KAHIT wala si Wallace ay may nag-aasikaso pa rin sa bahay, lalo na sa pagkain. Kaya hindi na masyadong ramdam ni Angelica ang lungkot. Sinipag magluto si Alejandro at nag-improve. Naunahan pa siya butong natutong magluto nang mas maayos na walang kodigo. Iniwanan ito ni Wallace ng budget para sa kailangan sa bahay. Umalis si Vladimir noong gabi pa lang kaya silang dalawa lang ni Alejandro ang naiwan. Maaga siyang nagising dahil maghahanda pa sila para sa raid operation sa gabi. Magluluto sana siya kaso naunahan siya ng poging kusinero. “Good morning!” kaswal na bati ni Alejandro pero walang kangiti-ngiti sa mga labi. “Good morning! And thank you for preparing the breakfast.” “No worries.” Inihain na nito ang nalutong almusal sa lamesa. “Aware ka ba na magiging driver kita starting tod

