"Sabay ba kayo ni Xan?" tanong ni Tito Ricky. Naghahanda na kami ngayon na pumunta sa restaurant. Napag-usapan na early dinner nalang kami roon. I'm wearing a simple guess shirt and Zara mom jeans. I'm hoping na hindi nila ako makilala pero just to be sure ay nagdala nalang din ako ng bonnet at sunglasses. "Sa car ko nalang po ako sasakay," sagot ko bago pa ako mapahiya sa isasagot ni Xan. Nagpabalik-balik ang tingin ni tito sa amin ni Xan at kalaunan ay bumuntong-hininga saka tumango. Napatalon ako sa gulat nang marahas na isinara ni Xan ang pinto ng sasakyan niya. He was inside already kaya kahit malakas pa ang dagundong ng puso ko dahil sa gulat ay napipilitan akong sumakay. Sinundan ko siya dahil hindi ko naman alam kung saan pupunta. Buti nalang hindi naman super dami ng cars d