Chapter 2 - Tricia POV

1106 Words
Hindi ko alam kung tama bang umuwi pa ako dito sa bahay namin kung ganito lang din naman ang aabutan ko. Kanina lang ay malinis ang bahay pero ngayon para ng dinaanan ng bagyo sa sobrang gulo at nagkalat ang mga gamit sa sala. Gustohin ko man na umalis na lang at talikuran ang naabutan ko na ‘to pero wala naman na akong magagawa. Pinili ko ‘to kaya dapat tanggapin ko dahil wala naman akong magagawa kung magrereklamo lang ako. “Tricia,” tawag sa akin ni manang ng makita n’ya ako. Halata sa boses ni manang ang pag-aalala n’ya sa akin dahil sa inabutan ko ngayon pero hindi naman na bago sa akin ang mga pangyayari na ‘to. “Linisin na lang po natin manang,” sabi ko sa kanya at nag-iwas na ng tingin. Sinimulan ko ng pulutin ang mga nagkalat na gamit pati na rin damit dito sa living area. Wala na rin nagawa si manang kahit na alam kong nag-aalala s’ya para sa akin ay tinulungan na n’ya lang akong ayusin ang kalat dito sa bahay. Habang nililinis ko ang mga kalat ay pinipigilan ko ang luha ko na tumulo mula sa mga mata ko. Ayokong umiyak sa araw na ‘to pero hindi ko alam kung paano ko pipigilan ‘tong emosyon ko. “Tricia ako na lang ang bahala rito at ako na lang din ang magpapaliwanag sa kanya kung nasaan ka kaya bumalik ka na lang muna sa kaibigan mo,” sabi ni manang sa akin. Umiling ako kay manang at hinarap s’ya, “Manang okay lang po ako saka hindi naman s’ya maniniwala sa inyo at ayokong madamay pa kayo rito,” sabi ko sa kanya. Nang matapos kami ni manang sa paglilinis ay nagtungo na ako sa hagdan para umakyat pero pinigilan ako ni manang. Mahigpit n’yang hinawakan ang kamay kaya tiningnan ko s’ya at pilit na ngumiti. “Manang okay lang po talaga ako,” sabi ko sa kanya. “Dapat hindi na lang kita tinawagan,” sabi n’ya sa akin at halata sa mukha n’ya ang pagsisi sa ginawa n’ya. “Okay lang po ‘yon manang, hindi naman na ito ang unang beses at alam n’yo ‘yan.” Sabi ko sa kanya at nailing na lang s’ya. Nandito na ako at wala ng mababago pa kahit na umalis ako ngayon. Hindi naman mababago ng pag-iwas ko ngayon ang sitwasyon ko. Ito ang buhay na pinili ko kaya dapat panindigan ko ‘to. Pinakawalan na n’ya ang kamay ko at tuluyan na akong umakyat sa taas para pumasok sa kwarto namin. Hindi pa ako nakakahakbang palapit sa kwarto namin ay naririnig ko na ang ingay na nagmumula sa loob kaya mahigpit akong napahawak sa hawakan ng hagdan namin. Hindi ko alam kung anong meron sa sarili ko na kesa umatras ako nagpatuloy pa rin ako sa pag-akyat hanggang sa makarating ako sa harap ng kwarto namin kung saan nagmumula ang mga ingay na sana ay isang guni-guni lamang. Huminga ako ng malalim at kumatok sa pinto pero hindi pa rin natigil ang ingay na nagmumula sa loob kaya naman napapikit na lang ako at ako na mismo ang humawak sa doorknob at pinihit ito para buksan. Natigilan sila sa kung anong ginagawa nila sa loob ng mabuksan ko ang pinto. Gustohin ko man na sumugod at magwala ay hindi ko magawa dahil lalo lang akong masasaktan. “What the hell!” galit na sabi n’ya ng makita ako. Umalis s’ya sa ibabaw ng babae at tiningnan ako ng masama saka nagsuot ng boxer n’ya. Napapikit na lang ako at nag-iwas ng tingin sa kanila. Hinahabol ko ang hininga ko dahil sa sakit at galit na nararamdaman ko pero hindi ko s’ya magawang sumbatan dahil kasalanan ko naman ang lahat. “Lower your voice please, nakakahiya naman kay manang.” Walang emosyon na sabi ko sa kanilang dalawa. “Who is she?” tanong ng babae sa kanya saka muling tumingin sa akin. “Nothing,” sagot n’ya dito at tumayo para lapitan ako. Hindi ako umalis sa kinatatayuan ko at sinalubong ko ang masama n’yang tingin sa akin hanggang sa mahigpit n’yang hinawakan ang braso ko kaya nasaktan ako. “Masakit Raven!” daing ko sa kanya. “Masasaktan ka talaga sa kapag nakielam ka pa!” galit na sabi n’ya sa akin at itinulak ako. Muntik na akong tumama sa gilid ng lamesa dahil sa ginawa n’ya, mabuti na lang at naibalanse ko agad ang katawan ko dahil kung hindi baka dumadaing na ako sa sakit ngayon. “Raven sino ba kasi ‘yang babae na ‘yan?” tanong naman ng haliparot na babae sa asawa ko. Tiningnan ko si Raven at nakatingin din s’ya sa akin, “Katulong ko,” sagot n’ya sa babaeng kasama n’ya ng hindi inaalis ang tingin sa akin. Katulong na lang ako sa paningin n’ya ngayon pagkatapos ng pinagdaanan naming dalawa. Ang bilis magbago ng lahat dahil lang sa isang pangyayari na wala naman may gusto. Ganito ata talaga kapag awa lang ung naging dahilan kung bakit ko s’ya nakuha. Ipinalupot ng babae n’ya ang kamay nito sa leeg n’ya habang nakatingin sa akin pero bigla ‘yon inalis ni Raven. “Wala na ako sa mood, umalis ka na!” sabi ni Raven dito saka pumasok sa loob ng banyo kaya naman sumama ang timpla ng mukha ng babae at tiningnan na rin ako ng masama ng makaalis si Raven. “Kasalanan mo ‘to!” naiinis na sabi n’ya sa akin at itinulak ako kaya tumama ang likod ko sa pader. Mabilis ko naman niyakap ang tyan ko dahil sa ginawa n’ya na ‘yon. Ang sakit ng likod dahil sa ginawa n’ya at umaasa ako na lalapitan ako ni Raven para tingnan man lang ako pero wala akong aasahan sa kanya dahil wala na s’ya. Napaupo na lang ako sa sahig at tuluyan ng tumulo ang luha mula sa mga mata ko. Matapang akong tao pero pagdating sa ganitong bagay wala akong magawa, hindi ko magawang ipaglaban ung karapatan ko sa sarili kong asawa. Nawawala ung tapang na meron ako kapag si Raven na ung pinag-uusapan. Everything was perfect back then but when that unfortunate incident happened, things change even my husband. Noong una okay pa kaming dalawa at akala ko tanggap na n’ya ang nangyari pero mali pala ako dahil paraan n’ya lang pala ‘yon para mas lalo akong saktan. Unti-unti n’ya akong sinasaktan hanggang sa ako na mismo ang sumuko sa relasyon naming dalawa pero pilit kong pinapatatag ang sarili ko dahil mahal na mahal ko s’ya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD