Magka-holding hands kaming naglakad pabalik sa loob ng bahay. Everyone's staring at us as we walked inside. Ang mga matatanda ay nakanganga habang nakatingin sa aming kamay samantalang ang mga bata ay nagtilian at pinuno kami ng asaran. That day is very memorable. With the kids and with Xan. Dinala ko siya sa condo ko. Nagyaya siya ng dinner pero dahil nga hindi kami nakapagpa-book at baka crowded sa mga fastfood, we decided na mag-order nalang. "Xan, ano order mo?" tanong ko habang abala siya sa pagtingin-tingin sa loob ng condo ko. He glared at me. Pinagkunutan ko naman siya ng noo. Ano'ng problema na naman ng isang ito? "Ikaw na bahala, Chanda." Diniinan niya pa ang pagkakasabi sa pangalan ko. Doon ko na-gets kung ano ang problema niya. I laughed it off. Lumapit ako sa kanya sa