WARI idinadarang sa nagliliyab na apoy si Wallace habang pinakikiramdaman ang kaniyang asawa. Nahalata na ni Angelica ang problema sa devices nito at social media accounts. Agent Tanner gave Angelica a hint about the hacking system, and he’s too close to the point. May kasama nang pagdududa ang titig sa kaniya ni Angelica. Hindi rin siya makapag-focus dahil kinukontrol niya ang devices nito mula sa kaniyang cellphone. Kaso hindi niya naagapan ang chat ni Tunner. Naka-focus kasi siya sa email. Once natanggap ni Angelica ang email, magsisimula na itong mag-imbestiga sa kaniya. Naglalaman ng underground market files ang email kung saan kompirmadong active noon ang Mancini Holdings sa black market. He can’t take it. He’s getting close to the risky situation. Upang ma-distract ang kaniyan

