Chapter 1 - Tricia POV

1440 Words
Isa sa pangarap ko ang magkaroon ng masayang pamilya, ung mapayapa na walang problema kapiling ang mga taong mahal ko at masaya ako dahil ung pangarap ko na ‘yon ay unti-unti nang natutupad kasama ang taong mahal ko ngayon. Hindi ko alam kung paano nagsimula ang lahat nang ito, nagising na lang ako isang araw na nandito na ako sa sitwasyon na ‘to kasama s’ya. Napangiti na lang ako sa tumatakbo sa isip ko at ibinalik ang atensyon ko sa harap ng bahay kung nasaan ako ngayon at saka pumasok na sa loob. “Tricia!” sigaw ni Keith sa pangalan ko ng pumasok ako sa loob ng bahay n’ya. “Ang tagal nating hindi nagkita,” masiglang salubong n’ya sa akin. Keith is one of my close friends at nandito nga ako ngayon sa bahay nila ng asawa n’ya para bisitahin s’ya dahil matagal na kaming hindi nagkikitang dalawa. Malapit na kasi s’yang manganak at ayaw na s’yang payagan ni Zack na maglalabas ng bahay kaya ako na lang ang dumalaw sa kanya dito. “Hi Keith, kamusta ka na?” Tanong ko sa kanya pero hindi ko sinasadyang pumiyok kaya kumunot agad ang noo n’ya at pinagtaasan ako ng kilay. “Bakit ang tamlay mo na naman at ganyan ang boses mo?” tanong n’ya sa akin at nag-iwas ako ng tingin saka s’ya niyakap na lagi naming ginagawa tuwing nagkikita kami. “Wala, medyo masama lang kasi ang pakiramdam ko kanina ng magising ako pero okay lang ako kaya wag ka ng mag-overthink d’yan,” sabi ko sa kanya at ngumiti. “Asaan nga pala si Sabina?” tanong ko sa kanya at kumalas sa yakap n’ya. Sabina Perez is also my friend, magkakaibigan kami nina Keith. Matagal na naming kilala ang isa’t-isa at hanggang ngayon ay magkakasama pa rin kami kahit na ang mga taong mahal namin. Umupo kami sa may couch dito sa living area nila at ipinagpatuloy namin ang pag-uusap naming dalawa. “Parang hindi mo naman kilala si Sabina, nagpapakabusy iyon ngayon sa kompanya nila at ang balita ko pa ay pupunta bukas ng London ‘yon,” sabi n’ya sa akin kaya napatango ako. “Wala naman tayong magagawa sa gustong gawin ni Sabina pero masaya ako para sa kanila ni Marco,” sabi ko sa kanya. “Masaya rin ako para sa kanila dahil unti-unti na nilang inaayos ang relasyon nila kaya sana naman wala ng sumunod sa kung ano man ang nangyari sa relasyon ng kaibigan natin na ‘yon dahil maloloka ako promise kapag may problema na naman,” sabi n’ya sa akin at napaiwas na lang ako ng tingin saka umiling. Naging magulo kasi ang relasyon ni Sabina at hindi ko istorya ‘yon para ako ang magkwento. Sana lang talaga wala ng sumunod pa sa magulong relasyon na pinagdaanan nila ni Marco. “Pagmahal mo kasi ang isang tao kahit ano pa ang mangyari Keith, kayo pa rin hanggang sa dulo.” Sabi ko sa kanya at tumango s’ya. “Tama ka d’yan Tricia,” sabi n’ya sa akin at tinapik ako sa braso kaya napangiwi ako. “Bakit?” tanong n’ya sa akin at biglang inangat ang sleeve ng suot kong damit. Nanlaki ang mata n’ya sa nakita n’ya kaya naman mabilis kong iniwas ang braso ko at ibinaba ang sleeve ng damit ko. Nagsimula naman akong kabahan dahil sa mga tingin n’ya kaya napabuntong-hininga ako at umayos ng upo. “Tricia anong nangyari d’yan?” Nag-aalalang tanong n’ya sa akin. Ito na nga ba ang sinasabi ko kapag nakita ‘to ng kaibigan ko, paniguradong hindi n’ya ako titigilan hanggang hindi s’ya nakakakuha ng sagot sa akin. “Tumama kasi ako sa pinto kahapon dahil nagmamadali ako sa ginagawa kong pagluluto, uuwi na kasi no’n si Raven kaya nagmamadali ako at mabuti na lang nga sa braso lang,” sabi ko sa kanya. “Sa susunod mag-iingat ka saka inaalagaan ka ba ng mabuti ni Raven?” tanong n’ya sa akin. “Oo naman,” sagot ko sa kanya. “Mabuti naman kung ganon dahil malalagot sa akin ‘yang si Raven, ayokong maulit ang nangyari noon saka ayokong nasasaktan ang kaibigan ko.” Sabi n’ya sa akin kaya natawa na lang ako. “H’wag kang mag-alala dahil hindi ako sasaktan ni Raven,” sabi ko sa kanya. “Eh ung tita mo? Baka ginugulo ka pa n’ya?” tanong n’ya sa akin kaya umiling ulit ako. “Hindi na dahil nakuha naman na nila ang matagal na nilang gusto sa akin,” sabi ko sa kanya. Sumama naman ulit ang timpla ng mukha n’ya dahil sa sinabi ko at inirapan ako. “Ewan ko ba naman sa’yo Tricia, napakabait mo kahit na sinasaktan ka na! Karapatan mo ung kinuha nila pero hinayaan mo lang,” sabi n’ya sa akin. “Kilala mo naman ako Keith, ayoko ng kahit anong gulo kaya ako na lang ung magpaparaya saka alam mo naman ung sitwasyon ko nang mga panahon na ‘yon,” sabi ko sa kanya at pilit na ngumiti. Umiling s’ya sa sinabi ko at seryosong tumingin sa akin. “Ano naman nangyari sa pagpaparaya mo? Diba wala naman. Mag-isip ka nga Tricia, ‘wag puro puso ang pairalin mo kaya ka ginaganyan ng mga tao sa paligid mo dahil ipinapakita mong mahina ka,” sermon na sabi n’ya sa akin kaya napabuntong-hininga na lang ako. “Keith ayoko ng isipin pa ‘yon saka masaya na ko sa buhay ko ngayon dahil kung hindi naman nangyari ‘yon baka hindi ko kasama ang taong mahal ko,” sabi ko sa kanya. Sa totoo lang mas okay na ako sa kung anong meron ako ngayon kesa ipinaglaban ko pa ang isang bagay na alam kong hindi naman sa akin kaya nagpa-ubaya na lang ako. Alam ko naman kasi kung saan lang ako dapat lumugar. "I know pero hindi sana,” sabi n’ya pero hindi ko na s’ya pinatapos dahil ayoko ng balikan ang bangungot ng nakaraan ko na hanggang ngayon ay pilit kong kinakalimutan. “Masaya na ko sa buhay ko Keith, kalimutan na natin ‘yon ngayon” sabi ko sa kanya. “Wala na talaga akong masabi sa kabaitan mo,” reklamo n’ya sa akin kaya natawa na lang ako kahit na alam ko sa sarili ko hindi ko kayang takasan kung anong meron sa nakaraan ko. Natigil lang ako sa pagtawa ng lumapit sa amin ang isa sa kasambahay nila para tawagin kaming dalawa. “Ma’am Keith nakahanda na po ang pagkain,” sabi n’ya kay Keith. “Kumain na tayo,” sabi ni Keith sa akin at dumiretso kami ng dining area nila. Nauna s’ya sa aking maglakad at nakasunod lang ako sa kanya ng makatanggap ako ng message galing sa bahay na nagpatigil sa akin. Ung masayang mukha ko ay napalitan ng lungkot dahil sa nabasa ko. “May problema ba?” tanong ni Keith sa akin ng lumingon s’ya sa akin. “Kailangan ko ng umuwi, babalik na lang ako sa susunod na araw” sabi ko sa kanya. “Bakit?” tanong n’ya sa akin. “May kailangan lang akong asikasuhin sa bahay at nakalimutan kong may tao palang pupunta ngayon do’n kaya kailangan ko ng bumalik,” sabi ko sa kanya. “Okay sige pero ipapahatid kita kay manong,” sabi n’ya sa akin at tumango ako sa kanya. Mabuti naman at hindi na n’ya ako tinanong pa dahil ayokong dagdagan ang mga kasinungalingan ko sa kanya. Hindi na rin ako tumanggi na ipahatid n’ya ako dahil alam ko naman na hindi n’ya ako papaalisin kapag nagpumilit ako sa gusto ko. Nag taxi lang kasi ako papunta dito ngayon at wala akong dalang sasakyan dahil hindi naman ako nagmamaneho sa totoo lang. Inihatid ako ni Keith sa labas at niyakap ko s’ya bago ako sumakay sa sasakyan nila. “Bye,” sabi ko sa kanya. “See you sa Sunday or maybe tomorrow lang pala,” sabi n’ya sa akin at tumango ako sa kanya. Sumakay na ako sa kotse nila at pinaandar na ng driver nila Keith ang sasakyan. “Sa bahay n’yo lang po ba tayo Ma’am Tricia?” tanong sa akin ng driver nila Keith. “Opo manong,” sabi ko sa kanya at umalis na kami. Hindi naman nagtagal ay nakarating na rin kami sa bahay at mabilis akong nagpasalamat kay manong ng makababa ako ng sasakyan. Binuksan ko agad ang gate ng bahay namin ng mapansin kong nandito na ang kotse n’ya kaya napabuntong-hininga na lang ako at dumiretso ng pumasok sa loob ng bahay namin. Welcome to Hell, Tricia.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD