Pagkahatid sa akin ni Nathan, nagpaalam na rin sya pero yung paalam na naga-alangan. Para ngang ayaw pang umalis ni loko, pero nag-bell na ulit kaya napilitan syang umalis. Haha. Nakakapanibago. Dati naman kung maka-panget sya sakin, ganun ganun na lang. At mukha pa daw akong lalaki ha? Pero ngayon, tingnan mo naman. Nakuha pa akong ayain sa party which happens to be tomorrow night. At pumayag naman akong sumama. Well, sana lang mag-enjoy ako. Sana lang talaga. Papasok na ako ng room ko nang marinig ko ang mala-megaphone na boses ni bhez. Pagtingin ko, tumatakbo sya at halata ang sobrang kaligayahan. "BHEZ!! HAHAHA!" Luh?! Nabaliw na. "Hinaan mo nga yang boses mo bhez. May mga nagka-klase na sa ibang room oh." sabi ko. Wala pa naman yung teacher ko sa next class so everythi