CHAPTER 9. BARGAIN

1034 Words
Underworld Apat na libong taon ang nakararaan.. PALIPAT-LIPAT ANG tingin ni Cythe sa dalawang diyos na nakapokus sa kaniyang gawi. Malamang iisa lang ang takbo ng mga utak nito -- ang kaniyang katangahan. "Makakaalis ka na," pagtataboy sa kaniya ni Hades. "Hindi ako nakikipag-usap sa mga nilalang na nanghihingi lamang ng tulong at simpatya. Wala kang halaga." Kagat-labing pinipili ni Cythe na huwag masaktan. "Hindi p'wede!" pagmamatigas niya sa harapan ng mga ito. "Hindi p'wedeng aalis na lang ako rito nang basta-basta." Kailangan niyang makuha ang kaluluwa ni Prinsipe Aramis. Kailangan niyang maisakatuparan ang lahat ng kaniyang plano. "Hindi ba ikaw ang nagsumpa sa mortal na ito?" sabat ni Hermes, alam na ba ito ng iyong amang si Eros?" Napatigil siya. Napalingon sa anak ni Zeus. Kailangan ba niyang sagutin ang tanong nito? "Kung gayo'n, naparito ka sa aking teritoryo para sa iisang kaluluwa," pagtatama ni Hades habang pinagmamasdan ang kaluluwa ni Prinsipe Aramis na malayang nakikita nilang lahat. "Siya ba ang kailangan mo?" Tinititigan ni Cythe ang kaluluwang mistulang hangin lang na nagkaroon ng pigura. Hindi na niya kailangan pang magsalita. Basang-basa na ng nga ito ang takbo ng kaniyang isipan. "Magiging kulungan niya ang ilog na 'to," paalala ni Hades. "Sapagkat hindi siya makakasakay ng bangka papunta sa Taenarum." "Batid mo ba, anak ni Eros, kung ano ang 'yong kasalanan?" ani Hermes. "Hinding-hindi ka makakatakas sa batas ng Langit." "Hindi ko tatakbuhan ang aking kamalian. Hangad ko lang ay maibalik ang kaluluwa ng prinsipe sa kaniyang katawan." "At kahit maibalik pa ni Hades ang kaluluwa ng kahabag-habag ng mortal na 'to, hindi pa rin matatapos ang sinimulan mong sumpa. Mananatili pa ring halimaw ang prinsipe hanggang nabubuhay pa siya." Napakuyom si Cythe ng kamao habang pinapakinggan ang bawat masasakit na salita ni Hermes. Parang mga kutsilyo ang katotohanang iyon na sinasaksak ang puso niyang nagkamali ng lubos. "Maibabalik mo man ang kaluluwa ng prinsipe ay wala pa ring saysay iyon. Mabubuhay siyang halimaw. Wala sa katinuan bilang tao. Walang alaala. Walang pagkakilanlan. Kaya magiging walang kuwenta lang ang 'yong paghihirap at sakripisyo sa dulo." "Hindi ako nagbibigay ng kung anu-ano ng walang kasunduan, diyosa. Sa tingin ko naman ay wala kang bitbit na kahit ano'ng alay para sa akin. Isa pa, hindi mo rin ako matatalo kahit hahamunin mo ako sa isang labanan. Nagagalak ako sa 'yong pinapakitang katapangan, subalit ang katapangan na 'yan ay walang silbi sa katulad ko." Nanatiling kalmado si Cythe sa harapan ng dalawang ito. Nasa Underworld na siya ngayon. At sa mga oras na ito, kailangan niyang unahin ang kaniyang priyoridad na dahilan kung bakit siya naparito. "Nagkamali ka pagtapos ay itatama mo? Sana ay hindi mo na lang ginawa sa umpisa pa lang kung pagsisisihan mo rin naman sa huli." Napahalumikipkip si Hermes habang malayang tinatanaw ang kakarating lang na si Charon. Nasa gilid lamang ito ng ilog, ilang metro ang layo sa kanilang gawi. Awtomatikong nagpalutang-lutang ang kaluluwa ni Prinsipe Aramis sa hangin at nagtungo papalapit sa nilalang na maghahatid sana nito sa Taenarum. "Hanggang dito lang 'yan," paninigurado ni Hades. "Wala 'yang maibabayad na obolus o danake para makasakay sa bangka." "Hindi!" hiyaw ni Cythe. "Hindi siya makukulong dito at mas lalong hindi siya mapupunta ng tuluyan sa Kaluwalhatian. Ibabalik ko siya sa kaniyang katawan. Ibigay mo na siya sa akin." Napaluhod si Cythe sa harapan ng diyos ng Underworld. Nanghihina. Tila ba'y nawawalan na ng pag-asa, ngunit nais pa rin niyang lumaban. Tiningnan lang siya ni Hades ng walang emosyon. Walang awa ang mga mata nitong kasing kulay ng dilim. Matatalas. Naninimbang. "Matigas ang iyong ulo, diyosa. Ni hindi mo nga naiisip na may karampatang kaparusahan ang iyong ginawang kasalanan. Isang makasariling anak ni Eros, hindi ka nababagay na maging anak ng diyos ng Pag-ibig." Tama na. . . Gusto niyang sambitin ang mga salitang iyon pero para saan pa? "Inuulit ko, hindi ko tatakbuhan ang lahat ng 'yan." Nagsalita siya ng marahan habang nakayuko. "Alam kong wala akong maibigay sa 'yo, ngunit sana'y mapagbigyan niyo ang aking kahilingan." Napailing-iling si Hermes. Nanatiling nakapako ang tingin ni Hades sa kaniya. "Ang bawat kagustuhan ay mayroon kabayaran. At ang bawat kahilingan ay hindi maaring maibigay lang ng libre." "Gawin mo siyang alipin," suhestiyon ni Hermes. "Hindi ba naghahanap si Persephone ng makakasamang babae sa Underworld?" Lumingon si Hades kay Hermes ng makahulugan. Napako ang kanilang tingin sa isa't isa. "Hindi ko kailangan ng alipin." "Kailangan mo, Hades. Kailangan mo ang kakayahan niyan para mapatagal ang pagtira ni Persephone sa Underworld. Anak pa rin siya ni Eros. Maaring isa itong magandang pagkakataon upang makasama mo ang 'yong asawa ng matagal-tagal." "P'wede ba 'yon?" tanong ni Cythe. "Maari ba akong maging alipin sa Underworld kapalit ang kaluluwa ng prinsipe?" Nakakita si Cythe ng liwanag sa kadiliman ng kaniyang problema. May pag-asa pa. Umupo siya sa lupa habang nakatingala kay Hades. Nagtama ang kanilang mga mata. Seryoso ang mukha ng diyos na para bang tinatantiya ang suhestiyon ni Hermes. "Paano kung kaluluwa mo ang kailangan mong ialay kapalit ang kaluluwa ng mortal na 'yon, tatanggapin mo ba?" Blangko ang mukha ni Hades na nakapokus pa rin sa kaniya. Nanunuyo ang kaniyang lalamunan. Napalunok si Cythe ng laway. Masyadong mabigat ang hinihingi ng isang ito. Dinaig pa niya ang magpapatiwakal sa oras na tatanggapin niya ang alok ni Hades. "Hindi mo maaaring makuha ang kaluluwa ko," giit ni Cythe. "Isa pa rin akong imortal." "Tama ang diyosa na 'yan," sabat ni Hermes. "Hindi mo sakop ang mga kaluluwang nakatira sa Olympus." Nakahinga siya ng maluwag. Napakunot ng noo si Hades habang nagpalabas ito ng kapangyarihan sa mga palad nito at ibinagsak ang ilang bolang yare sa apoy sa ilog. Sumabog ito doon. Dala na rin siguro ng pagkadismaya. At saka siya nito muling nilingon. "Irerespeto ko ang iyong katapangan. Kaunti lang ang may kakayahang makaharap ako ng buo ang loob. Tatanggapin ko ang pagiging alipin mo, kapalit ang muling pagkabuhay ng mortal na 'yan. Magbalik ka sa akin pagkatapos ng iyong misyon. Isang libong taon ang kukunin ko sa 'yo. Manatili ka sa Underworld ng isang libong taon."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD