Tricia POV
Hindi pa rin ako nakakalabas ng ospital simula ng dalhin ako ni Franco dito. Ilang araw na akong hindi na kakauwi sa amin at walang balita sa asawa ko. Mukhang wala ngang naghahanap sa akin, sa palagay ko naman ay hindi sinabi ni Franco sa mga kaibigan namin ang nangyari dahil kung sinabi n’ya paniguradong nandito na ang mga ‘yon lalo na si Keith kahit pa buntis s’ya.
Hindi na rin ako binalikan ni Franco dito sa ospital simula ng umalis s’ya. Wala naman problema sa akin ‘yon dahil sanay naman na akong mag-isa. Hindi ko na lang alam kung anong mangyayari o kung anong aabutan ko pag balik ko sa bahay namin ni Raven.
Umuuwi pa kaya do’n si Raven?
Gusto kong maayos namin ‘tong relasyon namin hindi lang para sa akin o dahil mahal ko s’ya kung hindi para na rin sa anak namin. Ayokong lumaki ang bata na wala s’ya, ayokong matulad sa akin ang anak ko. Wala akong pamilya at may kulang sa pagkatao. Mahirap man pero kakayanin kong tiisin lahat para sa anak ko at sa pagmamahal ko kay Raven.
Tawagin na nila akong tanga, desperado at manhid pero mahal ko ang asawa ko.
“Kamusta ka na Tricia?” natigilan ako ng biglang bumukas ang pinto ng kwarto at pumasok si Sean na ikinagulat ko.
“Anong ginagawa mo rito?” tanong ko sa kanya.
Ngumiti s’ya sa akin at umupo sa may tabi ko.
“Dinadalaw ang isang kaibigan na muntik ng makunan,” kibit-balikat na sabi n’ya sa akin.
“Sean si Franco ba ang nagsabi sa’yo?” tanong ko sa kanya.
Sino pa ba kasi ang magsasabi sa kanya kung hindi si Franco lang. Ayoko na rin naman magtaka pa dahil si Franco lang naman ang nakakaalam ng tunay na nangyari sa akin.
Umaasa nga ako na baka sinabi ni Franco sa asawa ko ang nangyari sa akin at kahit paano ay lumambot ang puso n’ya at baka sakaling puntahan ako dito sa ospital pero umaasa lang ako.
“Tricia madami akong alam na kahit walang magsabi sa akin ay alam ko,” sabi n’ya sa akin.
“Alam na ba nila?” tanong ko sa kanya at umiling s’ya.
“Hindi ko karapatan sabihin sa kanila lalo na sa asawa mo ang sitwasyon mo. Huwag mo na rin itago ang kagaguhan ng asawa mo dahil matagal ko ng alam ang sitwasyon n’yong dalawa,” sabi nito sa akin.
“Please Sean,” pakiusap ko sa kanya. Ayokong madamay ang iba pa naming kaibigan sa problema namin.
Hindi nila problema ang nangyayari sa amin ng asawa ko at ako ang aayos nito hindi sila.
“Ang tanga mo Tricia. Hindi ko alam kung anong pinakain sayo ni Raven para maging ganyan ka. Sinasaktan ka ng asawa mo, muntik ka ng makunan ng ilang beses pero s’ya pa rin Tricia.” Sabi n’ya sa akin habang umiiling.
“Kapag mahal mo ang isang tao hindi mo susukuan,” sabi ko sa kanya. “Kapag mahal mo rin ang isang tao Tricia hindi mo rin dapat sinasaktan. Kung mahal ka pa talaga ni Raven hindi n’ya ginagawa lahat ng ‘to at sa tingin mo ba walang alam ‘yang asawa mo sa nangyari sayo ngayon?” tanong n’ya sa akin kaya natahimik ako.
May alam nga kaya s’ya sa nangyari sa amin? Kung may alam naman pala s’ya bakit hindi n’ya ako pinupuntahan dito. Talaga bang wala ng pag-asa para bumalik kami sa dati? Masaya naman kami nung una kahit na biglaan ang lahat.
“Alam ng asawa mo ang nangyari sayo pero wala na lang talagang pakielam si Raven sa sitwasyon mo. Hindi ko sinasabi sayo ‘to para masaktan ka, gusto ko lang magising ka sa katotohanan na wala ng pakielam sayo ang asawa mo.” Sabi n’ya sa akin.
“Sean please, huwag mo ng dagdagan ang sermon ni Franco sa akin. Gusto kong maayos ang pamilya namin. Mahal ko si Raven at kahit masakit handa akong sumugal,” sabi ko sa kanya.
Ang desperada ko pero mahal ko ang asawa ko at kahit anong mangyari hindi ako susuko. Hindi ko isusuko ang relasyon naming dalawa.
May kasalanan ako sa kanya at hanggang kaya ko itatama ko ang mga nagawa kong pagkakamali hanggang sa mapatawad n’ya ako, hanggang bumalik sa dati ang lahat.
“Masyado ka ng tanga, hindi na tama ‘yan Tricia pero sino ako para pigilan ka sa gusto mong mangyari diba. Raven will be here later, don’t worry hindi ako ang nagpapunta sa kanya at walang pumilit sa kanya para puntahan ka. I don’t know his plan pero alagaan mo ang sarili mo. Isipin mo ang sitwasyon ng anak mo. Raven change a lot. Hindi na s’ya ang Raven na kilala nating lahat, that incident change him and please stop pushing yourself to him Tricia.” Sabi n’ya sa akin saka tumayo. “Don’t tell Raven that I know something, he will just get mad” sabi pa n’ya.
“Sean salamat pero ako ang aayos ng problema namin,” sabi ko sa kanya.
“Bahala ka Tricia. Malaki na kayo at alam mo na ang ginagawa mo pero lagi mong tandaan na may mga kaibigan ka na handang makinig at tumulong. Hindi mo rin kasalanan ang nangyari noon, walang may gusto ng nangyari kaya gumising ka sa katangahan mo! Hindi maayos ng pagtitiis mo lahat ng nangyari noon dahil hindi mo na kayang ibalik ang panahon!” mariing sabi n’ya sa akin at tinapik ang balikat ko.
Alam ko naman ‘yon, matagal ko ng alam. “Alam ko at hindi magbabago ang desisyon ko Sean.” Sabi ko sa kanya.
Napabuntong-hininga na lang s’ya at pilit na ngumiti, “Rest Tricia, you need more rest” sabi na lang n’ya at tinalikuran na ako saka umalis.
Naiwan na lang akong mag-isa dito sa kwarto at muling binalot ng katahimikan. Napatulala na lang ako at napabuntong-hininga. Pinasok ko ang buhay na ‘to ng wala namna pumilit sa akin, ginusto ko ang makasal kay Raven. Desisyon ko lahat ng ‘to at pinili kong mahalin s’ya ng higit pa sa sarili ko.
Hindi ko bibitawan lahat. Madami na akong isinakripisyo para sa aming dalawa, malaki ang kasalanan ko sa kanya at mahal na mahal ko s’ya.
Tanga na kung tanga pero mahal ko ang asawa ko.