13

1035 Words
? You're all I need beside me girl You're all I need to turn my world You're all I want inside my heart You're all I need when we're apart... ? Chance is staring at me while I can't look back at him anymore... Ewan ko ba, pakiramdam ko kasi matutunaw ako kapag nakipaglaban pa 'ko ng titig sa kanya. ? All that I need is for you to believe All that I need is YOU... ?? Nakabalik kami ni Chance sa table nang matapos ang kanta at matapos kaming sumayaw. "Asan na sina Eden at Hades?" tanong ko nang maabutang wala na ang dalawa. "Baka sumayaw din?" hindi siguradong sagot niya. Tumango ako. Inaantok at nahihilo na talaga ako. Ramdam ko pang parang babagsak na ako sa kalasingan kaya agaran akong napatukod sa rest ng couch. "You okay?" agad namang dalo ni Chance sa akin saka inalalayan ako sa balikat. "Yan na nga ba ang sinasabi ko sayo kapag nasobrahan ka sa kalasingan." marahan pang sermon niya sa akin. Hindi na 'ko nakasagot nang naramdaman kong tuluyan na akong kinain ng antok at bumagsak sa mga bisig niya. Nagising ako kinaumagahan na napagtantong wala ako sa kwarto ko at mukha kaagad ng taong huling nakasama ko kagabi ang pinakauna kong nakita pagkadilat ko palang ng mga mata ko. "Chance..." He's quietly sleeping on the sofa. Matangkad siya't mahaba ang katawan niya kaya niyayakap at pinagsisisikan na lang niya ang sarili sa sofa. Inilibot ko ang paningin at napagtantong nasa opisina ko kami dito sa bar. So, dito pala niya ako diniretso kagabi nang mawalan ako ng malay sa sobrang kalasingan? Napansin ko din ang coat niyang inilagay talaga niya sa balikat ko para siguro hindi ako lamukin. Hinawakan ko ang coat nang naupo sa single-sized bed na tanging mayroon itong opisina ko dito sa N-Bar. Tinitigan ko ang maaliwalas niyang mukha habang tulog na tulog pa rin dahil sa antok sa marahil pagbantay sa akin dito kagabi. Ang amo at aliwalas na mukha niya habang natutulog... Naramdaman ko ulit ang weird na pagkabog ng puso ko habang tinititigan ang gwapo niyang tulog na mukha... Umiling ako't tumayo na para lapitan siya at marahang tapikin sa balikat para gisingin. "Chance." Walang epekto. "Chance." ulit ko. Sa wakas, unti-unti rin siyang nagdilat ng kanyang mga mata. "Natasya!" aniya at mabilis pa sa kidlat na bumangon at tumuwid ng upo sa sofa. "Pasensya ka na't nakatulog ako." Marahang umiling ako. "No. Ako ang dapat na humingi ng pasensya kasi naabala pa kita kagabi. You were supposed to be sleeping in your comfortable bed, hindi yung pinagkakasya mo 'yang katawan mo dito sa sofa." Magaang nginitian niya ako. "It's okay. I don't mind it. Ang importante sa akin, safe ka kaya sinamahan na muna kita." "Chance, pwede namang nagpatawag ka nalang ng isa sa mga tauhan ko para sila na ang bahalang nag-asikaso sa akin. Nakakahiya tuloy na naabala pa kita." "Natasya, no..." malumanay siyang umiling at hiwakan ang isang kamay ko. "Hindi kita pababayaan at ipagkakatiwala sa kung kani-kanino lang diyan... Hindi kita kayang pabayaan..." My heart's beating even more faster as I can sense so much sincerity on his soft voice and on his gentle eyes... "By the way, I decided to take you here last night than to take you home because I was afraid that your parents would be furious kapag iniuwi kitang lasing na lasing sa inyo. Pasensya ka na, Natasya." Umiling ako. "No. I understand. Thank you talaga sa lahat, Chance. Sa lahat-lahat ng kabaitang pinakikita mo sa akin." He gently smiled. I was just grateful... and thankful that's why I feel this way for him, right? Yes, that's just it! My heart's beating so fast because I'm just so grateful to all of his kindness. Nothing more and nothing less. Nothing's special and nothing's deep… *** [Chance's POV] "ASAN na sina Eden at Hades?" tanong ni Natasya nang maabutang wala na ang dalawa pagkatapos naming sumayaw at makabalik sa table. "Baka sumayaw din?" hindi ako sigurado. Knowing Hades? Wala talagang palalampasing babae ang isang iyon basta nagpakita ng interes sa kanya kaya may ideya na 'ko kung bakit nawala bigla yung dalawa... ayoko lang na i-voice out pa dahil ayoko nang mag-alala pa si Natasya sa best friend niya. Okay naman si Hades eh, hindi naman mamimilit 'yon ng babae kung ayaw sa kanya. Tumango si Natasya. Kita kong inaantok na siya at mukhang nahihilo na. Napatukod pa sa rest ng couch dahil parang babagsak na sa kalasingan. Dinaluhan ko na kaagad. "You okay?" inalalayan ko siya sa balikat. "Yan na nga ba ang sinasabi ko sayo kapag nasobrahan ka sa kalasingan." Hindi na siya nakasagot nang tuluyang kinain na ng antok at bumagsak na sa mga bisig ko. I immediately called one of her waitresses to assist us when I decided to take her to her office in this bar. Ayokong iuwi siya sa kanila na walang malay sa kalasingan dahil ayokong isipin ng mga magulang niya na nilalasing ko siya kapag nagkakasama kami. "Dito po, sir. Dito n'yo nalang po s'ya ilagay." anang waitress na sinamahan ako sa pagdala kay Natasya sa opisina. Good thing na may kama naman ang opisina ng dalaga kahit na single-sized lang. Nilapag ko siya sa kama at tinanguhan ang waitress. "Salamat sa pagsama. Ako nang bahala sa kanya." The girl becomes hesitant. "Uhm... pero-" "It's okay. Natasya and I are good friends. Ako nang bahala sa kanya." Now, she's slightly convinced. "Sigurado po kayo, sir?" Siguradong tumango ako. "You can go back to your work. Ako nang bahalang magbantay sa kanya dito." "Sige po, sir. Salamat po." Nakaalis ang waitress at naiwan kami ni Natasya dito sa loob ng opisina niya. Kinuha ko ang visitor's chair sa table niya at dinala ito sa tabi ng kama niya saka naupo para panuorin siya sa pagkakatulog. Can't help myself but stare at her pretty face while she's peacefully sleeping. I looked at her features with adoration, down to her neck and to her perfectly curvy body. She's now wearing a plain white spaghetti strap jumpshorts. Lantad na lantad sa akin ang mapuputi at walang kagalos-galos niyang mahahabang legs lalo na ang leeg niyang sobrang nakakaakit.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD