i. t i c k e t s

1809 Words
This novel is dedicated to my online friend, Gian Pierre Weintz, na hindi ko na nakilala pa in person. He deactivated his account way back 2013 or 2014. I promise to him, na gagawa ako ng isang nobela para sa kaniya as a gift. At kung makakarating man ito sa mundo niya balang araw, maalala niya sana na may isang undiscovered gem sa mundong ito na hindi nagbabali ng mga salita. At pasensiya na, because it takes me more than half a decade, bago man ako nagkaroon ng matinong plot. -- This book is a work of fiction. Names, characters, places, and incidents are either a product of author's imaginations, or are used fictitiously. Any resemblance to actual people living or dead, events or locales are entirely coincidental. This work is a copyright. BENEATH HIS RABBIT'S MASK K y r i a n 1 8 -- SUNDAY.. Ito lang ang araw ng rest day ko. Minsan pa nga, wala na rin. Madalas kasi ay babad ako sa trabaho bilang Purchasing Manager sa isang pribadong kumpanya. At sa linya ng trabahong pinasukan ko, ang magpahinga na lang ang kulang dahil sa palaging subsob sa trabaho at deadlines na hindi yata maubos-ubos. I choose this path. I love my career. At isa pa, ang taong gipit sa pera ay nagiging workaholic talaga. Kailangang mag-OT araw-araw. Kailangang pumasok kahit na holiday. Kailangang mag-ipon ng pera. At kailangang i-sustain ang needs ng pamilya ko at pati sa sarili ko. Napabuntong-hininga ako ng wala sa oras. Usually, I don't go out this much pero pinilit ako ni Axel na manood daw kami ng sine ngayong hapon. Mag-isang buwan na raw akong walang gala kaya kailangan ko raw na lumabas at nang maarawan man lang. Ilang beses na rin itong nangungulit pero ilang beses ko na ring pinipilit na sa bahay na lang kami at manood na lang ng Netflix. But he refused over and over again. Minsan, nakakasawa rin na ako ang palaging talo sa tuwing may debates kami, katulad nito. Malapit na kaming aabot ng isang taon ng boypren ko pero nakakadismaya rin minsan ang pagiging slow nito sa mga gusto ko. I hate crowded places. Hate ko rin ang maiingay na lugar. Hindi ko bet ang lumabas-labas. Sunday na nga lang ang rest day ko, hindi ko pa magawa-gawang magpahinga. Alam ko na alam naman 'yon ni Axel, pero bakit ganito pa rin? Bakit hindi na lang din niya sanayin ang sarili niya sa mga bagay na common ko nang ginagawa? Napailing-iling ako habang napapakamot ng ulo. Mabigat ang puso kong nakatitig sa mesa. Masama ang loob ko. Iyong tipong pinilit kong mag-effort sa kaniya pero siya naman 'tong nawawalan ng time sa 'kin. Napabuntong-hininga ako ng wala sa oras sa kakahintay sa boypren ko. At isa pa, nakakaumay na rin ang palagi naming pagtatalo. Lagi siyang nagrereklamo na boring ang movie dates sa bahay, walang thrill ang dinner dates, at hindi nakaka-enjoy ang mga old-fashioned romantic dates. Ang gusto no'n ay mag-hike sa bundok. Mag-date raw kami sa isang camping site. Inaaya niya akong mag-dive sa dagat. But that's just too much for me to take. Maalala ko lang na nasukahan ko siya sa van nang mas pinili niyang isama ako sa isang barkada hopping imbes na iiwanan na lang sa bahay, mas lalo kong naiisip na disaster lang ako. Nakakainis talaga! Pabagsak kong ibinaba ang bottled water sa harapan ng mesa sa sobrang pagkayamot. Kasalukuyan akong nakaupo sa isa sa mga bakanteng upuan sa food court na matatagpuan sa ground floor ng Festival Mall. I've been here since 3 o'clock in the afternoon, pero mag-alas singko na lang, wala pa rin si Axel. Siya na 'tong nagpu-push na lumabas ako ng lungga, siya pa 'tong wagas na wagas sa Filipino time! My god! Nakakayamot ang ganito! Lalaki dapat ang mauuna, e. Hindi babae. Hindi ako. Hindi dapat siya ang late. Muli kong tiningnan ang oras sa phone ko. Do'n nagpokus ang mga mata ko at saka ko naisipang buksan ang inbox. Empty. Empty pa rin! Taena naman! Ang gagong 'yon! May balak ba siyang Indian-in ako? Kinalimutan ba niya ako? Nakalimutan na ba niya ang usapan namin ngayon? Wala ba akong halaga sa kaniya? Mas lalong sumasama ang loob ko kapag pa-nega na nang pa-nega ang takbo ng utak ko. Dapat sa ganitong oras, kahit isa o dalawa man lang na messages, may ma-receive ako, pero wala man lang. Nakakainis naman! Mag-iisang taon na kami pero wala man lang improvement si Axel sa pag-ti-take-down notes sa utak niya kung bakit tinotoyo ako. Tsk. Ang simple-simple lang naman ng mga gusto ko. Huwag mali-late sa usapan. Kung ma-late man, magsabi. Hindi ganito. Hindi iyong wala akong ideya kung nasaan na nga ba siya. Ilang beses pa akong kumurap-kurap sa screen ng phone ko, at saka ako nagsimulang pindutin ang 'Write a Message'. Sa dami ng pumapasok sa utak ko, ni isa wala man lang akong naitipa! Syet! Mas umiiksi ako pasensiya ko habang mas tumatagal ang aking paghihintay. 5:30 ang simula ng palabas na three hours ko pa nai-reserve, ngunit ni anino ni Axel ay wala akong makita. Ayaw ko sanang manood ng horror movies, pero pinipilit pa rin niya ako na para bang wala siyang kaalam-alam sa mga dahilan kung bakit nag-quit ako sa mga palabas na minsan ko nang naging paborito. Unbelievable siya! Mainit ang ulo kong tumayo sa aking kinauupuan. Ngunit kahit ganito na ang nangyayari, gusto ko pa rin siyang hintayin. Baka na-traffic lang kaya wala pa rin hanggang ngayon. Baka na-lowbat lang ang phone kaya hindi kayang mag-text. Baka naglalakad na nga 'yon sa labas ng sinehan at hinihintay ako. Kaya imbes na sa pintuan na may nakalagay na Exit sana ako dadaan, mas pinili kong lumiko at akyatin ang pinakamalapit na escalator papunta sa mas itaas na bahagi ng mall. --- I crumpled our damn tickets. Nanginginig ang kamay ko sa galit at sama ng loob, but I can't do anything about it. Hindi siya sumulpot. Limang minuto na ang nakalipas nang mag-umpisa ang palabas. I was hoping to see him here, pero heto ako, parang tangang naghihintay sa kaniya na para bang okay lang ang lahat. Pinupuno ko na naman ang sarili ko ng disappointments. At kahit pinipilit kong huwag maiyak, alam ko sa sarili ko na sadyang nasasaktan ako. This isn't him. Never niya akong ginanito. Unang beses pa lang pero ang sakit-sakit pala. Napatingin ako sa basurahan na hindi kalayuan sa puwesto ko. Sakto naman na mula roon ay malaya kong natatanaw ang labas. I am trying to make myself calm. Ayokong maging center of attraction. Ayokong gumawa ng eksena sa kalagitnaan ng madaming tao. I see a lot of faces but I can't even remember a single thing. Basta, nagpokus lang ako sa labas. My heart is so heavy, na para bang ayoko nang buhatin pa. Pati ang mga paa ko ay pabigat nang pabigat ang bawat paghakbang. Napatingin ako sa langit. Sa gilid ng basurahan. Sa maliit na bench na hindi pa nauupuan. Malaya kong tinitingnan ang pagiging kalmado ng kalangitan. Is this how he feels? Napaisip akong bigla. Maraming beses na nag-aya si Axel ng dates at may mga pagkakataon na ako mismo ay hindi nakakarating. Napahapo ako ng kamay. Naiinis ako lalo sa pakiramdam na ito. Iyong gustong-gusto kong magalit kay Axel pero hindi ko magawa at wala akong karapatan. Kasi wala, e. Tokshit din akong tao. I cannot be mad over this thing na isang beses lang nangyari. Mas galit ako sa sarili ko. Galit ako kasi parang ako iyong nagturo sa kaniya na okay lang na ma-miss ang date, na okay lang kung bigla-biglang hindi sisiputin, na okay na gawing tanga ang isa sa kanila. At taena! It hurts like hell! Mas lalo kung nilukot ang kapirasong papel na iyon sa aking mga palad. Bakit pakiramdam ko ay sinadya ito ni Axel dahil nawawalan na ako ng oras sa kaniya. Pero . . . pero kailangan ba akong saktan para lang maintindihan ko ang mga bagay-bagay? Mali rin 'di ba? Akma ko na sanang ihuhulog ang mga tickets sa basurahan nang hindi ko namalayan na may nasagi akong kamay doon. Sabay kaming maghuhulog ng basura. Sabay din kaming nagtinginan sa isa't isa. At bumaba ang kaniyang tingin sa papel na naihulog ko na pala roon. "You hate the movie?" bigla niyang tanong sa 'kin. Nakapokus pa rin ako sa mga mata niyang masyadong light ang pagka-brown sa gitna. Mahahaba ang pilik-mata at makakapal din ang kilay. "Huwag mo akong titigan, Miss. Hindi rin kita kilala." Napahiya ako. I look away. "I don't hate the movie," sabi ko habang nakatingin sa sahig. "How can I hate something that I haven't even watched?" "Hindi ka sinipot?" Muling nagtama ang aming mga mata sa tanong na 'yon. Kahit napupuno ng bigote o balbas ang mukha nito, kapansin-pansim ang tinginan ng mga babae sa kaniya. "Sikat ka ba?" I ask out of the blue. Naasiwa ako. Mas lalo akong nalibadbaran sa lalaking simple lang naman ang suot. Plain lang ang T-shirt nitong kulay puti na hapit sa flat nitong tiyan at malapad na dibdib. He wears black jeans and a pair of white shoes. But he looks so damn gorgeous. Manly pero may pagka-gentleman ang aura. Everyone is staring at him. "Kung sikat ako, Miss dapat ay kilala mo ako." He has a point. "Are you sad?" He brings the topic back again. "He's an asshole for leaving a woman like you here." "He's not," depensa ko, sabay talikod. Isa yata itong womanizer at ako pa nag napiling bibiktimahin. "So, hindi ka nga sinipot?" Nanlaki ang mga mata ko nang ma-realize kong nanghuhuli lang pala ang isang 'to. I walk backwards then turn around. "Do you usually walk out if you're sad?" I stop. Hindi ko na lang siya nilingon. "I hate talking with strangers." "Then, can we be friends?" What is he talking about? Nagsabay lang dapat kaming magtatapon ng basura, pero bakit humahaba yata ang usapan namin? I need to go. "Sorry, gawin mo na lang friends ang mga babaeng napapatingin sa 'yo, Mister. Sa dami nila, solve ka na." He chuckles a bit. Rinig ko 'yon sa aking likuran. Hindi ko na siya maintindihan. Mukha talaga siyang babaero at naghahanap ng maha-hunting-an sa mall. Jusko! Sa pangit kong 'to, bakit ako pa? Diyan na siya! I start walking, nang walang lingunan. Mabilis sa normal kong lakad. Kailangan ko nang makauwi ng bahay at magkulong. Magmukmok. Magdrama. Kailangan ko nang makalayo. Mabuti na lang at hindi niya ako sinundan. Dali-dali akong lumabas ng mall. At saka ko lang napansin na tumutunog pala ang phone ko sa maliit kong back-pack na kulay itim na nakasabit sa harapan ko. Sinadya kong tumigil sa labas ng Entrance at kinuha ko ang phone para mabasa ang notification. Axel is calling....
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD