"BOSS, BAD NEWS." Ito ang unang bungad ng tauhan ni Wreith. He's expecting more than just a f*****g bad news. Currently nasa kalagitnaan sila ng meeting ng magpipinsan.
Nasa harapan niya si Seith na badtrip na badtrip pa rin dahil sa eksena nila ni Cythe nitong umaga. Katabi nito si Ed na bago pa lang na pumasok sa issue ng kanilang pamilya. At tulala naman si Williard sa hindi kalayuan. Lahat sila ay nakaupo at napagitnaan ang isang pabilog na mesa. They talked about their curse. Ilang araw na lang, literal silang magiging bagay kasama ni Jether na tuluyan na ring magiging halimaw.
Sa ayaw nila at sa gusto, kailangan nilang tulungan ang isang 'yon upang matulungan din nila ang kani-kanilang mga sarili.
Nagtinginin silang apat sa bagong dating, si Jeffrey Masbad. Kaunti lang ang pinagkakatiwalaan nila Wreith at kasama na rito ang purong Pinoy na 'to, na mahigit sampung taon silang pinagsisilbihan.
"Masyado ng madaming bad news, nadagdagan pa," pagrereklamo ni Seith kay Jeff habang nakapakamot na sa ulo. "Tang-ina. Sunod-sunod na 'to. Isa ba sa inyo may balat sa p***t?"
Napabuntong-hininga naman si Ed na wari'y natutuliro sabay napanguso. "Hindi pa ba sapat na bad news na magiging bagay tayo soon? Come on, man! I still have more stuffs to do. Masyado pa akong bata, mga Kuya! Gusto ko pang magka-girlfriend!"
"f*****g bad news," ani Williard. "May kailangan pa akong asikasuhin. Nawawala si Xinderia."
"Hindi siya nawawala, Will. Nasa Yuteria siya," kalmadong sagot ni Wreith.
"Yuteria. Yuteria. Yuteria." Seryoso ang mga titig ni Will kay Wreith. "That world is just a merely fiction. Masyado ka nang nahihibang Wreith sa mga ganitong haka-haka. I need to find my woman as soon as possible!"
"Malaki na ang dagok sa pamilya natin, babae pa rin Williard? Cut that s**t out of you! Unahin mo ang mga dapat unahin."
"Ikaw naman ang boss sa atin, why not ikaw na lang muna ang maghanap ng solusyon? After that, tell us. At saka ako gagalaw. Palibhasa kasi hindi ka pa nagmamahal kaya 'di mo ko maiintindihan."
Hindi na lang pumalag si Wreith. Mahirap makipagdiskusiyon sa mga taong sarado ang utak. Ano kaya ang pinakain ng Xinderia na 'yon sa pinsan niya at nagkakaganito ito ngayon?
At isa pa, walang kuwenta ang pagmamahal na 'yan kung ito man ang magdadala ng dagok sa huli.
"Pagsalitain niyo muna si Jeff," ani Wreith. Kanina pa ito nakapasok sa silid pero hindi magawang makapag-umpisa dahil magulo silang kausap. "Ano'ng bad news ba 'yan?"
Hinuha niya ay masyado itong importante. Kilala niya si Jeff. Hindi ito basta-basta papasok rito ng wala lang.
Nagpalipat-lipat muna ang tingin ni Jeff sa kanilang apat hanggang tumigil ito sa kaniyang gawi. Nagdadalawang-isip man pero sinimulan na ring ibinuka ang bibig nito.
"Nakapasok namin ang isa sa mga mansiyon ni Jether pero wala kaming makita na kahit ano. Hinalughog na namin ang buong bahay pero wala talaga."
"At sino naman ang nag-utos sa inyo na halughugin ang teritoryo ni Jether?" seryosong usal ni Wreith. Dahil sa nadinig, pakiramdan niya ay mabilis na uminit ang kaniyang ulo. "Hindi niyo ba alam kung ano ang ginawa niyo?!" umalingawngaw ang pagtaas ng boses nito na siyang ikinabigla ng lahat, sabay mabigat ang paghampas ng kaniyang kamay sa mesa.
Pansin ni Wreith ang pangangatog ng mga tuhod ng bagong dating. Batid niyang nabigla rin ito sa kaniyang inasal, ngunit wala siyang pakialam do'n. Maya-maya pa'y mabilis siyang naglakad papalapit sa puwesto ni Jeff na nanlilisik ang mga mata. Ang pinakaayaw niya ay ang may manguna sa kaniyang desisyon ng patalikod, at kapag may papalpak ay siya ang maglilinis.
Kagaya ngayon . . .
"Sino?!" ulit pa niya habang hinawakan na niya ang kwelyo ng suot-suot nitong itim na polo. "Sino ang walang utak na nag-utos sa 'yo?!"
"Ako," pag-amin ni Seith na nakasimangot. "Kahit hawak pa natin sa ating mga kamay si Cythe kung hindi natin hawak si Jether, mawawalan ng silbi ang lahat. Iyon ba ang walang utak sa 'yo?"
Kalmado lang si Seith pero kanina pa kumukulo ang dugo Wreith. Binitiwan niya si Jeffrey. Matalas pa rin ang kaniyang mga mata na nakatitig sa pinsan niyang natanga. "You don't know what you have done? Are you a f*****g idiot, Seith? That bastard will get away again! At kapag makaalis na naman 'yon, mahihirapan na naman tayong ma-trace ang pinagtataguan no'n. Is this what you f*****g want?"
"Hindi siya tatakas. Kailangan niya tayo." Siguradong-sigurado ang boses ni Seith na siyang ikinayamot naman niya ng husto.
"Hindi niya tayo kailangan. He only needs her." Si Cythe ang tinutukoy ni Wreith.
"We already have her," ani Seith.
Habang nagtatalo ang magpipinsan at nakayuko pa rin si Jeffrey. Napatingin maman sila sa gawi nito nang sumabat. "Mga Sir, may isa pang bad news."
"f**k!" singhal ni Williard. "Ano na naman 'yan?"
Naghintay sila Wreith sa sasabihin ng kanilang tauhan. Napalunok pa ito ng laway bago muling ibinuka ang bibig. "Kasama na niya ang babae. Nakuha ni Jether sa pamamahay nito. Kakapasok pa lang ng report na nakita silang magkasama sa labas ng CCTV sa may bahay no'ng babae."
"At hindi natin alam kung nasaan ngayon si Jether." Makahulugan ang tingin ni Wreith sa pinsan niyang si Seith. Gustong-gusto niyang magtimpi pero pinagtataksilan siya ng sarili niyang mga mata. "So you're saying that we don't have both of them?"
Nananahimik ang tatlo. Kilala si Wreith ng mga ito. Dinaig pa niya ang bulkan kung sasabog. At sa mga oras na ito, may karapatan siyang magwala. May karapatan siyang magalit.
Napansin niyang may pinindot si Jeffrey sa remote control na nakalapag sa mesa at nagsimulang lumabas ang isang video na kuha ng hidden camera sa loob ng sala ni Cythe. Masyado silang naging kampante. Akala niya ay nahulog na sa bitag ang babaeng 'yon. Hindi nila naisip na gagalaw din pala si Jether laban kay Cythe.
"Bago ka magalit sa akin, sermunan mo ang sarili mo. Isa ka ring tanga at walang utak!" singhal ni Seith sa kaniya, na hindi niya nagustuhan.
"Ano na gagawin natin ngayon?" tarantantang tanong ni Ed. "Jether is gone, pati si Cythe. Are we going to die?"