"Oy bhez! Dito!" tawag sakin ni bhez nang mamataan nya ako sa canteen. Agad akong pumunta sa gawi nya tapos tiningnan si Alex. "Alex, pwede tabi muna kami ni bhez? Saglit lang." sabi ko. Tumango naman sya saka tumabi kay Nathan. "Problema?" tanong ni bhez. Idinikit ko yung bibig ko sa tenga nya saka bumulong. "Nakikipagkita sakin si sir mamayang 5." Pagkatapos ko syang bulungan, tiningnan ko sya. Ilang segundo din syang walang reaksyon tapos nung na-realize yung sinabi ko, biglang nanlaki yung mga mata nya saka hinatak ako patayo. "Oh babe, san kayo pupunta?" tanong ni Alex, nabigla ata sa biglang tayo namin ni bhez. "Wait lang babe ha? Wait lang." sabi nya sa boyfriend nya sabay hatak sakin papunta dun sa labas ng canteen. Nung nandun na kami... "HOLY s**t BHEZ!!!" biglang ou