12

1086 Words
Doon palang ay parang nagpupuyos na ang damdamin ko. They're now split pero kung maka-comment at makapuri, ganyan pa din ang datingan? @faralh: Thank you, my number 1 fan! @lieven ??? @lieven: Pwedeng pa-autograph po sayo, lodi? With all the emojis pa talaga ha! @faralh: Pwede naman! Hahaha. Petmalu! "See? Bagay pa rin talaga sila ng ex niya, pareho silang jejemon!" palatak ni Eden sabay irap. Nagpatuloy pa 'ko sa pagbabasa. @lieven: Haha. Bakit ang ganda mo po kasi eh, lodi? ? @faralh: I know you would see this picture kapag pinost ko dito sa i********: kaya kailangang maganda! @lieven: Hahaha. Idol talaga! @faralh: Mana lang po sayo, lodi! ?? I stopped reading it because I couldn't take it anymore. Ayoko na! Masyado ko nang sasaktan ang sarili ko kapag nagpatuloy pa 'ko sa pagbabasa! "Kita mo na? 'Diba? Ang galing talaga ng lodi mo! Aba'y petmalu si koya mo, girl!" sarkastiko pa ring patuloy ni Eden nang ini-lock ang cellphone niya. Sa sobrang inis ko, sira na ang mood ko at ang buong gabi ko dahil sa clingy conversations na 'yon ng mag-ex, awtomatiko kong nadampot ang isang bote ng inumin sa mesa tapos dire-diretsong isinalin iyon sa baso at pinuno ito saka walang pakundakang ininom. "Whooow! That's my girl!" hiyaw-asar sa akin ni Eden. Nakaka-badtrip lang talaga! Pinuno ko ulit ang baso at diretsong nilagok ang alak. Ginawa ko ulit hanggang sa pangatlong pagkakataon. "Whoa! Lakas mong uminom ngayon ah!" amused at gulat naman ang naging reaksyon ni Chance habang pinanunuod akong walang patawad sa pagtungga. "May pinagdadaanan 'to!" tawa naman ni Hades saka binalingan ang katabi para tuksuhin. "Inaway mo 'no?" "Luh? Hindi kaya!" defensive namang sagot ng gaga. "Oh well, let's just say na sinampal ko lang siya ng katotohanang dapat naman talagang isinasampal sa kanya!" Kung hindi ko lang best friend si Eden at kung wala lang talaga siyang point, malamang nasabunutan ko na ang bruha! "Baka naman masobrahan ka niyan at malasing ka ng todo ha." nag-aalala at seryoso na ang tinig ni Chance. I didn't mind him. Gusto ko pang uminom! Gusto kong uminom para makalimot at makaiwas kahit panandalian lang sa sakit ng nararamdaman ng loob ko! "Tama na 'yan, Natasya." seryoso na siya nang hinawakan na ang kamay ko para pigilan ako para sa panlimang baso. Hindi pa rin ako nagpapigil! Walang makakapigil sa 'kin! "Natasya, enough." inagaw na talaga niya ang pang-anim kong baso at hindi na 'ko hinayaan pang uminom. "Ano ba! Give me back my glass!" I hissed. Nahihilo na ako't ramdam ko na ang init ng alak sa katawan ko. Pakiramdam ko tinatamaan na ako. Sino ba naman ang hindi tatamaan sa limang baso 'diba? Ha! Lasing na nga talaga yata ako! "Tama na. Masosobrahan ka, Natasya." matigas niyang pagtutol. Namumungay na ang mga mata ko sa kalasingan. "Gusto ko pang uminom!" "Tama na nga. Alam mo, ang mabuti pa, isayaw nalang natin 'yan. Tara." marahang hinila niya ako patayo ng couch. "Ha?" napapakamot nalang ako ng ulo ko. "Tara na. Let's dance." Wala akong nagawa nang tuluyan niya akong nahila at nakaladkad papuntang dance floor. "Yoohow! Bagay talaga! Chance and Natasya, I ship you both!" nadinig ko pang hiyaw ni Eden saka humalakhak ng malakas. Napailing nalang ako't napairap sa kawalan. Baliw talagang babae! The fast music in the dance floor suddenly changed into a soft, harmonic love song, kaya dumami nang dumami pa ang mga pumunta sa gitna kasama ng kani-kanilang partners para sumayaw. ? I know that she's waitin' For me to say forever I know that I sometimes Just don't know how to tell her I want to hold and kiss her, give her my love, Make her believe she doesn't know, she doesn't know... ? Nilagay ni Chance ang kanyang mga palad sa aking baywang at ako nama'y niyakap ang mga braso sa kanyang batok. Together we've danced in the rhythm of the soft song. ? You're all I need beside me girl... You're all I need to turn my world You're all I want inside my heart You're all I need when we're apart You're all that I need... ? I immediately combed my hair through my fingers while we're staring at each other's eyes. Lasing na nga yata ako kasi pakiramdam ko ang bilis ng t***k ng puso ko habang ang lapit-lapit namin sa isa't-isa at nakatitig sa mga mata... ? I know that she's always there when I need her loving I know that I never told her how much I love her I see her face before me I look in her eyes just wondering why she doesn't know She doesn't know She doesn't know... ? "Ah, bago ko nga pala makalimutan, I have something for you." aniya bigla nang may maalala at sandaling binitawan ako dahil may dinukot siya mula sa bulsa ng pantalon niya. We stopped dancing on the middle of the dance floor and I was taken aback when without a word, Chance kneeled down in front of me! "Chance, what are you doing? Tumayo ka nga diyan-" I was cut to words when I felt the round metal he put on my ankle. Bumaba ang tingin ko sa paa ko at nakita ang napakagandang anklet na inilagay niya roon. Nagulat ako. Maingat na inayos niyang mabuti sa pagkakalagay ang anklet tapos nang makuntento na'y nag-angat ng tingin sa akin. Kasing ganda ng anklet na bigay na naman niya ang tamis ng ngiti niya... ? You're all I need beside me girl You're all I need to turn my world You're all I want inside my heart You're all I need when we're apart... ? My heart pounded violently. Ngumiti ako't umiwas nang tumayo na siya at muli kaming bumalik sa pagsasayaw. ? Say, say that you'll be there whenever I reach out to feel your hand in mine Stay, stay within my heart whenever I'm alone, I know that you are there oooooh... ? This is weird. Hindi ko dapat nararamdaman sa kanya ito 'diba? Kay Lieven lang dapat! I have loved Lieven for years kaya hindi pwedeng sa isang iglap ay mararamdaman ko ring kakabog ang puso ko sa iba, sa taong kakikilala ko palang! No. Si Lieven lang, and I'll always be loyal to the latter! Lasing na nga siguro talaga ako kaya kung anu-ano nalang ang naiisip ko't kumakabog ang dibdib ko sa kasayaw ko. Tama, lasing lang ako... Lasing ako at naglasing ako dahil kay Lieven. It will always be him, does and always will be…
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD