nya pero bigla nya kong pinigilan kaya nilingon ko sya “Bakit?” tanong ko sa kanya “Thank you for cheering me up today” sabi nya sakin kaya ngumiti ako sa kanya “Wala yon” sabi ko at tuluyan ng bumaba ng sasakyan nya “Drive carefully, medyo nakainom ka but if you want pahinga ka muna dito sa loob or I will call Pol to drive you home” sabi ko sa kanya pero umiling sya “I’m fine  They!” sabi nya sakin kaya tumango ako at tuluyan na syang umalis. Pumasok na ko sa loob ng bahay at umakyat para pumasok sa kwarto ko para mahiga, nakalimutan ka din ung problema ko pero masakit ang ulo ko dahil sa pagkakatama sakin ng bola kanina at hindi ako nakapagpahinga dahil sa pagsama ko kay Paul pero okay lang at least napagaan ko ang loob nya. Ipinikit ko na ang mata ko ng maalala ko ng kailangan ko nga palang kausapin si Faith kaya naman bumangon ako at sinimulan ko na syang tawagan “Why are you bothering me?” tanong nya agad ng sagutin ang tawag ko “I’m not bothering you for a useless things Faith, Gusto kitang kausapin para sa inyo ni Paul” direktang sabi ko sa kanya "Did he tell you to do this?" she ask "No. Wala syang idea na ginawa ko to and please don't tell him. I won't bother you anymore just please talk to him before breaking his heart” sabi ko sa kanya “Sino ka ba sa buhay nya para makielam sa relasyon namin?” tanong nya sakin “Faith I’m being nice to you at kaibigan ko si Paul, alam ko naman na kaya ka lang ganyan sa kanya dahil sa daddy mo.” Sabi ko sa kanya “Wag mo kong pangunahan sa relasyon namin dahil magkapitbahay lang tayo at hindi ikaw ang kaibigan ko They kaya wag kang umasta na close tayo!” sabi nya sakin “Hindi ako umaasta na close tayong dalawa gusto ko lang na matulungan si Paul dahil naawa na ko sa kanya at sobrang dami na nyang ginawa sya! Kung tapos na talaga kayo please wag kang magbigay ng motibo para umasa pa sya dahil lalo mol ang syang sinasaktan” sabi ko sa kanya “Mind your own problem They” sabi nya sakin at pinatayan ako ng telepono. Tama naman sya na hindi ako dapat nakikielam sa kanila pero hindi ko kasi mapigilan ang sarili ko. Napabuntong hininga na lang ako saka inayos ang sarili ko at hindi ko sinasadyang mapatingin sa package na natanggap ko kanina. Kinuha ko yon at dinala sa higaan ko sya isa isang tiningnan, lahat ng to nagpapaalala sakin ng mga alaalang kinalimutan ko. Binuksan ko ang isang box sa loob kung saan ang laman non ay isang flash drive kaya naman binuksan ko ang laptop ko at isinaksak yon don saka nagsimulang buksan ang mga files na laman non na puro recording. Pikit mata kong pinapakinggan ang mga kanta na ginawa nya at hindi ko maiwasan na umiyak dahil ung sakit bumabalik sa puso ko. I need to stop kaya hinugot ko ang flash drive at pinatay ang laptop ko saka yon tinago sakto naman na tumatawag si Ej kaya sinagot ko ang tawag nya “You received the package I guess” sabi nya sakin “How did you know?” tanong ko sa kanya “I also did They” sabi nya sakin “At least ung sayo galing sa kanya at alam kong hindi masakit para sayo dahil mahal mo sya pero ung akin Ej sobra na” sabi ko sa kanya kaya napabuntong hininga sya “Maybe it’s time to face it They” sabi nya sakin “Talk to him to end this” sabi nya pa kaya napabuntong hininga ako! How can I talk to him? “I don’t know Ej” sabi ko sa kanya “Once you’re ready I will help you talk to him” sabi nya sakin at napatango na lang ako kahit hindi nya ko nakikita at pinatay ko na ang tawag. Humiga ako sa kama ko at pumikit, tomorrow is another day for me and for all of us. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD