Chapter 9

1983 Words
The next day, I was awaken by a continuous tap on my shoulder. "Bhez? Uy bhez?" someone consistently called me. "Uhmmm... ano baaaa? Aga aga pa e." ungot ko saka naghikab then nagtalukbong ulit. Antok na antok pa ako. Madaling araw na ako nakatulog sa kakaiyak. Hay. Por dios, aba e gusto ko naman munang magpahinga. I heard the person sighed then moments of silence passed. So I guess the person left or just got tired bothering me. I was just about to get back to sleep dahil ang sakit sakit ng ulo ko. Gusto ko pa talagang matulog at baka sakaling mapunta pa ko sa wonderland pag nanaginip ako, when suddenly... "Ahhhhh!" *BLAG!* Bigla akong napatili. Pano? I just got knocked out lang naman as THAT inconsiderate person carelessly pushed me out of the bed. As in literal na tulak! Tungunu. Sino ba kasi to?! Agad akong tumayo para lang makita ang bestfriend ko na prenteng naka-indian sit sa kama KO at nakataas ang isang kilay sakin. "Ano ba naman bhez?! Bat ka ba nanunulak??" iritado kong tanong saka sinubukang bumalik sa kama pero iniharang nya yung sarili nya. "Tantanan mo na yang pagi-sleeping beauty mo at wala namang darating na prince charming." Aray. Napaka-prangka talaga nitong babaeng to. Edi sya na! Sya na may boyfriend! "Problema mo ba? Aga aga pa e para kang si Gabriella Silang. Sugod ka ng sugod." sabi ko saka umupo na lang sa gilid ng kama. Buti naman kahit pag-upo lang sa kama KO e pinayagan nya ko. Kung hindi, naku maihahagis ko na talaga sya palabas ng bintana. "Wala lang. Kinukumusta ko lang kung ano na bang lagay mo. Feeling mo naman kasi hindi ko napapansin yang sobrang pagkatamlay mo noh." sabi nya. Napabuntong-hininga naman ako saka isinandal yung katawan ko sa headboard ng kama. "Wala lang to bhez." mahina pero may lakip na lungkot yung boses ko. I couldn't help it e. Nakakapagod na." "Tss. Wala daw e halatang-halata ka nga. Alam mo, kung sa ibang tao, o kahit sa mommy mo pa yan, e nagagawa mong magtago. Ibahin mo 'ko. Para na kaya kitang kapatid." sabi nya. Na-touch naman ako sa sinabi ni bhez. Sabagay, mula nga nung elementary pa lang kami, kami na talaga yung magkasama. Hanggang ngayon. Kaya para na talagang magkadugtong yung mga bituka namin. Isa na namang malalim na buntong-hinga yung lumabas mula sa bibig ko. "Ewan ko nga ba bhez." sabi ko na lang. "Ha? Anong ewan mo nga ba?" "Hindi ko alam kung bakit ako nagkakaganito, e hindi naman ako dapat magkaganito." Nangunot yung noo ni bhez. "Ha? Ano bang pinagsasasabi mo bhez? Di kita maintindihan ok? Paliwanag mo nga." Umayos ako ng upo saka nag-indian sit din habang nakasandal yung likod ko sa headboard. "Sabihin na lang natin na... I fell for the wrong guy." Sa sinabi ko, para naman nyang naintindihan yung ibig kong sabihin. "Ahh. Ok. Gets ko na. It's sir, isn't it?" tamang hula nya. Tumango ako, bagsak ang balikat saka pinaglaruan ang mga daliri ko. I know where this conversation is going. Should I tell my bestfriend about what happened? "I thought so. Pero ang balita ko naman bhez, temporary leave lang yun. Babalik naman din sya kaya wag ka na ma-sad dyan." sabi nya saka pinisil yung braso ko. Napailing ako. "Hindi mo naiintindihan bhez. Hindi lang naman dahil dun e." sabi ko. Hindi na nakapagpigil na magvent ng nararamdaman. "O-kay. So ano pa nga? Pano naman kita matutulungan at maiintindihan nyan bhez kung hindi mo naman sakin sasabihin ng buo." Napakamot ako sa batok. Sobrang hindi na ako komportable sa usapan. Alam ko naman na mapagkakatiwalaan si bhez, pero sobrang nakakahiya kaya tapos alam kong mahirap i-absorb sa part nya kung sakali mang sasabihin ko. So I guess... it's not yet the right time to say this to anyone. "Bhez..." sabi ko saka agad na yumakap sa kanya. Medyo nagulat sya pero niyakap na din ako. "Ano?" sagot nya. "Favor naman bhez?" sabi ko. "Ano naman ba yon?" "Eh mag-promise ka muna na gagawin mo." pilit ko sa kanya. "Ano?! E pano kung ayaw kong gawin yang favor mo?" naiirita nyang sabi saka pilit akong inaalis sa pagkakayakap sa kanya. Mas lalo ko namang hinigpitan yung yakap ko sa kanya. "Ehhhh--- bhez naman eh! Sige naman na please?" "Hay nako naman bhez. Minsan nakakainis yang pagka-demanding mo ah." sabi nya. Medyo natawa naman ako. "So ano, payag ka na ha?" Napa-tsk si bhez, "fine. Ano ba yon?" Medyo inalog ko sya. "Ehh bhez, mag-promise ka muna." "Ugh! Ba yan! Okay fine. Promise." Nag-giggle ako. "Okay. So hindi mo na muna ako pipiliting sabihin sayo yung problema ko and that you will let me voluntarily tell you when time comes that I already want to." Agad nya akong naitulak. "Aray!" "What the hell bhez! Ang unfair mo naman. Bat ba dumadrama ka ng ganyan ha? Bat kailangan mo pa akong pag-promise-in para hindi ka kulitin? Bestfriend pa man din kita tapos--ummmp" Sa dami ng sinabi ni bhez, tinakpan ko na lang agad yung bibig nya. "Bhez, please understand me naman. I have my reasons. sasabihin ko din naman sayo pero hindi nga lang ngayon. Pero promise sasabihin ko talaga." sabi ko sa kanya na nag-raise pa ng hand. "I have my reasons ka pang nalalaman. Ewan ko sayo!" tampururot nya. I pouted. "E bhez naman... uhm, okay. Bawi na lang ako sayo gusto mo? Wag ka na lang magtampo." Napatingin sya sakin saka tinaasan ako ng kilay. "Anong klaseng bribe naman ba yan aber?" Napa-bounce ako sa tuwa. "Okay okay. I was thinking about buying you one whole cake of brazo de mercedes plus sagot ko na din coffee mo sa starbucks. So what do you think?" sabi ko sa kanya. Medyo nag-contemplate pa sya kunwari pero knowing bhez, bibigay din yan. Guilty pleasure kaya nya yung cake na yon. Kahit ano pang cake ipakain mo sa kanya, brazo will always be her fa-vo-rite. "Okay. Fine. Tara na at baka magbago pa isip ko." sabi nya na kala mo walang gana, pero if I know, gustong-gusto na nyang magtatakbo papuntang mall. Hahaha. Natatawa ko namang kinuha yung towel ko. "Sige bhez, ligo lang ako ha? Baka kasi magbago pa isip mo, kakahiya naman sayo." sabi ko habang nakangisi. Nakita ko naman syang agad dinampot yung tsinelas ko at akmang ibabato sakin kaya nagtatakbo akong pumasok ng CR habang tawa pa din ng tawa. When the door closed, I silently thanked God for giving me my bestfriend. Na kahit sobrang nada-down na yung pakiramdam ko. Nagagawa pa din nya akong patawanin. Pano na lang kaya ako kung wala sya diba? Edi naluka na lang ako. I shook my head then went on to taking my shower. Pagdating namin sa mall, agad na akong hinatak ni bhez papunta sa red ribbon. Sinadya pa talaga namin yung cake nya don kasi dun nya lang nasasarapan yung brazo, pag sa iba hindi daw masarap. Either masyado daw matamis. Hindi masarap yung pinaka-outer layer na pinaka-tinapay. O hindi fine yung pagkakagawa ng leche flan. Sabi pa nga nya minsan... "Bhez, kapag brazo de mercedes, kailangan it melts in your mouth! THIS one. It DOESN'T melt in my mouth!" naiinis nyang sabi saka disappointed na hindi inubos yung cake nya saka hinatak ako paalis sa cake shop na yon. Yeah. That's how picky she is when it comes to cakes. Especially that particular cake. Anyways, we were just about to go to Starbucks na. Magka-cross pa yung arms namin ni bhez. And somehow, I feel kind of okay na din. Papasok na sana kami nang may mamataan ako na sobrang hindi ko inaasahan. I was frozen from where I was standing. I tried to even look harder, umaasa na baka naman namamalik-mata lang ako. Na baka masyado lang akong nagi-imagine ng kung ano ano. But... no. He was there. Smiling to that girl. That same girl I saw in his f*******: account. s**t. Saklap lang. Mas masakit pala kapag harapan mo nang nakikita. Masakit na maipamukha sayo na talagang araw-araw silang magkasama. At ikaw? Wala kang halaga. "Bhez, diba... si sir yon?" tanong ni bhez na alam ko, nakaramdam na din. Hindi ako nakasagot, bagkus para pa akong tanga na ngumiti sa kanya. Pero yung ngiti na maya-maya, iiyak na. "Uhm b-bhez? P-pwede ba next time na lang kita i-treat? Para kasing--" "Actually bhez..." pigil nya sa kung ano pa man yung sasabihin ko saka nya ako tuloy-tuloy na hinatak palayo sa shop na yon "actually parang wala na nga akong gana mag-kape e. Lantakan na lang natin tong cake ko sa bahay nyo, dun na din ako matutulog ha? Pero bago tayo umuwi, may bibilin muna tayo." sabi nya tapos inakay na ulit ako. Pagkarating namin sa bahay, tuloy-tuloy na kami ni bhez sa kwarto ko. Kinailangan pa naming tumakbo dahil mugto na naman ang mga mata ko. Mula mall pa lang kasi, nung pagkaalis namin sa starbucks tapos dumiretso kami sa grocery, nagsimula na akong umiyak. Nataranta naman si bhez kaya nagmadali na syang bumili ng ice cream. Pag-uwi naman, nag-taxi na lang kami dahil ayaw daw nyang mag-jeep kami na ganun ang itsura ko. Pagkapasok namin sa kwarto ko, agad akong iniupo ni bhez sa kama saka nilapag nya sa study table ko yung supot ng ice cream pati yung cake nya. "Dyan ka lang ah? Kukuha lang ako ng plate saka kutsara." sabi nya saka nagtatakbo na pababa. Nanghihina na lang akong napahiga sa kama. Napapagod na talaga ako. Bakit ganun? Ni hindi pa nga ako nagsisimulang lumigaya, puro pasakit na agad. Ganito na lang ba talaga? Bumukas naman yung kwarto saka pumasok si bhez at ni-lock yung pinto. Inayos nya yung mga dala nya saka sabay na kaming kumain. Akin yung ice cream. Kanya naman yung cake. At habang kumakain kami, nakatingin lang sa akin si bhez. After ilang minuto, para naman syang may naisip saka binuksan yung iPad mini nya. Then ilang sandali pa, napabuntong-hininga sya. "Ngayon alam ko na." sabi nya saka sinara yung iPad nya. "eh bhez baka naman kaibigan lang ni sir yun?" Umiling ako. "I don't think so bhez. Ganun ka-sweet, kaibigan lang? Ano ba naman yon? Saka bat kailangan nyang mag-leave? Para ano? Para makipag-date?! E hanep pala, pag nagkatrabaho ako, magli-leave ako para lang makipag-date sa boyfriend ko!" sabi ko na nasa verge of tears na naman. Tae, pagod na pagod na akong umiyak dahil sa kanya. "E bhez..." simula ni bhez na parang nag-aalangan pa kung sasabihin ba sakin yung nasa isip nya o hindi. "Ano yun?" tanong ko. "sige na bhez, sabihin mo na. Masakit na rin naman e. Edi dagdagan pa para masaya diba?" sabi ko sabay subo ng ice cream. Napabuntong-hininga si bhez saka nagsalita. "Bhez, once again. I think... I think you're over-reacting? Uhm, I mean, hindi naman kayo so kahit may girlfriend sya... wala ka namang karapatang... you know. Wala ka namang karapatang magalit." sabi nya sa pagitan ng pag-aalangan sabay subo ng cake. Tagos. Sobrang straight-forward pero makatotohanang komento ni bhez. Tama naman sya e. Wala naman talaga akong karapatan para magalit. Ako lang naman tong nagpapaka-gaga. Nagpapaka-tanga. At nagfi-feeling na baka naman pagkatapos ng araw na yon, may magandang mangyari. Pero mali pala ako. Sobrang nagkamali ako sa lahat ng inisip ko. Pagkatapos ng gabing yon. Pinilit ko nang magbago. Na parang sa isang iglap, ginawa ko ang lahat para bumalik sa dating ako. Yung ako bago pa nangyari yung bagay na yon. Kaya nang dumating ang araw ng Lunes, puro pag-aaral na lang yung inatupag ko. Dating gawi na rin tuwing recess, lagi na ulit akong sumasabay kay bhez pero ang kaibahan? Lagi nang sumasabay si Alex pati yung asungot nyang bestfriend na si Nathan. As usual, puro bangayan ang ginagawa namin. But for the first time, nun ko lang na-appreciate na lagi kaming nag-aaway ni Nathan. Na dahil sa away na yon, nada-divert yung atensyon ko sa ibang bagay. And to think na na-realize kong gwapo din pala sya ha? Pero hindi ko aaminin sa kanya yon. Never! Thursday nang ma-late ako sa klase ni sir Campos, ang sub teacher ni 'sir' Mendoza. Nagtatakbo ako papunta sa tapat ng room saka nagmadaling buksan ang pinto. "Good morning sir---oh God!" babati pa lang sana ako kay sir Campos nang magkalaglagan ang mga aklat na hawak ko sa sobrang pagkabigla. Suddenly, I felt like running away. But my knees felt so numb. He's back. Mr. Mendoza is back. And he's about to walk towards me. What the hell should I do? ...to be continued
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD