Sa bahay ni Jether, taong 2020
MABIGAT ANG LOOB ni Cythe sa naging desisyon ni Jether. Masyadong risky ang pag-reject sa Yuteria lalo na't 'yon ang unang utos sa kaniya ng kaniyang ama. Kung hindi ito sasama sa Yuteria upang magamot, mas lalo lamang lalala ang sitwasyon. Mas mabilis na kakalat ang sumpa. Mas mahihirapan siyang makaisip ng plano.
Nayayamot si Cythe. Nanggigil sa lalaking 'to. Nais niyang magdabog, pero mas pinili niyang maging mas kalmado pa.
Nakikita na niya at nakakasama pa ang isinumpang kaluluwa ni Prinsipe Aramis noon. Sapat na ito para kay Cythe sa ngayon.
"Galit ka na ayaw kong pumunta sa sinasabi mong Yuteria?" direktang tanong ni Jether sa kaniya. "Pagkatapos mong makagawa ng sumpa, sa tingin mo ba ay paniniwalaan kita?"
Alam niya 'yon. Hindi na nito kinakailangan pang ulit-ulitin. Tsk.
"Hindi ba ito ang naging bintana ng prinsipe noon unang makita niya ang labas ng palasyo?" paniniguro ni Jether. Itinuro-turo pa sa kaniyang direksiyon ang mahiwagang salamin. Nasa loob pa rin sila ng maluwag na kuwarto.
Ngayon pa lang sila nagkita ngunit hindi na inalintana ang bigat ng presensiya ni Jether sa kaniya. Sa simpleng titig pa lang, nalalaman na ni Cythe na hindi siya nito gusto. At wala yata itong balak na gawin siyang kaibigan.
Magkapareho nga sila ng mukha ng prinsipe noon, pero mabait at maalalahanin si Prinsipe Aramis, kumpara kay Jether.
Nagbuga siya ng hangin. Tumango si Cythe. "Tama ka. May kakayahan ngang ganiyan ang salamin na 'yan. Regalo ko kay Aramis."
Tumawa ito ng pagak saka siya muling tinitigan. "Regalo o pampalubag-loob? Bakit mo 'to binigay sa prinsipe? Dahil ba sa awa? O dahil nagi-guilty ka?"
Hindi siya makasagot. Parehong tama alinman ang kaniyang pipiliin sa nabanggit.
"Sa tingin mo ba ay maibsan ng sakit at pighati ng isang isinumpa kung gagamitin lang ang salamin na 'to?" Bumalik ang mga mata nitong nanlilisik na nakapokus sa kaniya. "Sa tingin mo ba, gano'n kababaw ang kasiyahan ng isang tao? Na pagkatapos mong isumpa ay bibigyan mo ng laruan para sumaya?"
Nanatiling tahimik pa rin si Cythe. Mahapdi ang sugat sa nakaraan. May kirot pa rin sa puso niya ang lahat.
"Sabihin mo sa akin, ano ba ang naging kasalanan ng ninuno ko sa 'yo upang parusahan mo nang husto? Dahil ba hindi siya marunong magmahal? Dahil ba marami siyang pinaglaruang mga puso? Sige! Sabihin mo sa 'kin!"
Humakbang si Jether papalapit sa kaniyang gawi. Napaatras naman si Cythe. Sa kakaatras niya, hindi niya namalayan ba nakalapat na pala ang kaniyang likod sa malapad na pader na pininturahan ng bughaw.
Madiin.
Nakakasakal ang mga titig nitong wala man lang kakurap-kurap. Napupuno ang mga mata Jether ng pagkadismaya. May galit. May punto. Hindi makahinga si Cythe nang inilapat nito ang kaliwang palad sa pader. Ang lapit ng katawan nito sa kaniya. Sa sobrang lapit ay halos madama ni Cythe ang hininga nito sa ilong. Naaamoy na niya ang pabango nitong hindi ganoon katapang. Napasinghap pa siya nang bumaba ang mga titig nito sa kaniyang mga labi na bahagyang nakabuka.
"Sabihin mo sa akin kung ano'ng kasalanan niya at bakit pati ako pinarusahan mo."
--
HINDI MAPIGILAN NI Jether ang kaniyang sarili. Hawak na niya ang babaeng naging dahilan ng lahat ng ito. Napupuno ang puso niya ng galit habang iniisip pa lang niya na isang linggo na lang ang taning niya bilang tao.
Hindi pa siya handang maging halimaw.
At mas lalong hindi siya magiging handa sa sumpang wala siyang kasalanan.
Sa sobrang lapit niya, doon lang niya napansin ang mga magaganda nitong mga mata na napupuno rin ng kalungkutan. Hindi ito ang inakala niyang babae. He's expecting of a heartless creature, but not this one. He can feel her beating heart, at mas lalo 'yong nagpakulo sa kaniyang dugo ng husto. Kung may puso ang nilalang na 'to, bakit naisumpa niya ang prinsipe?
"Tell me! Ano'ng kasalanan ng ninuno ko sa 'yo?" ulit pa niya. He pins her down on the wall. Malambot ang katawan nito laban sa kaniya. Pero imbes na saktan niya ang nilalang na siyang dahilan ng kaniyang pagdurusa, namalayan na lang niya ang kaniyang sarili na hinawakan niya ang baba nito upang mag-angat pa ng tingin. Para siyang nahihibang. Hindi niya maintindihan ang kaniyang sarili. He can't take his eyes off from her. Pakiwari niya'y nama-magnet siya sa nilalang na 'to. And he hates it.
He doesn't deserve this curse. Marami pa siyang pangarap sa buhay. Gusto pa niyang patunayan ang kaniyang sarili sa kanilang pamilya. Kung kailan ay nagsisimula na siyang magkaroon ng sariling pangalan, saka naman nagkaroon ng sunod-sunod na kamalasan.
"Bakit ayaw mong magsalita?"
Tipid itong ngumiti. "Kung magsasalita ba ako, pakikinggan mo ako? Paniniwalaan mo ba ako? Maiibsan ba ang sakit na mayroon ka? Mababawasan ba ang kasalanan ko?"
For a second, nahagip ni Jether ang namumuong likido sa gilid ng mga mata nito.
Ngunit nawala rin. Napatigil siya habang nilalanghap ang amoy-rosas nitong amoy. Hindi siya makapag-concentrate ng maayos. Sa sobrang ganda ng babaeng 'to, nahihirapan siyang magkunwaring halimaw.
"Hindi ka naman makikinig, 'di ba? Kaya para saan ang puntong 'to? I am giving you an option to live for longer period of time. Para magamot ka. Para makatulong sa sumpa na 'yan, but you denied it."
"I don't trust you," aniya pero nakatuon ang kaniyang atensiyon sa mga mapupula nitong mga labi. Parang gusto niyang lamutakin 'yon ng halik. Napupuno ang utak ng kuryosidad kung may tamis ba ang mga halik nito, na taliwas ng sa kaniya. Subalit nagpipigil si Jether. "Maganda ka lang pero bulok ang kalooban mo. Isa kang magandang plastik na madaling itapon pero mahirap tunawin. Mananatiling salot sa lipunan. Mananatiling kang basura sa mahabang panahon."
Itinulak niya ito sa pader bago humakbang si Jether paatras. His body is in heat, just by staring at her. A beast of him wants her to be his prey. At hindi niya iyon maunawaan. May bahagi sa kaniya na nais magwala at saktan ito, ngunit may bahagi rin na nais niyang kabigin ito sa kaniyang mga braso. What's wrong with him?
Napalingon si Jether sa gawi ng pintuan. This is getting bad and out of control. Kailangan niyang makahanap ng lunas sa sumpa. At kailangan din niyang makalayo sa presensiya ng isang 'to.
Naglakad siya papalabas ng kuwarto, leaving her and to keep himself cool.
Hawak-hawak pa rin ni Jether ang mahiwagang salamin. Hindi nga ito nakuha ng mga magnanakaw, pero natutunton pa rin ng mga ito ang kaniyang lungga. Kailangan niyang maghanda at lisananin ang bahay niya sa lalong madaling panahon.
This place is no longer safe.