“PAANO po makaapekto ang mga cyst sa development ng baby, Doc? Risky po ba ito?” hindi natimping tanong ni Wallace sa doktor. Si Angelica naman ay hindi malaman kung paano kakausapin ang doktor. Dismayado pa rin siya at natatakot sa sasabihin ng doktor. Gusto na rin niyang mabuntis. “So, as we can see, there are few cysts pa rin pero wala tayong tapat ikabala. Hindi na ito kasing lalaki noong una at hindi risky sa baby,” ani Dr. Robles matapos ang proseso. Nakahinga nang maluwag si Angelica. Napawi ang lungkot niya nang masilayan ang ngiti sa mga labi ng kaniyang asawa. Doble ang tuwang nakikita niya sa mukha nito. Napahalik pa ito sa kaniyang mga labi dahil sa hindi mapigil na galak. "I told you, honey, mabubuntis ka!" excited nitong sabi. Pinagbihis na siya ng doktor nang matapos a

