Nanginginig ang balikat ko habang umiiyak. Panay ang hikbi ko pero sinusubukan kong hinaan dahil ayaw ko na marinig nila lola. Super sakit na ng mga lumalabas sa bibig ni Xan, hindi ko na alam pa ang panghahawakan, o baka tama siya... na magkanya-kanya nalang kaming dalawa. Pero naisip ko na ako ang may atraso. I guess I should be the one to lower my pride. Kaya first thing in the morning, kahit medyo maga ang mata ko ay naghanda ako ng cake recipes for him. Sabi nila one way to a man's heart is through his stomach, I guess I could try it. Alam kong hindi eepekto pero gusto ko lang iparamdam sa kanya na sincere ako sa gusto kong mangyari. Na sincere ako sa paghingi ko ng sorry. I hope, though, he'd realized that. "Oh? Ang aga mo namang magising, hija." "Magbe-bake po ako para sa agahan