vi. m e e t i n g

1470 Words
"THANK YOU, everyone. Your hard work is finally paid off. Congratulate yourselves. Palakpakan ang inyong mga sarili," bulalas ng may-ari ng kumpanyang pinagtatrabahuan ko -- si Sir Rey V. Perez. Bigla itong nagpatawag ng meeting kaya wala akong magawa kung 'di ang um-attend sa Conference Room kahit wala pa akong wisyo, wala pang almusal at lalong-lalo na, wala pang kape. Isa pa, napuyat din ako sa paglalaro ng Mobile Legend kagabi. Pasimple akong naghikab kasi hindi ko na nga mapigilan. Muli akong napatingin sa gawi ng aming boss. Nasa edad na singkuwenta at may tatlong anak si RVP. He's strick. Workaholic. At masipag na amo. Sa tatlo niyang anak, iisa lang sa mga ito ang nagkaroon ng interes sa tinatayo niyang negosyo. "Salamat sa inyong dedikasyon sa kumpanyang 'to. Hindi magtatagal ang Philippine Steel Corporation ng walang tulong sa bawat isa. "Call this day a day off with pay! Or if you want to work, double pay kayo sa cut-off." Napanganga ang lahat at kasama na ako ro'n. Lunes na lunes. Hindi naman kasi ganito si RVP. Marka na sa mukha ng bawat isa ang kasiyahan at pagka-shock. Iisa lang din ang dahilan kapag ganito ang mood ni RVP. It means nanalo ang isa sa mga quotations namin sa bidding. Kasi kung hindi ay hindi mag-aaksaya ng oras ang boss ko na ipatawag ang lahat ng core personels sa araw na 'to. Ibig sabihin, malaking isda ang nabingwit ng kumpanya. "Wow! Talaga, boss?" dinig kong tanong sa sikretarya ng boss namin na nakatayo sa harapan namina habang nanlaki pa ang mga mata. Medyo may kaedaran natin ito at wala na yatang balak mag-asawa pa. "Himala." "Kay ganda ng umaga!" hiyaw ng isa sa Sales Dept na wala pang isang taon sa pagtatrabaho sa kumpanya. "Thank you Boss RVP!" "Salamat, boss!" "Iba ka talaga boss!" "Congrats, boss at sa PSC! Malayo pa sana ang lalakbayin!" hiyaw ng isa sa mga lalaki na nasa aking likuran. They're already cheering kahit na wala pa namang ina-announce si RVP na specific good news. Napalingon ako sa pinagmulan ng boses habang nagpapalakpakan na ang karamihan. At do'n sa isang bahagi ng conference ay nakatayo at nakasandal sa pader na malapit sa may pinto ang boypren kong ilang araw ko nang hindi kinikibo nang maayos. What is he doing here? Oh my god! Ano'ng ginagawa ng isang autocad designer sa meeting na 'to? I don't get it. Mabilis akong napatingin mula sa harapan. Pasimpleng nakinig ulit sa malalakas na hiyaw ng bawat isa. Nobody knows our relationship dahil unang-una, bawal sa kumpanya ang makipagrelasyon sa kapwa katrabaho. At pangalawa, ano na lang ang sasabihin ng iba na pinatulan ng isang Purchasing Head ang bagong hired na tao? Tsk. Wala, e. Gan'on siguro talaga ang pagmamahal. Kahit alam kong ikapapahamak ko na, sige pa rin ako nang sige. "What's the good news, boss?" masiglang tanong ng katrabaho kong si Tonie. Isa siya sa mga inatasang maging project-in-charge sa kumpanya. Mostly, he handled huge projects in Mindanao. Kararating lang nito kahapon. "Spill it out!" Mas minabuti kong ibaling na lang ang aking buong atensiyon sa pinag-uusapan kaysa isipin ang preseniya ng taong hindi ko pa lubos napapatawad. But still, nakaramdam ako ng kakaibang presensiya buhat sa likuran. Kahit hindi pa ako lilingon, alam kong kanina pa ako tintingnan ni Axel buhat sa malayo. I can his intense gaze without even looking at him. Hindi ako mapakali. "As expected sa magaling nating cost estimator, nanalo tayo sa GEA Project. And it cost around 200 million pesos. And we won!" ani Sir Perez. "Baka next week ay ibabagsak na nila sa atin ang Purchase Order and contract signing." Nagpalakpakan at naghiyawan ang lahat. Malaking client namin ang GEA. At nakakatuwa dahil sunod-sunod ang mga proyekto nito sa amin. "Paano nangyari 'yon?" takang pagtatanong ng isang project-in-charge namin na si Greg. He handles some of our clients in Luzon. "Hindi ba masyado tayong mataas sa competitor? Vietnam ang ipapanalo, 'di ba Sir? So paano hong nakuha natin ang project, boss?" "Umatras sila sa Vietnam," sagot ni RVP nang nakangiti. "It's true that our company is more pricey when it comes to labor cost and raw materials, pero natalo natin ang Vietnam sa distribution and deliveries. Mas mahal at mas hindi advisable kapag manggagaling pa ang mga products sa ibang bansa. Do'n sila sisingilin sa laki ng shipment cost and not to mention duties and taxes. Idagdag pa natin ang lead time sa pag-ship ng mga stainless tanks from Vietnam to Philippines. Mas mabilis kung tayo ang gagawa. Napatango-tango naman ang iba habang nakikinig lang sa usapan. "How about our budget boss?" tanong ng Finance Manager namin na pareho kong dalaga pa. Most of PSC employees are men. Iilan lang ang mga babae. Out of 200, mga lima lang yata kaming mga babae sa kabuuan. "I humbly apologize if you may find my words insulting but I think this project is way too big for PSC to handle. Saan naman tayo kukuha ng investment money to buy our raw materials? Isa pa, our client requires Letter of Credit to the bank. 10% of 200M will be lock-in the bank until the project is finish. It will take half a year to get our money back. Natahimik ang lahat. She has a good point though. There is no way we can be able to find such huge amount to begin with. Hindi naman ganun kalakihan ang PSC. Mahirap makipagsabayan sa mga higanteng kumpanya sa industriya na ito. Ngunit imbes mamublema, ngumisi lang si RVP sa aming lahat na para bang napaghandaan na niya ang mga sumusunod na pangyayari. "Relax lang kayo, kaya natin 'to. Una, maniwala kayo sa kaniya-kaniya niyong kagalingan. Let's work as a team. Kaya nga nandito kayo ngayon ay upang mapag-uusapan ang mga dapat pag-usapan para maging successful ang proyekto. Masaya akong makita ang iba pang mga heads na nakadalo sa meeting na 'to. Lalong-lalo na sa ating Purchasing Head na madalang lang sumulpot sa meeting." Natahimik ang lahat, including myself. Para akong na-freeze nang makita ko ang lahat na nakatingin sa aking direksiyon. Daig ko pa ang nasa spotlight nang wala sa oras. Napalunok ako ng laway. Naging asiwa. All eyes are on me. Hindi ko 'to napaghandaan. Nevet in my life, I imagine na pupuruhin ako ng may-ari sa harapan pa talaga ng lahat. Imbes na matutuwa ako, pakiramdam ko ay mas lalo akong nangangamba. "Boss?" sabi ko habang nauutal pa. Taena. Parang nawalan ako ng boses kung kailan kailangan ko. "Bakit ako, boss?" Wala naman kasing espesyal, e. I'm just literally doing my job. Napailing-iling si RVP sa akin. Oo nga, bakit siya pa? Bulong-bulungan ng lahat. "Para sa hindi nakakaalam, si Julie ang isa sa mga sagot sa tanong ng ating Finance." Still, I don't know what he's talking about, o kung mayroon man, kailangan pa ba itong i-broadcast 'yun sa lahat? Pare-pareho kaming na-puzzled ng wala sa oras sa pinagagawa ng boss namin. Did I do something great para magpokus sa akin ang may-ari ng kumpanya? Wala akong maisip. "What do you mean by that, boss?" takang pagtatanong ng Finance. "Julie isn't someone na kayang makipag-socialize and to do better stuffs for a greater cause." Natameme akong bigla. She insulted me, at sa lahat pa talaga ng mga importanteng tao. "Are you saying that I'm choosing a wrong person for a specific position, hija?" RVP mutters. Parang nagkaroon tuloy ng tension sa loob ng de-aircon na kuwarto. Sa isang iglap, nawala ang mga ngiti ng mga taong nakapaligid sa 'kin including mine. "No, Sir Perez," depensa nito habang direktang nakatingin sa 'kin. "Nagtataka lang kami. Hindi naman umaalis si Julie sa MAin Office so how come she gets a bigger role on this project?" "Mind if I butt in? I think you are already below the belt, Ma'am Yssa," my boyfriend enterfers. Nakakagulat at nadidinig ko ang boses ni Axel na pinagtatanggol ako. "Hindi ibig sabihin na wala kang nakikita ay wala nang nagagawa ang iba. Maybe Sir Perez has it's own reasons." Napailing-iling ang may-ari habang nakatingin din sa akin. "Julie helped me a lot on this project," pag-aamin ng may-ari sa inakala niyang magiging sikreto sana naming dalawa. "She made sure that I have the right suppliers with stocks. She even made negotiations with them in advance to extend our terms on this specific project. Bukod pa riyan, inayos na rin niya ang ibang suppliers na magkusang mag-import ng mga raw materials nang wala tayong inilalabas ni piso as downpayment. This is a best start, don't you think? At higit sa lahat, Julie never told me anything." Kaliwa't kanan ang mga ulo ng lahat sa conference room. Kaniya-kaniya silang bulung-bulungan patungkol sa akin. Kung kanina ay parang antok-antok pa akong um-attend ng meeting. Iba na. Iba na ang nangyayari. Hindi ko na nagugustuhan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD