ii. s e c r e t s

2120 Words
HINDI KO SIYA kayang pigilan habang inaangkin niya ang aking mga labi nang sapilitan. Wala akong kalaban-laban sa ginagawa ng lalaking ito sa akin ngayon. He instantly pins me on the wall na nasa gilid lang ng main door. I freeze on the spot. Nakatuon ang mga mata ko sa lalaking tila ba'y bangag at wala sa katinuan habang ang puso ko'y napupuno na ng pangamba. "A-Axel?" garalgal kong tanong sa kaniya habang nagpupumiglas. I just need to make sure that this is really my man. "Hmmm?" He moans on pleasures. "Welcome home, mahal ko." I freak out. Kahit alam kong boypren ko ang nanghahalik sa akin sa mga oras na 'to, nagpa-panic pa rin ako. Ako lang ang mag-isang nakatira rito, kaya paano siya nakapasok sa loob? Huwag mong sabihing ninakaw niya ang susi ng bahay at palihim na nagpa-duplicate? Oh my god! Mas akong naalarma. What is he he trying to do with me? "Axel, stop," sabi ko. "Lasing ka ba?" Kararating ko lang ng bahay. Mabigat ang trapiko kaya natagalan ako sa biyahe. Ni hindi ko pa nga napindot ang switch ng ilaw nang may biglang humablot sa akin. He drags me in and immediately closes the door. I can't move. I can't think straight. Hindi ito ang boypren kong inuuna muna ang magbigay ng message na bibisita siya, bago magpunta. Hindi ito ang boypren kong kakatok muna sa labas ng pinto na may bitbit ng mga paborito kong streetfoods. Hindi ito. Ayokong maniwala na siya 'to. Na kaya niya akong bastusin kapag gusto niya. Na kaya niyang mag-invade ng privacy ng gano'n-gano'n na lang. Pakiramdam ko ay sinapian si Axel. "Ax-xel--" I call out his name habang nagpupumiglas ako. No matter how I try to deny this, siya yon talaga, e. "Axel . . ." He tastes of beer. His tongue enters my mouth so roughly, kulang na lang ay kagatin ko 'yon. Pati hininga niya ay amoy alak na rin. Kaya ba ito hindi sumipot sa usapan dahil naglasing lang? "What are you doing?!" I yell out loud between our kisses, kasi pinipilit niya ako. "Stop! Ano ba!" Hindi siya nagpatinag sa boses kong basag na. "Shhhh. I miss you," bulong niya sa kanan kong tainga habang nilalaro-laro pa 'yon. "I miss you so much, mahal. Sorry na." Miss? "Are you out of your mind?" Malakas ang pagkakasinghal ko sa taong wala sa sarili. Ganito na pala ngayon ang maka-miss ng tao? Ang manakot? Ang manggulat? "Hindi mo kasi alam kung anu-ano na ang tumatakbo sa utak ko ngayon, Julie. You don't have any idea." He claims my lips again. Pakiramdam ko ay mas lalo itong lumala kaysa sa nauna. There is no passion on the way he kisses me now -- only pure lust and desires. Mapangahas ang halik ni Axel na taliwas sa madalas na ginagawa nito sa akin. Hindi 'yon normal. He's always been so gentle to me at hindi ko maisip na bigla-bigla lamang itong magkakaganito pagkatapos nang hindi pagsipot nito sa aming movie date namin. Nasisiraan na ba siya ng bait? Pakiramdam ko ay para na siyang halimaw na nakawala sa hawla. The more I try to fight back, he becomes fiercer. Hindi pa nga ako nakapagsalitang muli, lumapat na naman ang labi niya sa akin. He kisses me with so much passion and hunger and I can't even kiss him back the way his body wants me to do. Nanliit ako laban sa kaniyang matipunong katawan. He's aware that I am still on shock but he never take a damn concern about it. He pulls me closer habang abala ang kanan niyang braso na ipulupot sa katawan ko, para hindi ako makagalaw. Baka mas lalo akong mawalan ng kalayaang makatakas. I push him harder, separating our lips. Namula ang dalawa kong pisngi sa labis na gulat. Sa labis na inis. "Paano ka nakapasok sa bahay ko?" taranta kong tanong nang makalayo ang mga labi nito sa akin. A few inches away aren't too much either, but at least I can breathe well. "Julie naman!" Umalingawngaw ang singhal niya sa buong sala. Sarado ang mga bintana na sinabitan ng gold na kurtinang may itim na kulay sa bandang laylayan na kakalaba ko pa lang. Walang makakarinig sa amin buhat sa labas na siyang ikinapangangamba ko nang husto. "Mag-usap tayo! Please." Hindi ko napigilan ang sarili ko. My heart is so heavy to contain such humiliation and hatred. I slap his face so hard that it hurts. Namula nang kaunti ang pisngi niya na kung saan dumampi ang kamay ko. At wala na akong pakialam doon. There are time that we keep on making promises that we won't hurt each other, but we broke that today. "Why?" 'Eto kaagad ang nasabi ko. Napatanong. Nagtatanong pa rin ang mga mata ko sa kaniya nang wala nang nasasambit pa. Parang natauhan si Axel sa lakas ng pagkakasampal na 'yon. "Julie--" He moveds closer. I step back, sa sobrang takot. "Diyan ka lang!" "Julie--" Hinuhuli niya ang aking kamay. I slap his hand, bago pa man ako nahawakan nang husto. "Don't touch me! I want you out!" Tinuro-turo ko pa ang pinto. "Please leave now!" He stops for a minute. I don't want to calm down. Kapag gagawin ko 'yon, baka isipin nito na madali lang akong makukuha sa ganito. "How dare you!" I clench my teeth. "Wala ka ba talagang alam sa feelings ko ngayon? You just popped out from nowhere just to say you miss me? Gago ka ba?!" "Julie--" tawag niya sa pangalan ko na napupuno ng emoyson. "Mahal naman. Kilala mo naman ako, 'di ba? Mag-iisang taon na tayo. Hindi mo pa ba ako nakikilala ng lubos?" Napailing-iling. "Ikaw? Kilala mo ba talaga ako ng lubos?" Napatingin kami pareho sa isa't isa. Alam kong dala lang 'yan ng alak pero sobra-sobra naman 'to! "Because if you know me better, you wouldn't do this to me." "Is kissing you too much?" he asks with a disappointing look. Mangiyak-ngiyak na ako kasi hindi niya ako maintindihan. "You don't have the right to kiss me that way kahit boyfriend pa kita, Axel." Muli ko siyang itinulak na para bang natatakot na sa mga susunod nitong gagawin. Napayakap ako sa aking sarili. Dama ko ang labis na pagpintig ng puso ko pero pinipilit ko lang na maging kalmado. "Pag-uusap pa ba ito sa 'yo, ha? Fuck that, Axel! Bukas na tayo mag-usap, pwede? Bukas na. Huwag ko akong dramahan ngayon." "Hindi!" matigas nitong hiyaw, sabay yakap na naman sa akin ng mahigpit. Napasubsob ang mukha ko sa kaniyang dibdib habang ang kanan niyang palad ay hawak-hawak ang aking ulo, pressing it gently. "Ayoko nang ipagbukas pa, Julie. We need to talk." "Hindi mo na nga ako sinipot sa mall, gaganituhin mo pa ako?" seryoso kong sabi habang hindi ko maangat ang aking mukha sa kaniya. "You're so unfair. Alam mo ba 'yon? Saka na tayo mag-usap kapag alam mo na kung paano ba ang isang matinong usapan." Medyo gumaralgal ang boses ko kaya napalunok ako ng laway habang iniisip kung ano pa ba ang dapat naming pag-usapan at kung ano rin ang mas magandang gawin sa mga oras na 'to. He's giving me a lot of options to hate him a lot today. "Pagod ako," matamlay kong excuse. Pero ang totoo niyan, ayoko lang talagang makita siya sa ngayon. "Bukas na lang, pwede? Kapag okay ka na." He stares at me as if he's hurting or what. "Okay nga ba tayong dalawa?" Nagulat ako sa rektahan niyang tanong. "Hindi tayo okay ngayon. Look what you have done! Papatayin mo ko sa nerbiyos. Hindi mo ko sinipot sa mall. Tapos ikaw pa 'tong malakas na magtanong sa akin kung okay ba tayong dalawa?" Hinawi-hawi niya ang kaniyang buhok. Feeling unease. Hindi naman 'to ganito. Hinahanap ko 'yong malumanay na taong minamahal ko laban sa lalaking tinititigan ako nang husto. "I was about to give you a surprise," pag-uumpisa niya na para bang nahimasmasan. "Sinadya kong hindi sumipot, Julie. I tried unlocking your door kasi alam ko naman na mas gusto mo sa bahay. I wanted to have a plan for the both of us. Gusto kong ayusin ang room mo. Lalagyan ng balloons. Binili ko ang paborito mong mocha cake. I want to decorate your room secretly for you just to make you happy. To make you special. To make you feel na worth it kang mahalin. Na kahit sobrang busy natin sa iba't ibang aspeto ng buhay, gusto kong malaman mo na okay tayo . . na okay tayo palagi. Na nandito lang ako para sa 'yo. Pero imbes na ako 'yong magbibigay sa 'yo ng surpresa, ako 'tong na-surprise, e." Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. "Birthday ko ngayon, but you forgot. . . Sorry, I drank all the beers and wines that I bought a while ago. Tayong dalawa dapat ang magsasalo sana kaso naubos ko na pala.." I am speechless. Wala akong magawa kundi ang makinig. "Hindi mo naalala, noh?" mapakla niyang ngiti. "Sanay na ako, mahal. Sanay na sanay na ako . .. na ako lang ang nagmamahal, mahal at umalala." Axel... "I'm sorry," halos pabulong kong sambit. Napatingin ako sa sahig. Para akong nahiya sa sarili. "Nakalimutan ko." Siya naman ang napailing-iling sa akin. "I'm used to it. Sanay na sanay na akong maging second options mo lang, mahal. Sanay na sanay na akong palaging pangalawa sa buhay mo -- sa pangarap mo, sa trabaho mo, o sa pamilya mo. Kahit hindi mo sabihin, alam ko naman na that I can never be that person na magiging number one sa list. Matagal ko ng tanggap that my worth is not enough for you. Pero bakit gano'n Julie? Why can I never be enough for you?" "Ano ba 'yang pinagsasabi mo?" Naguguluhan na ako sa mga nangyayari. "Ano bang nangyayari sa 'yo, ha?" "Ikaw!" aniya, sabay turo sa 'kin. Parang luluha na rin ang kaniyang mga mata. Dama ko na nasasaktan siya. "Ako naman 'yong nandito 'di ba? Ako 'yong boypren mo. Ako 'yong kasama mo, mahal. Pero hindi ko talaga maintindihan kung bakit pakiramdam ko ay mas mabigat pa rin ang timbang niya kaysa sa akin pagdating sa puso mo? Bakit hindi mo ako kayang mahalin ng buo? Ano bang mayro'n siya na wala ako?" This time he pulls me closer and do'n na nagsimulang pumatak ang mga luha niya. Hindi ko siya tinulak. Hindi ko rin tinugunan ang yakap niya na 'yon. Nanatili akong pader sa tabi niya. Confused. "Hindi ako salawahan. At may sayad ba 'yang utak mo at feeling mo sa 'kin, two-timer ako? Ikaw lang ang boyfriend ko. Ano ba 'yang iniyak-iyakan mo na 'yan?" I am trying my best to understand. "Hindi ibig sabihin na hindi na halos nag-uusap ay hindi na buo ang pagmamahal. That's just so immature." "Your book," mabilis niyang sagot at do'n lang din ako natauhan. "I read your book. Nakita ko sa room mo." Do'n na nanlaki ang mga mata ko. Nakita niya pala ang isa sa mga nobelang natapos ko. Iyong nobela na halos isang dekada na ang nakalipas. Na ilang taon nang naka-display sa bookshelf. Na hindi ko na nababasa at nabubuklat. My god... Natataranta ako. "Hirap na hirap kang reply-an ako ng mabilis sa mga messages ko. Nasanay akong kinuntento ang sarili ko sa maliit na spot sa buhay mo. Gano'n kita kamahal, Julie. Minamahal pa rin kita kahit masakit. Pero masakit . . . " Napatigil siya sa pagsasalita habang nagbuga pa ng hangin. "Masakit malaman na kaya mo palang magsulat ng libro para sa taong mahal mo, pero sa akin ni isang paragraph man lang sana na mababasa ko kung gaano mo ako kamahal ay wala akong nabasa ni isa." Ang librong nabasa niya ay walang dudang ang nobela na matagal ko nang isinulat para sa lalaking 'yon. "Selos na selos ako ngayon," patuloy nitong dagdag. "Sa sobra kong selos, I want to keep you forever. I just want to hide you forever. . . to keep you mine for good." The Rabbit's Mask.... "Mahal," he whispers. "Please burn that book for me..." My heart skips a bit on his last words. I can't. I just can't. Paano ko sasabihin sa kaniya na hindi ko kaya? Na may sarili akong dahilan? Mas lalong bumigat ang aking puso. "If you really love me . . . choose me over that damn book. Burn it. Kahit 'yan na lang ang iregalo mo sa 'kin. Prove it to me that I still a worth for you."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD