Chapter 9
Her POV
Nag desisyon akong hindi muna pumasok ngayon dahil wala naman gagawin at puro assignments lang naman ang binigay samin, gusto ko lang ipahinga ang isip ko sa mga nangayari kahapon. “Buti naman at gumising ka na! kagabi nang maka-uwi kami ng papa mo hindi ka na namin ginising dahil tulog na tulog ka” sabi sakin ni Mama ng makita akong pababa ng hagdan. “Napagod po kasi ako kahapon” sabi ko sa kanya at ngumiti “Sabi ni Manang maaga ka daw umuwi tapos umalis din, saan ka nag punta?” tanong nya sakin “May sinamahan lang po si Paul na magpahangin sa labas dahil problemado na naman po kay Faith” kwento ko kay mama at sabay kaming pumasok sa dining area kung saan naka pwesto na si papa na umiinom ng kape nya. “Faith? Ung anak ni Fred?” tanong ni mama sakin kaya tumango ako “Anong meron kay Fred?” tanong naman ni Papa “Wala po papa, umalis kasi ako kahapon nung makauwi po ako dahil sinamahan ko ung kaibigan ko na boyfriend ni Faith para tulungan sa problema nya” paliwanag ko kay Papa “Are you talking about Paul Joshua Lopez?” tanong ni papa sakin “Yes po, may problema po ba?” tanong ko sa kanya “Wala naman we’ve met him and his a nice guy but I think Fred doesn’t like him for her daughter like what he mentioned yesterday when we met” sabi ni papa sakin kaya kumunot ang noo ko, I thought Faith’s dad was home yesterday kaya sya nakikipaghiwalay kay Paul. “He even mentioned that her daughter is seeing a new guy and they were together yesterday” sabi pa ni papa kaya napatango na lang ako at hindi na kumibo pa. Maybe Paul really need to move on and forget Faith kasi kung ipagpipilitan pa nya at itutulak pa namin sya mas masasaktan lang sya lalo. Nang matapos kaming kumain umakyat na ko sa kwarto ko para magpahinga at gawin ang mga dapat ko pangtapusin na assignment. I even send a message to my friends na hindi ako papasok para makapagpahinga at lahat naman sila isa lang ang reply, telling to get rest that I will surely do. Buong maghapon lang akong nagkulong sa kwarto ko at ginawa lahat ng kailangan kong tapuson at natapos ko naman lahat kaya lumabas ako sa may balcony ko at nagpahangin saglit pero agad din akong pumasok ng biglang bumuhos ang ulan. Wala akong naging balita sa mga kaibigan ko buong araw dahil panigurado na iniisip ng mga yon na nagpapahinga ako kaya hindi na kong nag abala pa para itext sila or tawagan man lang.
KINABUKASAN maaga akong pumasok para ipasa lahat ng natapos kong assignment sa mga profs ko at para na din kamustahin ang mga kaibigan ko kaya naman nang nakarating ako sa university pinuntahan ko sila sa room namin na tinatambayan pero hindi ko sila nakita don kaya kumunot ang noo ko at hinanap sila, sakto naman na nakita ko si Leth kaya lumapit ako sa kanya “Leth asaan sila?” tanong ko sa kanya “Asa function hall ang lahat dahil may announcement daw” sabi nya sakin “Buti na lang nakita kita” sabi ko sa kanya “Tara na dahil malapit ng magsimula yon” sabi nya sakin kaya sabay kaming nagpunta ni Leth don at nakita ko sila ate Lynn na nakaupo na kaya lumapit kami ni Leth don at tumabi sa kanila “Okay ka na They?” tanong sakin nila Pol kaya tumango ako sa kanila “Asaan si Paul?” tanong ko sa kanila dahil hindi ko sya nakita “Hindi pumasok kasi may sakit at nagpa-ulan kahapon kakaintay kay Faith” kwento ni Anthony kaya kumunot ang noo ko “Magkikita kasi dapat sila ang ending wrong send pala si Faith kaya pinuntahan ni Paul si Faith sa bahay nila at mas malala pa ang nakita nya kaya ayon nagpaulan at nag makaawa kay Faith kahapon para balikan sya pero wala naman nangyari” kwento ni Aih sakin “Bakit hindi nyo sinabi sakin?” tanong ko sa kanila “Kasi nga nagpapahinga ka at sabi ni Ej na wag ka na namin istorbihin” sabi ni ate Lynn at nilingon si Ej. Tumingin ako kay Ej at tiningnan nya lang din ako kaya nag iwas ako ng tingin dahil may dahilan si Ej kaya hindi na nila ko inistorbo kahapon. “Nag aalala ka ba kay Paul?” tanong ni ate Lynn sakin “Oo kasi naawa ako sa kanya” sagot ko sa kanya “Naawa o nasasaktan para sa kanya?” tanong nya kaya napabuntong hininga na lang ako at hindi na sya sinagot. Tama nga ang sinabi nila papa kanina na may iba na nga si Faith at ang malala non nakita pa ata ni Paul kahapon. Ang lakas pa naman ng ulan kahapon tapos nagpaulan sya! Napailing na lang ako at nakinig sa announcement hanggang sa matapos. “May practice pa kami kaya mauuna na kami sa inyo!” sabi ni Pol samin kaya sunod sunod na silang umalis nila Leth “They throw it” bulong na sabi sakin ni Ej kaya napabuntong hininga ako “I know what to do Ej” sabi ko sa kanya at tumango sakin saka umalis. Kaming dalawa na lang ni Ate Lynn ang naiwan na magkasama “If you want to know his condition you can call him” sabi sakin ni ate Lynn at ngumiti kaya napabuntong hininga ako sa kanya “I know that he can handle it!” sabi ko sa kanya “Really?” tanong nya sakin kaya tumango ako kahit na alam ko naman na hindi “Just call him They!” sabi nya sakin at inagaw ang cellphone ko at biglang tinawagan si Paul kaya nanlaki ang mata ko “Uy!” reklamo ko sa kanya pero wala na kong nagawa dahil natawagan na nya at ng sumagot si Paul inabot nya agad sakin yon "Hello” sabi nya sakin ng sagutin nya ang tawag “How are you?” tanong ko sa kanya “I’m fine” sabi nya pero base sa boses nya hindi sya okay “Asa bahay ka ba?” tanong ko sa kanya “Yes, I’m resting” sabi nya sakin kaya napatango ako kahit hindi naman nya ko nakikita “Good, magpahinga ka lang dyan” sabi ko sa kanya pero kumunot ang noo ko at nagtaka ko ng may marinig akong boses at ingay ng sasakyan."Ung totoo asan ka?" Takang tanong ko pero bago sya makasagot may nagsalita. "Paul bilis baka makita ka ni Dad! Umalis ka na!" Boses yon ni Faith at bago pa ko makapagsalita ulit namatay na ang tawag! “Ano sabi?” tanong ni ate Lynn sakin “His with Faith” sabi ko sa kanya “Nilalagnat yon!” sabi nya sakin habang naglalakad kami dito sa hallway “Wala tayong magagawa kung gusto nya pa din habulin si Faith kahit na ganon ang nangyari!” sabi ko sa kanya “We can’t do anything but you can They!” sabi nya sakin “Wala akong magagawa ate Lynn, he made up his mind” sabi ko pa sa kanya at umupo sa bakanteng upuan sa may hallway “Well tama ka naman dyan” sabi nya kaya napatango ako. Kung gusto nya pa din habulin si Faith wala na kong magagawa don dahil nakapagdesisyon na sya at yon ang gusto nyang mangyari, andito lang naman ako para damayan sya at tulungan sya pagkailangan nya. Buong maghapon akong asa school kasama si Ate Lynn ta tumulong na din kaming dalawa sa pag gawa ng booth at nakakailang message na din sakin si Paul pero hindi ko sya nirereplayan hanggang sa makuha ni ate Lynn ang phone ko “Bakit hindi ka nagrereply?” tanong nya sakin ng makita ang mga text message ni Paul “Wala na kong sasabihin sa kanya, ayokong ipush pa sya kay Faith kasi masasaktan lang sya at pag sinabi ko naman na tigilan na nya baka ako lang ang mag mukang masama” sabi ko sa kanya kaya napabuntong hininga sya “Naawa talaga ko kay Paul simula noong nagkaroon sila ng problem ani Faith! Sila pa naman dati ang isa sa sikat na couple sa department natin at department nila pero things happened” sabi nya at napatango ako. Hindi naman kasi natin kontrolado ang lahat ng mangyayari “Nga pala ate Lynn maaga akong uuwi ngayon ah” sabi ko sa kanya “Pupuntahan mo si Paul?” tanong nya sakin kaya umiling ako “I won’t unless he really need me” sabi ko kay ate Lynn “He need you naman lagi eh” sabi nya sakin pero umiling ako “He need space for now! Si Faith ang kailangan nya ngayon, hindi nya ako kailangan” sabi ko sa kanya “Bakit parang nasasaktan ka ata?” tanong nya sakin “Hindi ako nasasaktan” sabi ko sa kanya kaya napatango na lang sya sakin “He also need to accept the reality that he and Faith are no longer can be together” sabi ni ate Lynn kaya napatango ako sa kanya bilang pag sang-ayon. Nagtagal pa ko sa school ng ilang oras bago ko nagpaalam kay ate Lynn para umuwi at ng makarating ako sa bahay nakita ko si Faith na asa may park may kasama kaya napabuntong hininga nalang ako at pumasok sa loob ng bahay. Tama sya hindi ko dapat sila pinapakielaman na dalawa dahil may sarili nga naman akong problem ana dapat harapin. Pagpasok ko sa loob ng bahay muntik na kong mapaatras sa nakita ko “They buti naman andito ka na, greet our visitor” sabi sakin ni mama kaya ngumiti ako sa kanya at nilapitan sila “Hi tita Gina” bati ko sa kanya at nakipagbeso “It’s good to see you They!” sabi nya sakin at niyakap ako. “Kelan pa po kayo dumating?” tanong ko sa kanya at umupo sa tapat nila ni mama “Well me and your Tito Chris arrive yesterday” sabi nya sakin kaya napatango ako at ngumiti sa kanya “By the way my son want to give you something” sabi ni tita kaya bahagyang nawala ang ngiti sa mga labi ko “ano po yon?” tanong ko at may inabot sya sakin paper bag at pilit ko ung tinanggap “He will arrive soon” sabi ni Tita sakin kaya pilit akong ngumiti sa kanya “Thank you po para dito, aakyat po muna ko sa taas” sabi ko sa kanya at tumango naman sila ni mama kaya umalis na ko at umakyat para pumasok sa kwarto ko. Pagkapasok ko sa loob ng kwarto ko napabuntong hininga na lang ako saka tiningnan ang ibinigay ni Tita sakin. Wala akong plano na buksan to kaya naman itinago ko na lang sa isang tabi at nahiga sa kama ko. Ayoko na syang isipin kaya wala akong balak na tingnan pa ang laman ng paper bag na yon. Asa kalagitnaan ako ng pagpapahinga ng may biglang tumawag sa cellphone ko at number yon ni Paul kaya sinagot ko “Hello!” sabi ko sa kanya “Kilala nyo po ba nag may-ari ng cellphone na to?” tanong sakin ng isang tao sa kabilang linya kaya napabangon ako ng wala sa oras “Yes, I know him. May problema ba?” tanong ko “Kayo ho kasi ung nakita namin na huli nyang tinawagan kaya kayo ang tinawagan namin, andito ho kasi sya sa bar at lasing na lasing na po” sabi sakin ng kausap ko kaya napahilot na lang ako sa sintido ko “I will pick him up and please don’t leave him” sabi ko at nagmamadaling tumayo “We will wait” sabi nya kaya ibinaba ko ang tawag at nagmamadaling nagbihis at kinuha ang bag ko saka bumaba. “Anak bakit nagmamadali ka?” tanong sakin ni mama “May kailangan lang po akong puntahan saglit! Babalik din po ako agad” sabi ko sa kanya “Wala dyan ang driver natin inutusan ko” sabi ni mama kaya natigilan ako. Paano ko pupuntahan si Paul nyan? “Mag co-commute na lang po ako” sabi ko saka lumabas at nagbook ng taxi. Nag intay lang ako ng ilang minuto bago dumating ang taxi na sasakyan ko. “Saan ho tayo ma’am?” tanong sakin ng driver kaya sinabi ko kung saan ang bar na kinaroroonan ni Paul. Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa isip nya para mag lasing dahil hindi naman nya gawain yon. Sa dami ng nangyari sa kanila ni Faith ngayon lang sya nag lasing ng ganito. Nang makarating ako sa lugar kung asaan sya agad ko syang pinuntahan at nakita ko sya sa may bar counter na nakadukdok “Excuse me ako ung tinawagan nyo kanina” sabi ko sa bartender “Ma’am pwede nyo na po syang kunin at eto ho ang mga gamit nya” sabi nya sakin at inabot ang gamit ni Paul nagpatulong ako sa bouncer na buhatin si Paul papunta sa kotse nya. “Salamat po” sabi ko sa tumulong sakin “Sige ho Ma’am” sabi nya at umalis na. Tiningnan ko si Paul na natutulog sa may passenger seat! Ang problema ko hindi ko alam kung paano kami uuwi kaya naman kinuha ko ang cellphone ko sa bag ko para tawagan si Pol para ihatid si Paul pauwi sa kanila pero napatampal ako sa noo ko ng makitang mawalan ng battery ang phone ko at namatay ko. Napabuntong hininga na lang ako at pikit matang sumakay sa driver seat. Marunong naman akong mag drive pero that was long time ago at isa to sa mga bagay na hindi ko na ginagawa pero ngayon gagawin ko para kay Paul. Ini-start ko na ang koste nya at huminga ng malalim saka nag drive para ihatid sya sa bahay nila. Dahan dahan lang ang naging pagpapatakbo ko dahil ilang taon na din akong hindi nakakahawak ng manibela at nakakapag-drive. Nakarating naman kami ng ligtas sa bahay nila at agad akong bumaba para tumawag ng tutulong sakin para ipasok si Paul. Sinalubong naman ako ng kasambahay nila at tinulungan din ako ng driver nila para iakyat si Paul sa kwarto nya. “Ung parents po ni Paul?” tanong ko kay Manang “Wala sila ngayon asa business trip” sabi sakin ni manang kaya napatango ako. “Ikukuha ko ng bimpo at tubig si Paul sa baba teka lang” sabi nya sakin “Sige po” sabi ko at inayos si Paul ng higa. Hintay ko lang na dumating si Manang at ng dumating sya inabot nya sakin ang bimpo at ang basin na may tubig kaya pinunasan ko si Paul “Salamat po” sabi ko sa kanya “Ako ang dapat magpasalamat sayo dahil lagi kang nasa tabi ng alaga ko simula noong nagkaroon sila ng problema ng girlfriend nya” sabi sakin ni manang “Wala po yon saka kaibigan ko po si Paul” sabi ko “Sige maiwan na muna kita dyan at may aasikasuhin lang ako sa baba” sabi nya kaya tumango ako ta lumabas na sya. Pinunasan ko na si Paul “Faith! Don’t leave me” sabi nya ng tumayo ako at hinawakan ako sa kamay “Paul I’m not Faith” sabi ko sa kanya at inalis ang kamay nyang nakahawak sa kamay ko pero mas malakas sya sakin at hindi yon binitawan “Don’t leave me please” nagmamakaawang sambit nya at may luhang tumulo sa mga mata nya kaya napabuntong hininga na lang ako at umupos ulit sa tabi nya saka sya pinunasan.
Deja vu lahat ng nangyayari ngayon, I used to do this to someone also! I used to drive, I use to play musical instrument and I used to watch and play sports in the past. Lahat nangyari na noon at parang nauulit ngayon pero sa ibang tao. Pero alam ko na ngayon ang limitasyon ko at sarado na tong puso ko kaya wala lang lahat ng to! Ginagawa ko to kasi kaibigan ko si Paul at hanggang doon lang yon. Ayokong maulit ang nangyari dati na masasaktan lang ako.