"Kung model ka, ate, bakit ka nandito? Hindi ba busy ang mga model? Lagi kayong may picture picture?" Tuyo na ang mga luha sa kanyang mukha at mas maaliwalas na ang awra nito ngayon kaysa kanina. "Hindi naman laging trabaho ang ginagawa namin." "Ang ganda niyo po, ate, para kayong model--" nagtakip ito ng bibig, "...ay model nga po pala kayo." I laughed. "Oh sige, makipaglaro ka na sa mga kaibigan mo." He was a bit shy at first to join them but some kids approached him and eventually, he talked to them. Nagbuga ako ng hininga bago tumayo at pinagmasdan sila. Ang saya maging bata, ano? Ang simple lang ng buhay. "Ma'am," lumapit si Diane sa akin. "Mag-picture na raw ho tayo." We took pictures with the foundation officers and as well as with the kids. Nag-selfie rin ako para i-post sa