Chapter 3 - Tricia POV

1293 Words
Simula ng mawala ang mga magulang ko si Raven na ang nandyan sa tabi ko, hindi n’ya ako iniwan ng mga panahon na walang-wala ako. Alam ko simula pa lang wala akong karapatan sa kanya noon pero minahal ko na s’ya at alam kong minahal n’ya rin ako. Hindi ko s’ya kayang mawala kaya kahit na ganito ang ginagawa n’ya sa akin, iniintindi ko na lang dahil alam kong dadating din ang panahon na magbabago s’ya at babalik sa dati dahil alam kong mahal n’ya ako. Oo, martyr na kung martyr pero mahal ko ang asawa ko at hanggang kaya ko ay mananatili ako sa tabi n’ya, hanggang sa akin pa rin s’ya umuuwi hindi ako susuko sa relasyon naming dalawa. Nakakatawang isipin na nagagawa kong pagtakpan lahat nang ito sa mga kabigan ko kahit na nasasaktan na ako. Parang kanila lang pinag-uusapan namin ni Keith na sana wala ng sumunod sa pinagdaanan ni Sabina pero sa totoo lang mas matagal na akong nasasaktan kesa kay Sabina. Ayoko ikumpara ang sarili ko sa kaibigan ko at ayoko rin na kaawaan nila ako dahil alam kong madami rin silang problema kaya hanggang kaya ko magtitiis ako na walang nakakaalam ng sitwasyon namin ng asawa ko. Sa mata ng lahat masaya kaming dalawa pero hindi nila alam lahat ng sakit at problema na meroon sa relasyon namin ni Raven. “Hindi ka pa ba tatayo d’yan?!” sigaw na tanong ni Raven sa akin ng lumabas s’ya ng kwarto namin. “Saan ka pupunta?” tanong ko sa kanya at dahan-dahang tumayo. “Wala ka na do’n kung saan man ako pupunta, kung maari nga hindi na ako bumalik pa sa bahay na ‘to dahil basura lang naman ang meron dito,” galit na sabi n’ya sa akin. “Raven hanggang kelan ba tayo ganito?” tanong ko sa kanya. Ngayon ko lang ako nagkaroon ng lakas ng loob na kausapin s’ya sa sitwasyon namin. Ang tagal ko ng nagtitiis, hindi lang araw o linggo ang tinitiis ko kung hindi ilang taon na simula ng mangyari ang insidente na ‘yon na s’yang sumira ng masaya naming pagsasama. “Hanggang hindi ko nakikita ang paghihirap mo! Hanggang hindi ka nagdudusa sa ginawa mo!” mariing sabi n’ya sa akin. “Anong paghihirap pa ba ang gusto mong iparasan sa akin Raven? Hindi ka pa ba napapagod sa sitwasyon natin na ‘to?” tanong ko sa kanya dahil sa totoo lang ay nahihirapan na ako. “Madami pa kaya kung ako sa’yo ikaw na mismo ang bimitaw sa kasal na ‘to bago pa lumala ang lahat,” sabi n’ya sa akin at tinalikuran na ako saka umalis. D’yan naman s’ya magaling ang umalis ng hindi pa natatapos ang pinag-uusapan. Tatalikuran na lang n’ya ako ng hindi man lang ako nakakapagpaliwanag sa kanya. Sarado ang isipan n’ya sa lahat ng paliwanag ko kaya hanggang ngayon hindi namin maayos ang relasyon namin na ‘to. Huminga ako ng malalim saka pinunasan ang luhang patuloy na tumutulo mula sa mata ko. Gustohin ko mang pumasok sa loob ng kwarto naming dalawa pero hindi ko magawa ngayon. Dumiretso ako sa guest room kung saan nandon lahat halos ng gamit ko at doon ako umiyak ng umiyak sa kama habang sapu-sapo ko ang puson ko. Gusto kong ayusin ang relasyon naming dalawa at hanggang kaya ko gagawin ko dahil hindi lang naman ako ang mag-isang lumalaban dito. Desisyon kong mahalin s’ya at ipaglaban ang relasyon namin kaya kahit na impyerno ang nararanasan ko sa piling n’ya, hindi ako susuko hanggang sa bumalik s’ya sa dati. Hindi ko alam kung ilang oras na akong nagkukulong sa loob ng kwartong ‘to, nakatulog na nga ako kakaiyak at kung hindi lang pumasok si manang para dalhan ako ng pagkain ay hindi ako magigising. Pagod na pagod ako pero kailangan kong lumaban para maisalba ‘tong relasyon naming dalawa. Ang relasyon namin na konti na lang ay bibigay na. “Kumain ka na ija para magkaroon ka naman ng lakas,” sabi ni manang sa akin. “Salamat po dahil nand’yan kayo para sa akin,” sabi ko sa kanya. Si manang ang naging sandalan ko sa lahat ng pinagdadaanan ko ngayon at nagpapasalamat ako dahil hindi n’ya ako iniiwan. Wala naman kasi sa akin ang pisikal na pananakit ni Raven dahil mas masakit ung mga sinasabi n’ya at ipinapakita n’ya. Umupo si manang sa gilid ng kama at hinawakan ang kamay ko, “Mahalin mo naman Tricia ang sarili mo,” sabi n’ya sa akin. Saksi si manang sa pinagdadaanan ko at s’ya lang ang nag-iisang taong nakakaalam ng problema namin ni Raven. Lubos akong nagpapasalamat sa kanya dahil hindi n’ya ako pinapabayaan, nandyan s’ya para alalayan ako. “Mahal ko naman po ang sarili ko,” sabi ko sa kanya pero umiling s’ya. “Kung mahal mo ang sarili mo, iwanan mo na ang asawa mo” sabi n’ya sa akin pero umiling ako. “Manang alam n’yo naman na hindi pwede saka kilala n’yo naman po si Raven, ganon lang po talaga ‘yon. Magiging maayos din po ang lahat,” sabi ko sa kanya at pilit na ngumiti. “Kung hindi lang talaga magkakagulo at kung hindi dahil sa pakiusap mo matagal ko ng isinumbong ‘yang asawa mo sa mga magulang n’ya,” sabi ni manang sa akin. “Manang ‘wag n’yo na pong pansinin si Raven,” sabi ko sa kanya. “Ipinadala ako rito ng mga magulang n’ya para bantayan at tumulong sa inyong dalawa pero sa ginagawa ko na ‘to wala akong silbi dahil parang hinahayaan ko lang ‘yang asawa mo sa kagaguhan n’ya sa’yo,” sabi n’ya sa akin. Alam kong matagal ng nagtitimpi si manang na magsalita tungkol sa sitwasyon namin pero dahil sa kagustuhan ko ay hindi n’ya magawa. Problema namin ni Raven ‘to at wala dapat ibang madamay. Ayokong may mga taong madadamay sa problema namin dahil kami naman ang gumawa ng problema na ‘to kaya hanggang maari ay wala dapat makaalam ng sitwasyon namin. Simula noong ipadala ng mga magulang ni Raven si manang dito para may makasama ako ay noon na rin nalaman ni manang ang sitwasyon naming mag asawa. Ayokong lumabas kung ano man ang nangyayari sa loob ng bahay na ‘to dahil magkakagulo lang. I’m protecting this marriage and I want to fix it. Kapag nalaman nila ang problema namin ni Raven, lalo lang s’yang magagalit sa akin at masisira ang relasyon naming dalawa. Lalayo lang ang loob n’ya sa akin at ayokong mangyari ‘yon. Ayokong magkaroon pa s’ya ng dahilan para tuluyan n’ya akong hiwalayan at mawala s’ya sa akin. “Salamat po talaga manang,” sabi ko sa kanya. Napabuntong-hininga s’ya at hinaplos ang buhok ko, “Sa baba muna ako para asikasuhin ang iba pang kalat doon, kapag may kailangan ka tawagin mo ako” sabi n’ya sa akin kaya tumango ako sa kanya. Alam ko naman na hindi ako iiwan ni manang saka wala naman si Raven, hindi naman uuwi ‘yon panigurado. Nang tuluyan ng makalabas si manang dito sa kwarto ay napasandal na lang ako sa headboard ng kama at huminga ng malalim. Gabi na at sa palagay ko ay wala pa rin si Raven simula ng umalis s’ya kanina. Mamayang madaling araw na naman ang uwi n’ya o di kaya ay hindi na naman s’ya uuwi dito. Dumidiretso na s’ya sa kompanya para magtrabaho at uuwi dito ng lasing pagkatapos kaya hindi namin napag-uusapan kung ano ba ung problema dahil palagi s’yang wala at kapag nandyan naman s’ya hindi s’ya makausap ng matino, kung hindi kasi lasing may kasama naman ibang babae. Hindi ko na alam minsan kung saan ako lulugar.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD