NAGKAGULO na sa loob ng bar at hirap makalabas si Angelica. Pero nang malapit na siya sa pintuan ay may kamay na humawak sa kaniyang braso. Nagulat siya nang makita si Alejandro. At dahil siksikan, pinagtutulak nito ang mga tao at bigla siyang binuhat. “Sandali!” pigil niya. Pero hindi siya pinakinggan ni Alejandro. Isinakay na siya nito sa kotse at nagmaniobra. “We need to get out here. Hayaan mo na ang mga lalaking pulis ang tumapos ng gulo,” sabi nito. “May sniper sa bar, hindi namin ‘yon kasama! Binaril niya si Barbara!” balisang sabi niya. “Maybe the sniper was from Barbara’s allies or enemies. They knew that Barbara will reveal all mafia’s secrets, so they need to kill her.” “How did you know that?” ‘takang tanong niya kay Alejandro. Hindi na siya nagreklamo nang pinausad na nit

