"Ano to???" tanong ko sa sarili ko. Bumungad kasi sa akin ang mga maliliit na bilog na kandila. Nakahilera ito sa magkabilang sides mula sa pintuan papunta sa gitna ng sala, kung saan may maliit na mesang bilog sa gitna ng sala. Tanging iyon na lang ang laman ng munting sala namin. Nawala na sa puwesto niya iyong mahaba at pang-isahang sofa. Saan naman kaya nila tinago 'yun? Nakatayo naman sa tabi ng mesa ang nakangiti at guwapong-guwapong si Yoseph. Nahagip naman ng tingin ko ang mga finger foods sa ibabaw ng mesa; isang tray na may lamang iba't-ibang prutas, at saka bote ng alak na nakalubog sa maraming yelo sa loob ng transparent na ice bucket. Napansin ko rin ang mga petals ng pink roses na nagkalat sa dadaanan ko. Iyong mga kurtina naman namin ay nilagyan ng maraming fairy lights