iv. d u o

2280 Words
LOSE STREAK nang limang beses sa Rank Game sa sikat na gaming app na Mobile Legends. Magmula nang tumigil ako sa pagsusulat, saka ko naman nakahiligan ang paglalaro ng online games. Maybe because I don't have friends to begin with. Umay na rin ako sa kaka-scroll sa newsfeed ng f*******: na palagi kong nakikita kung gaano kasaya at ka-satisfied ang mga kakilala ko sa sari-sarili nilang mga buhay. Sa sobrang gigil ko sa paglalaro ay kamuntik ko nang ibibagsak ang phone ko sa mesa. Talo na naman nang sunod-sunod! Sayang ang almost 2 hours kong paglalaro. Taena naman! Kung gaano naging successful ang majority ng projects sa trabaho ko, gano'n naman kapolpol ang suwerte ko rito. But still, may kakaiba sa game na 'to na mabilis lang maka-addict sa players. Pero sa tuwing naiisip ko na na-stress na ako masyado imbes na anti-stress ang paglalaro, parang ang sarap i-untog ng ulo ko sa pader sa kamalasan. Kaunti na lang talaga ay masisiraan na ako ng bait. Alam ng talo, sige pa rin nang sige. Adik na adik! Kanina pa nga ako nakauwi ng bahay. Hindi pa nga ako nakapagpalit ng damit. Madilim na rin ang sala. Kanina pa ako nagtatiyaga sa ilaw ng cellphone kong hawak. Hindi ko man lang nagawang pailawan ang sala. Wala pang hapunan, pero nagsaing na ako ng kanin sa rice cooker. Kanina pa yata kumakalam ang sikmura ko pero mas pinili kong maglaro ng Mobile Legends, na siyang nakaugalian ko na. Isa pa, mas okay na rin 'to kaysa magmukmok sa kwarto at maalala ko na naman ang librong sinunog ko. Hays. Ilang talo pa ba ang kailangan kong maranasan para makalimutan ang hinanakit kong 'yon? So sobra kong pag-iisip, hindi ko man lang namalayan na titig na titig na pala sa akin ang aso kong sa hindi kalayuan sa sala. Kung nagsasalita lang 'to, malamang kanina pa 'ko nito sinesermunan sa sobrang katamaran. "Mamaya na, Dalmi!" sabi ko na parang nababasa ko na ang isip niya. "Alam kong gutom ka na. Palaro muna ng isa pang game! Gusto ko namang makabawi." Tumahol pa 'to sa 'kin na para bang nagrereklamo pa. "H'wag mo akong matahul-tahulan," sabi ko habang pinindot code sa screenlock. "Kailangan kong makabawi talaga. SIge na, please? May dalawang hita ng manok sa ref. Iinitin ko para sa 'yo," banat ko pa sabay himas sa kaniyang ulo. Naglakad ito papunta sa aking tabi at humiga sa paanan ko. Dalmi wiggles his tail. Napangiti na lang ako. Siya at ako lang ang nakatira sa bahay. It's been five years since iniwan ako ni Mama at sumama sa papa ko nang tuluyan. Masaya silang namumuhay ngayon sa probinsiya na para bang bagong couple lang after 20 years nilang magkahiwalay. May gano'n pala talaga sa toong buhay. Kung sila talaga ang nakatakda para sa isa't-isa, gagawan ng paraan ang bawat tadhana nilang magkrus muli ang kani-kanilang mga landas. Nando'n pa rin ang alaga kong aso, naghihintay ng hapunan. Mas hinigpitan ko ang paghawak ng phone ko. In-open ko na ulit ang Mobile Legend app. Palinga-linga pa ako habang nag-da-download. Nando'n pa rin ang alaga kong aso, naghihintay ng hapunan. Maliit lang ito na mana sa nanay niyang as-kal na may madaming itim dots sa puti nitong mga balahibo. Dalmatian kasi ang tatay ni Dalmi. Ano bang bago rito? Napatingin ulit ako sa screen ng phone nang tuluyan nang magbukas ang gaming app. Marami-rami pa naman ang data ko, kaso kung cancer ang kakampi, wala ring silbi. Mas pinili kong pindutin na lang ang Classic category at baka maubos na ang inipon kong stars. Kapag Classic gaming kasi, para na rin iyong training room. P'wedeng makipaglaban kaso 'di ako magkakarooon ng stars kapag manalo. Sa larong 'to, bawat Rank game na panalo, isang star lang ang ibibigay. At kailangan ng limang stars upang makaangat. Master GrandMaster EPIC Legend Mythic Mythical Glory Nasa Epic 3 stars pa lang ako. Legend na sana, na-lose streak pa. Nakakaurat talagang maglaro kapag gising pa ang mga bata sa mundo. Mas madaming makakasalamuha na cancer sa gaming. Nakakawalang gana minsan. Mas mainam talaga 'pag 9 o'clock magsisimula, e. Kaso medyo late na 'yon. Sabay may pasok pa bukas. Mamaya na siguro ako maglaro sa Rank Game kapag madaling araw na. Start na ng laro sa Classic. Support heroes ang madalas na ginagamit ko. Ito 'yong mga hindi masyadong pumapatay ng kalaban, kung 'di nag-a-assist lang sa kapwa players. Mahilig ako sa healers. Ewan ko ba. Pati sa paglalaro, ganito pa rin ang set-up ng buhay ko. Sinamahan ko sa laro ang isang assassin hero, si Gushion. Magaling. na core. May utak sa gaming. Hindi suicidal. At madaming kills. Magaling din sa strategies at halatang fast hand gaming. Kapag ganito nang ganito, natutuwa talaga akong i-support, e. Gamit ko naman si Angela, isang support hero na sumasanib sa kakampi at naghi-heal. Mabilis natapos ang laro. Wala pa sigurong 15 minutes. Sana ganito rin kapag rank game. Hindi naman ako bobo, kaso sadyang suwertehan lang sa kung matinong kakampi ang ibibigay. Tumayo na ako at inilapag ang phone sa center table sa sala. Nakabukas pa rin ang app. Naglakad ako sa kusina nang nakayapak sa malinis na puting tiles. Suot ko pa rin ang itim na mahabang palda at pink na sleeveless. Dire-diretso akong humarap sa hanging cabinets at binuksan ang isa sa mga iyon. Tumambad sa akin ang iba't ibang klaseng de lata na iniipon ko kapag araw ng sahuran. Dali-dali kong kinuha ang de lata ng sardinas na hindi maanghang. Inabot ko rin ang abridor sa hindi kalayuan at binuksan ito. Bukas ko na lang pakakainin si Dalmi ng manok. Ganito ako katamad. Pati pagluluto ng pagkain sa hapunan ay 'di ko na magawa-gawa. Pero kapag oras ng paglalaro, ang daming time na nagugugol. Ang pangit ng time management ko sa bahay, na kabiktaran sa opisina. Kinuha ko na rin sa saksakan ang rice cooker at walang ingay na inihain ang kanin sa mesa ng kusina na hugis pabilog. Yari ito sa kahoy pero nilapatan ng salamin. Napabuntong-hininga na naman ako at mag-isa na naman akong kakain. Kumuha na rin ako ng maliit na mangkok at doon ay isinalin ang sardinas, na itinabi ko sa kanin. Isa pang mangkok ang kinuha ko at nilagyan ko iyon ng maliit na kanin at sardinas. Gamit ang sarili kong kamay, dinurog-durog ko iyon at pinaghalu-halo. Nahagip ko pa ang lagayan ng pagkain ni Dalmi sa may gawing ibaba ng kaliwang bahagi ng lababo. Kaagad ko 'yon nilapitan at inilagay doon ang dinurog-durog kong pagkain. Ayaw kasi ng alaga kong aso ang mga pagkaing hindi dinurog -- maliban lang sa mga buto ng karneng baboy. Isa pa, ayaw din ng aso kong malamig na ang kanin. Naghugas ako ng kamay. Uupo na sana ako sa silya na yari sa kahoy subalit bumalik ako sa sala at kinuha ang phone ko. One message received. Nagtaka ako habang binabasa ang notification sa ML account ko. Binuksan ko ang message, dala na rin siguro ng curiosity. Pierro: You did great. Thanks sa assist. :) Sino si Pierro? Kataka-taka. Classic lang naman ang nilaro namin. Ang weirdo naman ng player na 'to. Tiningnan ko pa ang History ng game. Lima kasi ang members per squad. Malay ko kung sino sa apat si Pierro. Nang ma-check ko na, tama nga ang hinala ko. Si Gushion -- iyong assassin hero na palagi pumapatay ng kalaban. Sai2013: Adik ka ba, idle? E, 20-0-5 score mo sa game tapos sa akin ka magpasalamat? (20 kills, 0 death, 5 assists) Halimaw na nga sa gaming, pabebe pa? Ibaba ko na sana ang phone ko para makakain na ako at si Dalmi, nang makita ang bago na namang notification. He follows my account. Magaling naman si Gushion este si Pierro na 'to. Magagamit ko ang lakas nito sa Rank game. Kaso, bakit nagdadalawang-isip akong i-follow ang account niya? Hayaan na. Pinindot ka lang ang Follow button. He's good though. Hindi na talaga ako makanguya-nguya dahil dito, e. Mabuti pa si Dalmi. Nasimot na niya ang laman ng pagkainan niya. Samantalang ako, ni isang subo ay wala pang nagagawa. Another notification received. Inbox: System: Report Mail: Important Notice: Download Reminder: GIFTS: Bakit sa Gifts ay may notification? Binuksan ko 'yon at tumambad ang gift message. 6/27 9:00 Your friend PIERRO gifted you Flower Fairy skin and left a message: Hi, ikaw pala ang Top 1 Local ng Rafaela. Duo tayo minsan. (Repetitive skins will be converted to fragments) Napanganga ako. Angela naman ang ginamit ko, pero ang paborito kong si Rafaela ang binigyan niya ng skin. And for what? Para sa duo? Is he for real? Nagsasayang lang 'to ng pera. Almost one thousand pesos ang presyo ng skin na 'to. Marami talagang nagwawaldas ng pera sa ML world. Tiningnan ko ulit ang profile picture account ko. Gumamit naman ako ng chibby image na ginawa ng friend kong mahilig mag-draw. Hindi ko ginamit ang sarili kong mukha. Mas hindi pansinin, mas okay sa akin. Sai2013: I will pay you back. No need gifts. Ano'ng gusto mong skin? Ibibigay ko sa 'yo. Ayoko talaga ng utang na loob! Mapapagastos pa yata ako imbes mag-ipon. Sayang din ang 1k. PIERRO: Don't bother. A gift is a gift. Just take it. Let's play some other time, Sai2013. Bahagyang tumaas ang kilay ko sa isang 'to. At ibinagsak ang phone sa gilid ng plato ko. *** NANG MATAPOS kong ligpitin ang pinagkainan ko at nakahugas na rin, binalikan ko ang phone ko sa mesa. Binuksan ko ang inbox ng phone ko. Tadtad ito ng messages. Axel: Where are you? Bakit di kta makontak chibby? Nakauwi knb? Kumain knb? Patay ba ang phone mo, mahal? Napatutop ako ng noo nang mapagtantong hindi pa pala ako nakakapag-text dito kahit isa pa simula kanina. JULIE: Sorry, Chubby. Nakatulog ako sa sofa pagkadating ko ng bahay. Nagsinungaling ako at idagdag pa ang katotohana na nawawalan ako ng ganang kausapin siya. Pinatawad ko naman. Nagkapatawaran naman kami pero bakit may something na nawala sa pagitan naming dalawa? Nag-check ako ng phone setting. Naka-Ultra Game Mode pala ang phone ko, kaya hindi niya ako makontak-kontak. JULIE: I miss you. Sorry at hindi ako nakapag-text sa 'yo agad. Are you mad? AXEL: Nag-aalala lng. Wla kang kasama s bhay. Nilalakad mo lng ang high-way papunta sa subdivision. Paano na lng kung napaano k? JULIE: Sorry. 'Di na mauulit. AXEL: alam kng pinagod mo na nman ang sarili mo. Magpahinga kna. Ano'ng inulam mo? Sardinas n nman? O kumain knb? Nangangayayat ka na lalo. :( Hintayin mo ko. Sasamahan kitang mag-grocery. Damihan ntin ang fresh veggies at karne. Less de lata. Para ma-push kang magluto. Napabuntong-hininga na lang ako do'n. Payat na nga, nagpupuyat pa. Isama pa ang katotohanan na minsan ay nagpupuyat pa ako sa kakalaro ng ML, na hanggang ngayon ay 'di pa alam ni Axel. JULIE: Matutulog na ako, mahal. No worries. AXEL: I love you. Wag k na mgpuyat ha! Miss n miss na kta. Gusto na ktang mayakap. Gusto na ktang makita. Sana alam mong mahal na mahal kta, chibby. Gudnyt. Hindi na ako nag-reply. Sa aming dalawa, si Axel ang clingy. Siya ang sweet. Ang mas romantic. Ang laging may oras. Madaling lapitan at magsabi ng kahit na ano kay Axel. Pero hindi ko alam kung bakit hanggang ngayon ay inilihim ko ang pagkaadik ko sa mobile gaming at manunulat. Malamang kapag malaman no'n na adik na adik na ako sa paglalaro ay patitigilin niya ako. He doesn't like me wasting a lot of time, na sa tingin niya ay walang kuwenta. Ang gusto lang no'n ay dapat buong-buo ang oras ko sa kaniya. Mahal ko si Axel kahit ganito ako. At ang suwerte ko dahil kahit ganito ako ay mas mahal niya ako. Na kahit hindi gano'n ako kaganda, ka-sexy, at kinulang pa ako sa height ay buong-buo ang pagmamahal niya sa akin. Never niyang pinaramdam sa akin na hindi ako worth it mahalin nang sobra-sobra. May pagkaseloso nga lang at medyo isip-bata pa dahil pumatol ako sa isang lalaking tatlong taon ang tanda ko. Malalim ang buntong-hininga ko nang sumubsob ang mukha ko sa malambot na unan. Hindi pa rin mawala sa isipan ko 'yong issue sa aming dalawa. Iyong moment na sinusunog ko ang obra kong libro na ilang buwan kong pilit na tinatapos, sobrang sakit 'yon. Hindi alam ni Axel na dinamdam ko 'yon ng sobra. Fault ko na kinalimutan ko ang birthday niya. Pero wala ba akong karapatang magdamdam sa nangyari? Napatitig na naman ako sa screen ng phone ko. Katulad ng Mobile Legend app, nakatago rin ang w*****d app doon sa isa sa mga folders sa screen para hindi kaagad mahalata ni Axel. Napatingin na naman ako sa w*****d account kong nilulumot na. Kapag guguho na naman ba ang mundo ko, magtatago ba ako ulit sa w*****d? Wala na 'yong taong palagi kong kausap sa app na 'to. He deactivated his account for good. Wala na akong babalikan pa. Kahit pa sabihin na madami na akong stories na naisulat, pakiramdam ko ay blangko na ang account kong 'to. Wala ng buhay, no matter how much I badly want to revive everything. Besides, I have Axel already, my ideal boyfriend. Wala sa dummy world, kundi nasa reality na. Hindi ko na kailangan pang maghintay ng positive messages sa taong hindi ko kilala in person. Hindi ko na kailangang mag-abang pa ng mga salitang i-chi-cheer ako whenever I felt down. Kaya ko naman, e. It's been a while at kinaya ko naman. Maybe it's time to let go everything.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD